From Wikipedia, the free encyclopedia
Wikang Portuges (Português) ay Wikang Romanseng nagbuhat sa lalawigan ng Galicia (Espanya) at sa hilagang ng Portugal mula sa Wikang Latin na higit dalawang libong taon na ang nakakalipas. Kumalat siya sa buong daigdig noong bandang ika-15 at ika-16 siglo habang itinatag ng Portugal ang imperyo nito (1415-1999) na kumalat sa Brasil, sa Goa (India), at sa Makaw (Tsina).
Ngayon, isa siya sa mga pangunahing wika ng daigdig na may ikaanim na antas, ayon sa dami ng mga katutubong mananalita. Marami itong katutubong mananalita sa Timog Amerika, at isa ring pangunahing lingguwa prangka sa Aprika. Pangunahing wika yaon ng mga bansang Angola, Brasil, Cape Verde, Silangang Timor, Guinea-Bissau, Makaw, Mozambique, Portugal at ng São Tomé at Príncipe.
Makikita ang mga pagkakahambing ng Portuges sa mga katulad nitong Romanseng wika:
Madalas inihahambing ang Portuges sa Espanyol. Magkatulad ang dalawa sa anyo at pinagmulan (Romanse ang dalawa), ngunit ang pinakamatingkad na kaibahan ng dalawa ay sa bigkas. Higit na mahihirapang makaunawa kung ang pag-uusapan ay mga taga-Europa at mga taga-Timog Amerika. Narito ang maikling talaan ng mga pagkakatulad ng dalawang wika.
Salita | Kahulugan | Bigkas sa Portugal | Bigkas sa Brasil |
---|---|---|---|
mondo | daigdig | [mon-du] | [mon-du] |
canção | awit | [kan-sawng] | [kan-sawng] |
telefone | telepono | [te-le-fo-n] | [te-le-fo-ni] |
água | tubig | [ag-wuh] | [ag-wuh] |
fogo | apoy | [fo-gu] | [fo-gu] |
livro | aklat | [liv-ru] | [liv-ru] |
lapiz | lapis | [la-pish] | [la-pis] |
casa | bahay | [ka-zuh] | [ka-zuh] |
cama | kama | [kuh-muh] | [kuh-muh] |
vida | buhay | [vi-duh] | [vi-duh] |
negro | itim | [neg-ru] | [neg-ru] |
branco | puti | [brang-ku] | [brang-ku] |
menino | lalaki | [me-ni-nu] | [me-ni-nu] |
menina | babae | [me-ni-na] | [me-ni-na] |
amor | mahal | [a-mur] | [a-mur] |
grande | malaki | [gran-di] | [gran-dyi] |
pequeno | maliit | [pe-ke-nu] | [pe-ke-nu] |
noite | gabi | [noy-ti] | [noy-tsi] |
manhã | umaga | [mang-yang] | [mang-yang] |
día | araw | [di-yuh] | [dyi-yuh] |
mês | buwan | [mesh] | [mes] |
porque | sapagkat | [pur-ki] | [pur-ki] |
mas | ngunit | [mash] | [mas] |
Portugal | Portugal | [pur-tu-gal] | [poh-tu-gaw] |
Português | Portuges | [pur-tu-gesh] | [poh-tu-ges] |
Brazil | Brasil | [bra-zeew] | |
Ilhas Filipinas | Pilipinas | [il-yash fi-li-pi-nash] | [il-yas fi-li-pi-nas] |
Tagalog | Portuges |
---|---|
(Pagbati) | Olá |
Kumusta? | Como está?
Como vai você? |
Magandang umaga | Boa día |
Magandang tanghali | Boa tarde |
Magandang gabi | Boa noite |
Paalam | Adeus
Tchau (Italyano) |
Pasensiya | Me desculpe
Perdão |
Salamat | Obrigado (Panlalaki)
Obrigada (Pambabae) |
Walang anuman | De nada |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.