From Wikipedia, the free encyclopedia
cAng Miss World 1970 ay ang ika-20 edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 20 Nobyembre 1970.
Miss World 1970 | |
---|---|
Petsa | 20 Nobyembre 1970 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 58 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Jennifer Hosten Grenada |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng komedyanteng si Bob Hope si Jennifer Hosten ng Grenada bilang Miss World 1970.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Grenada sa kasaysayan ng kompetisyon, at ang kauna-unahang babaeng itim ang balat na nagwagi bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Pearl Jansen ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Irith Lavi ng Israel.
Limampu't-walong kandidata mula sa limampu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at Keith Fordyce ang kompetisyon. Nagtanghal sina Bob Hope at Lionel Blair sa edisyong ito.
Limampu't-walong kandidata mula sa limampu't-pitong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Dapat sanang lalahok si Miss Italy 1970 Alda Balestra sa edistong ito, ngunit hindi ito lumahok sa kahit anong internasyonal na kompetisyon dahil siya ay labing-anim na taong-gulang pa lamang.[3] Siya ay pinalitan ng isa sa mga pinalista ng Miss Italy 1970 na si Marika de Poi. Dapat sanang lalahok si Miss Lebanon 1970 Leila Ruad sa edisyong ito, ngunit siya ay kaagad na pinalitan ni Miss Lebanon 1971 Georgina Rizk bilang kinatawan ng Libano sa Miss World dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Kalaunan ay lumahok sa Miss Universe si Rizk sa taong 1971 at nagwagi.[4][5]
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Grenada at Mawrisyo.[6] Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Hong Kong at Porto Riko na huling sumali noong 1959, Espanya at Portugal na huling sumali noong 1964, Malaysia na huling sumali noong 1966, at Ceylon, Italya, at Taylandiya na huling sumali noong 1968.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Czechoslovakia, Kosta Rika, Paragway, at Tsile sa edisyong ito. Dapat sanang sasali sa edisyong ito ang first runner-up ng Miss Czechoslovakia 1970 na si Xenie Hallová sa edisyong ito, ngunit dahil ipinagbawal ng Pamahalaan ng Czechoslovakia na lumahok ang kahit sinong Tseko sa kahit anong internasyonal na beauty pageant, hindi na nagpatuloy sa kompetisyon si Hallová. Hindi lumahok sina Julia Haydee Brenes ng Kosta Rika at Lilian Margarita Fleitas[7] ng Paragway dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Tsile matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Bermuda Margaret Hill, ngunit bigla itong bumitiw sa kompetisyon dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Inaasahan din ang pagdating ni Lovie Gaye ng Singapura sa Londres kasabay ni Mary Ann Wong ng Malaysia upang lumahok sa Miss World, ngunit hindi sumabay si Gaye sa eroplano kasama ni Wong patungo sa Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[8][9]
Bago pa man nagsimula ang kompetisyon ay kaagad nang nagkaroon ng kontrobersiya matapos tanggapin ng mga organizer ng Miss World ang dalawang kalahok mula sa Timog Aprika, isang itim, at isang puti, dulot ng aparteid na pinapalaganap sa nasabing bansa noon. Ang kandidatang itim na si Pearl Jansen ang may suot ng sash na "Africa, South", samantalang ang kandidatang puti na si Jillian Jessup ang may suot ng sash na "South Africa". [10][11] Marami ang tumutol sa desisyong ginawa ni Eric Morley dahil ayon sa mga ito, hindi magiging patas ang kompetisyon kung may isang bansang magpapadala ng dalawang kandidata habang ang iba ay isa lang ang pinapadala.[12][13]
Sa gabi ng kompetisyon, isang bomba ang sumabog sa ilalim ng isang sasakyan ng BBC na nakaparada sa labas ng Royal Albert Hall, sa isang pagtangkang hindi ipagpatuloy ang pagsasahimpapawid ng Miss World. Walang naitalang nasugatan o napahamak sa pagsabog.[14] Sa gabi ring iyon ay may nagaganap na protesta ng mga aktibista mula sa Women's Liberation Movement na naganap din sa labas ng Royal Albert Hall.[15] Dahil dito, ay kinailangang pumasok ng mga manonood sa bulwagan ng Royal Albert Hall habang nilalampasan ang mga maiingay na demonstrador na nakaharang sa likod ng mga barikada.[16][17] Animnapung mga aktibista ang nakapasok sa loob ng Royal Albert Hall, at nagtapon ng flour bomb sa entablado at nagpaingay gamit ang mga football rattle habang nasa entablado ang Amerikanong komedyante na si Bob Hope.[18][19] Siya rin ay kinantiyawan habang nagaganap ang pangyayari.[18][20] Matapos ang ilang minuto ay bumalik muli si Hope sa entablado at itinuloy ang kanyang diyalogo kasama si Eva Rueber-Staier. Ang kaganapang ito ang naging paksa ng pelikulang Misbehaviour na inilabas noong taong 2020.
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1970 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Top 7 |
|
Top 15 |
|
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Isang kontrobersiya pa ang sumulpot sa pag-anunsyo ng mga resulta nang hirangin si Jennifer Hosten ng Grenada, isang babaeng itim, bilang ang bagong Miss World, at si Pearl Jansen ng Timog Aprika na siyang itim rin ay itinanghal bilang first runner-up. Nakatanggap ng maraming mga protesta ang BBC at ang mga dyaryo sa Reyno Unido tungkol sa mga resulta. Apat sa siyam na hurado ang nagbigay ng unang gantimpala kay Maj Christel Johansson ng Suwesya at dalawa lamang kay Hosten, ngunit nagtapos si Johansson bilang third runner-up.[21] Inakusahan din si Eric Gairy, ang Premier ng Grenada at isa rin sa mga hurado sa gabing iyon, na pinapaboran niya si Hosten at hinihikayat ang mga hurado na ipanalo ito.[22] Dahil sa mga matitinding alegasyon laban sa organisasyon, napagdesisyunan ng organizing director ng Miss World Organization na si Julia Morley na bumitiw sa kanyang posisyon.
