bansa sa Timog Amerika From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Brasil,[5] opisyal na Pederatibong Republika ng Brasil, ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Dito makikita ang malaking kagubatan ng amazon. Ang Amazon rainforest, na sumasakop sa karamihan ng hilagang-kanluran ng Brazil at umaabot sa Colombia, Peru at iba pang mga bansa sa South America, ay ang pinakamalaking tropikal na rainforest sa mundo, na sikat sa biodiversity nito. Ang kabisera nito ay Brasilia habang ang pinakamataong lungsod nito ay São Paulo.
Pederatibong Republika ng Brasil República Federativa do Brasil (Portuges)
| |
---|---|
Salawikain: Ordem e Progresso "Kaayusan at Progreso" | |
Kabisera | Brasília 15°47′S 47°52′W |
Pinakamalaking lungsod | São Paulo 23°33′S 46°38′W |
Wikang opisyale at pambansa | Portuges |
Katawagan | Brasilyero |
Pamahalaan | Federal presidential republic |
• President | Lula da Silva |
• Vice President | Geraldo Alckmin |
• President of the Chamber of Deputies | Arthur Lira |
• President of the Federal Senate | Rodrigo Pacheco |
• President of the Supreme Federal Court | Luís Roberto Barroso |
Lehislatura | National Congress |
• Mataas na Kapulungan | Federal Senate |
• Mababang Kapulungan | Chamber of Deputies |
Independence from Portugal | |
• Declared | 7 September 1822 |
• Recognized | 29 August 1825 |
• Republic | 15 November 1889 |
• Current constitution | 5 October 1988 |
Lawak | |
• Total | 8,515,767 km2 (3,287,956 mi kuw) (5th) |
• Katubigan (%) | 0.65 |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 203,062,512[1] |
• Densidad | 25/km2 (64.7/mi kuw) (193rd) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $4.101 trillion[2] (8th) |
• Bawat kapita | $20,078[2] (87th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $2.126 trillion[2] (9th) |
• Bawat kapita | $10,412[2] (79th) |
Gini (2020) | 48.9[3] mataas |
TKP (2022) | 0.754[4] mataas · 87th |
Salapi | Real (R$) (BRL) |
Sona ng oras | UTC−2 to −5 (BRT) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy (CE) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +55 |
Internet TLD | .br |
Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.
Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.
Ang salitang "Brasil" ay nagmula sa salitang Portuges na brazilwood, isang katutubong puno na minsang naging sagana sa dalampasigan ng Brasil. Sa Portuges, ang brazilwood ay tinatawag na pau-brasil, kung saan ang salitang brasil ay karaniwang binibigyan ng etimolohiyang "pula katulad ng baga", na nabuo mula sa Latin na brasa ("baga") at ang hulaping -il (mula sa -iculum o -ilium). Dahil nakapagbibigay ang brazilwood ng malamlam na pulang tina, ito ay pinahahalagahan nang mataas ng industriya ng tela sa Europa at ang pinakaunang pinakinabangang produkto mula sa Brasil. Sa loob ng ika-16 na dantaon, malalaking tipak ng brazilwood ang inaani ng mga katutubo (kadalasan ay mga Tupi) sa baybayin ng Brasil, na kung saan ipinagbibili ang troso nito sa mga mangangalakal na Europeo (kadalasan ay mga Portuges, ngunit may mga Pranses din) bilang kapalit ng mga sari-saring mga bagay mula sa Europa.
Ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil. Opisyal na kinilala ng batas noong 2002, ipinatupad ang batas noong 2005. Ipinag-uutos ng batas ang paggamit ng Wikang Pasenyas ng Brazil (Brazilian Sign Language), na mas kilala sa daglat na Portuges nito na LIBRAS, sa edukasyon at serbisyong pampamahalaan. Dapat ituro ang wika bilang bahagi ng edukasyon at kurikulum sa patolohiya ng pagsasalita at wika. Ang mga guro ng LIBRAS, mga nagtuturo at mga nagsasaling-wika nito ay mga kinikilalang propesyunal. Dapat naaabot ng mga taong may kapansanan sa pandinig ang mga serbisyong pampaaralan at pangkalusugan.
Nagkaroon ng sariling pag-unlad ang Brasilenyong Portuges, gaya ng naganap noong ika-16 na dantaon sa mga Gitna at Katimugang diyalekto ng Europeong Portuges (sa kabila ng napakalaking bilang ng mga nanahang mananakop na Portuges, at mga baguhang migrante, na nagmula sa mga Hilagang rehiyon, at sa maliit na bahagdan, sa Portuges na Macaronesia), na may impluwensiya mula sa mga wikang Amerindo at Aprikano, partikular ang Kanlurang Aprikano at Bantu. Bunga nito, ang wika ay naging iba kahit papaano, kadalasan sa ponolohiya, mula sa wika ng Portugal at iba pang mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (ang mga diyalekto ng ibang bansa, bahagi nito'y dahil katatapos lamang ng kolonyalismong Portuges sa mga rehiyong ito, ay higit na malapit sa modernong Europeong Portuges). Ang mga pagkakaibang ito'y maihahalintulad sa kung paano nagkaiba ang Ingles Amerikano at Ingles Britanya.
Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.
Ang pag-aaral ng kahit isang pangalawang wika (kadalasan ay Ingles at/o Kastila) ay sapilitan sa lahat ng 12 baitang ng sapilitang sistemang pang-edukasyon (mababa at mataas na antas, na tinatawag doon na ensino fundamental at ensino médio). Ang Brasil ang unang bansa sa Timog Amerika na nag-alok ng Esperanto sa mga mag-aaral ng mataas na antas.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.