Lisboa
kabesera ng Portugal From Wikipedia, the free encyclopedia
kabesera ng Portugal From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lisboa (bigkas Portuges: liz-BU-wa; Ingles: Lisbon) ay ang kabisera at pinakamataong lungsod sa bangsang Portugal. Ang kasalukuyang populasyon nito ay 564,657[2] sa loob ng mismong lungsod, ngunit mahigit na 2.4 milyong katao sa Kalakhang Lisboa. Ito ay matatagpuan sa kanluraning bahagi ng Tangway ng Iberia sa Karagatang Atlantiko, sa bibig ng Ilog Tajo. Ito ang himpilan ng Distrito ng Lisboa at ang sentro ng Kalakhang Lisboa. Ito rin ang sentrong pampolitika ng bansa, bilang kinalalagyan ng pamahalaan at ang tirahan ng Pangulo.
Lisboa | |||
---|---|---|---|
big city, municipality of Portugal, city of Portugal, national capital | |||
| |||
Mga koordinado: 38°42′29″N 9°08′20″W | |||
Bansa | Portugal | ||
Lokasyon | Portugal | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Mayor of Lisbon | Carlos Moedas | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 100.05 km2 (38.63 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 545,923 | ||
• Kapal | 5,500/km2 (14,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00 | ||
Websayt | http://www.cm-lisboa.pt/ |
Ang Lisboa ay kilala bilang isang alpha city dahil sa kahalagahan nito sa pinansiya, kalakalan, medya, aliwan, sining, edukasyon at turismo. Isa ito sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomiya ng kontinente, na may lumalagong sentrong pinansiyal at ang daungan nito ay ang pinakamalaki[3] sa "baybaying Atlantiko ng Europa." Mayroon dalawang gusali sa Lisboa na kinikilalang makasaysayan ng UNESCO: ang Tore ng Belem at ang Monasteryo ng mga Heronimos.
Dito pinirmahan ang Tratado ng Lisboa noong 13 Disyembre 2007 at ipinatupad simula noong 1 Disyembre 2009.[4]
Ang Kalakhang Lisboa ay pinakamayaman sa Portugal; ang GDP ng bawat tao ay 26,100 euros. Ito ang ika-sampung pinakamayamang kalakhan (base sa GDP) sa kontinente; 40% mas mataas kaysa pangkaraniwang GDP sa Unyong Europeo ng bawat tao. Ang lungsod ay ika-32 sa daigdig pagdating sa laki ng sahod.[5] Marami sa mga himpilan ng mga companyang internasyonal sa bansa ay matatagpuan sa Kalakhang Lisboa at ito ay ika-siyam sa daigdig pagdating sa dami ng mga pagpupulong internasyonal.
Ang Lisboa ay ang ika-25 na madaling-tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa magasinang Monocle. Ito rin ay ang ika-pitong pinaka-dinadalaw na lungsod sa timog Europa,[6] sumunod sa Estambul, Roma, Barcelona, Madrid, Atenas at Milan, na may humigit-kumulang na dalawang milyong turista bawat taon.
Tatlong ahensiya ang namamahala sa pang-araw-araw na transportasyon ng mga Lisboeta. Ang Carris ay ang malawak na sistema ng mga bus at mga trambiya. Ang Metropolitano de Lisboa o Metro Lisboa ay ang sistema ng mga treng pang-ilalim.[7] Ang Comboios de Portugal ay ang sistema ng mga treng pang-rehiyon at pambansa.
Ang Paliparan ng Portela (Aeroporto da Portela) ay nagpapalakbay sa humigit-kumulang na 13 milyong pasahero bawat taon. Malawak din ang sistema ng mga daang-bayan at mga treng mabibilis (Alfa Pendular) na nag-uugnay sa mga matataong lungsod sa Portugal. Sa taong 2013[8] ay magkakaroon na ng mabilis na tren patungong Espanya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.