Upang pabulaanan ang mga akusasyon, ipinakita ng=i Eric Morley ang mga ballot card ng mga hurado na siyang nagpapakita sa voting system na inimplementa sa Miss World. Makikita sa mga card na mas maraming ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ikalimang puwesto si Hosten kasya kay Johansson at sa iba pang mga pinalista. Kalaunan ay bumalik sa pagiging organizing director ng Miss World si Julia Morley.[23]
Limampu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Dagmar Eva Ruthenberg[25] | 19 | Berlin |
Arhentina | Patricia María Charré[26] | 22 | Buenos Aires |
Australya | Valli Kemp[27] | 19 | Sydney |
Austrya | Rosemarie Resch[28] | 19 | Vienna |
Bagong Silandiya | Glenys Treweek[29] | 19 | Auckland |
Bahamas | June Brown | 19 | Nassau |
Belhika | Francine Martin[30] | 20 | Liège |
Beneswela | Tomasa Nina de las Casas[31] | 22 | Miranda |
Brasil | Sonia Yara Guerra[32] | 22 | São Paulo |
Ceylon | Yolanda Ahlip | 22 | Colombo |
Dinamarka | Winnie Hollmann[33] | 23 | Copenhague |
Ekwador | Sofía Monteverde[34] | 20 | Guayaquil |
Espanya | Josefina Román | 23 | Chiclana de la Frontera |
Estados Unidos | Sandra Wolsfeld[35] | 24 | Wheaton |
Gambya | Margaret Davies | 20 | Banjul |
Grenada | Jennifer Hosten[36] | 22 | St. George's |
Gresya | Julie Vardi | 20 | Atenas |
Guyana | Jennifer Wong[37] | 18 | Georgetown |
Hamayka | Elizabeth Ann Lindo[38] | 24 | Kingston |
Hapon | Hisayo Nakamura[39] | 21 | Fukuoka |
Hibraltar | Carmen Gomez[40] | 21 | Hibraltar |
Hong Kong | Ann Lay | 19 | Hong Kong |
Indiya | Heather Faville[41] | 24 | Madras |
Irlanda | Mary McKinley[42] | 20 | Donegal |
Israel | Irith Lavi[43] | 18 | Haifa |
Italya | Marika de Poi[44] | 20 | Roma |
Kanada | Norma Joyce Hickey[45] | 19 | Pulo ng Prince Edward |
Kolombya | Carmelina Bayona Vera | 18 | Santander |
Libano | Georgina Rizk[46] | 17 | Beirut |
Liberya | Mainusa Wiles | 20 | Monrovia |
Lupangyelo | Anna Hansdóttir[47] | 17 | Reikiavik |
Luksemburgo | Rita Massard | 18 | – |
Malaysia | Mary Ann Wong | 23 | Ipoh |
Malta | Marthese Galea | 18 | Sliema |
Mawrisyo | Florence Muller[6] | 21 | Port Louis |
Mehiko | Libia López[48] | 18 | Sinaloa |
Niherya | Stella Owivri | 20 | Lagos |
Nikaragwa | Evangelina Lacayo | 23 | Managua |
Noruwega | Aud Fosse[49] | 21 | Oslo |
Olanda | Patricia Hollman[50] | 20 | Doetinchem |
Pilipinas | Minerva Cagatao[51] | 17 | Isabela |
Pinlandiya | Hannele Hamara[52] | 18 | Helsinki |
Porto Riko | Alma Pérez | 21 | San Juan |
Portugal | Ana Maria Lucas[53] | 21 | Lisboa |
Pransiya | Micheline Beaurain[54] | 21 | Paris |
Republikang Dominikano | Fátima Shecker | 21 | La Altagracia |
Reyno Unido | Yvonne Ormes[55] | 21 | Nantwich |
Seykelas | Nicole Barallon | 17 | Victoria |
Suwesya | Maj Christel Johansson[56] | 20 | Estokolmo |
Suwisa | Sylvia Weisser[49] | 22 | Bern |
Taylandiya | Tuanjai Amnakamart | 17 | Bangkok |
Timog Aprika | Pearl Jansen[57] | 20 | Cape Town |
Jillian Jessup[58] | 20 | Port Elizabeth | |
Timog Korea | Lee Jung-hee[59] | 19 | Seoul |
Tsipre | Louiza Anastadiades | 19 | Nicosia |
Tunisya | Kaltoum Khouildi | 24 | Tunis |
Turkiya | Afet Tuğbay[60] | 18 | Istanbul |
Yugoslavia | Tereza Đelmiš | 19 | Subotica |
Noong taong 2014, nag-produce ng isang dokyumentaryo ang BBC Radio bilang isang episodyo ng kanilang The Reunion series kung saan pinagsama-sama sina Hosten, si Michael Aspel, at ilang sa mga taong nagprotesta nanggambal sa kompetisyon. Ang dokyumentaryong ito ang siyang naging inspirasyon ni Philippa Lowthorpe upang i-produce at direktahin ang pelikulang Misbehaviour noong 2020 kung saan isinadula ang mga pangyayari sa kompetisyon noong 1970.[61][62] Kalaunan ay nag-produce din ng isang dokyumentaryo ang BBC Television na pinamagatang Beauty Queens and Bedlam kung saan nakapanayam nila ang mga nagprotesta sa pageant, ang mga organizer, si Aspel, maging na rin sina Hosten, Jansen, at Johansson.[63]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.