From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Rappler ay isang websayt ng pahayagang online sa Pilipinas na may kawanihan sa Jakarta, Indonesia. Nagsimula ito bilang isang pahina sa Facebook na pinangalanang MovePH noong August 2011[2] at sa kalaunan ay naging ganap na websayt noong Enero 1, 2012.[3] Bukod sa nilalamang tekstong balita batay sa web, ito ang isa sa mga unang pambalitang websayt sa Pilipinas na malawakang gumagamit ng multimidyang online tulad ng mga bidyo, larawan, teksto, at audyo. Gumagamit din ito ng mga sayt sa sosyal midya para sa pamamahagi ng balita.[4]
Itinatag | 1 Enero 2012 |
---|---|
Nagtatag | Maria Ressa[1] Cheche Lazaro[1] Glenda Gloria[1] Chay Hofileña[1] Lilibeth Frondoso[1] Gemma Mendoza[1] Marites Dañguilan Vitug[1] Raymund Miranda[1] Manuel Ayala[1] Nico Nolledo |
Punong-tanggapan | , Philippines |
Pangunahing tauhan | Maria Ressa (Punong-patnugot) |
Kita | PHP 139.47 milyon (FY 2015)[1] |
Kita sa operasyon | PHP -38.35 milyon (FY 2015)[1] |
May-ari | Rappler Holdings Corporation (98.8%)[1] Mga iba pa (1.2%)[1] |
Magulang | Rappler Holdings Corporation |
Website | rappler.com |
Ayon sa sarili nitong websayt, ang pangalang Rappler ay isang portmanteau ng mga salitang "rap" (magtalakay) at "ripple" (magpaalun-alon).[3]
Noong 2018, nasampahan ito ng mga prosesong legal mula sa mga sangay ng pamahalaan ng Pilipinas.[5] Sinabi ng Rappler at kanyang mga tauhan na naging tudlaan ito para sa kanyang mga pagsisiwalat ng maling paggamit ng pamahalaan at nahalal na opisyal.
Nang may ideya ng mga propesyonal na mamamahayag na gumamit ng sosyal midya at crowd sourcing para sa pamamahagi ng balita,[6] itinatag ang Rappler noong 2011 ni Maria Ressa, isang Filipinang mamamahayag, kasama ng kanyang mga kaibigang negosyante at mamamahayag.[7][8] Nagsimulang pag-usapan ang kumpanya noong mga 2010 kung kailan isinulat ni Maria Ressa ang kanyang ikalawang aklat "From Bin Laden to Facebook" ("Mula Bin Laden hanggang Facebook"). Kabilang din sa mga taong nakibahagi sa kanyang pagkonsepto at paglikha sina Glenda Gloria, dating puno ng Newsbreak at nangangasiwang patnugot ng ABS-CBN News Channel; Chay Hofileña, mamamahayag at propesor sa Pamantasang Ateneo De Manila; Lilibeth Frondoso, dating ehekutibong prodyuser ng TV Patrol; Nix Nolledo, tagabunsod ng internet sa Pilipinas; Manuel I. Ayala, negosyante sa internet; at Raymund Miranda, dating ehekutibo ng Nation Broadcasting Corporation.[9]
Unang nagsapubliko ang Rappler bilang bersyong beta na websayt noong Enero 1, 2012, sa araw rin na naglathala ang Philippine Daily Inquirer ng artikulo ng Rappler na nagpasiklab sa kwento ng (dating) Punong Mahistrado ng Pilipinas, Renato Corona, na ginawaran ng doktoral na digri nang nang walang kinakailangang disertasyon.[10] Opisyal na inilunsad ang sayt sa kanyang kaganapang #MoveManila sa Pamantasan ng Dulong Silangan sa Maynila noong Enero 12, 2012.[11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.