pinakamahabang ilog sa Timog Amerika From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ilog Amasona (Portuges: Rio Amazonas; Kastila: Río Amazonas) ng Timog Amerika ay ang pinakamalaking ilog sa buong mundo sa dami ng bolyum nito. Ang Amasona, na may pinakamalaking paagusang palanggana sa buong mundo, ay tinatayang may 20 bahagdan ng kabuuang pag-agos ng ilog ng mundo. Sa panahon ng tag-ulan, nasa 120 km - 130 km ang lapad. Dahil sa kanyang napakalawak na dimensiyon, tinatawag ito minsan na Ang Ilog na Dagat. Wala itong mga tulay kahit sa anumang lugar nito.[1] Hindi lamang dahil ito sa napalaking dimensiyon. Sa katunayan, hindi naman ganoong kahaba na hindi kakayanin ng makabagong tulay ang karamihan ng haba ng Amazon, kung hindi mas dahil, sa karamihan ng haba nito, umaagos ang ilog sa tropikal na ulan-gubat (rainforest), kung saan may iilang mga daan at mas iilang mga lungsod.
Pinaniwalaan na ang pinakalayong pinanggagalingan ng Ilog Amasona ay nasa pag-agos ng Ilog Apurímac nang halos isang siglo. Inilathala pa rin ang ganitong mga pag-aaral hanggang kamakailan, tulad noong 1996,[2] 2001,[3] 2007,[4] at 2008,[5] kung saan natukoy ng iba't-ibang mga may-akda ang snowcapped na tuktok na 5,597 m (18,363 tal) ng Nevado Mismi, na humigit-kumulang na 160 km (99 mi) sa kanluran ng Lawa ng Titicaca at 700 km (430 mi) sa timog-silangan ng Lima, bilang ang pinakamalayong pinanggagalingan ng ilog. Mula roon, lumilitaw ang Quebrada Carhuasanta mula sa Nevado Mismi, sumasama sa Quebrada Apacheta, at di-magtagal ay bumubuo sa Río Lloqueta na nagiging Río Hornillos at pagkatapos, magsasanib sa Río Apurimac.
Subalit, itinutukoy ng isang pag-aaral noong 2014 ng mga Amerikano na sina James Contos at Nicolas Tripcevich sa Area, isang peer-reviewed na journal ng Royal Geographical Society, na ang pinakamalayong pinanggagalingan ng Amasona ay totoong nasa pag-agos ng Río Mantaro.[6] Iba't-ibang mga paraan ang ginamit upang ihambing ang mga haba ng Ilog Mantaro vs. ang Ilog Apurímac mula sa pinakamalayong punto ng pinanggagalingan hanggang sa pagsasama ng mga ito, at ipinapakita ang mas mahabang haba ng Mantaro. Pagkatapos, isinukat ang mga layo mula sa Lago Junín hanggang sa iba't-ibang maaaring maging mga punto ng pinanggalingan sa pinakamataas na bahagi ng Ilog Mantaro, na nagbigay ng kakayahan sa kanila na itukoy na ang Cordillera Rumi Cruz ay ang pinakamalayong pinanggagalingan ng tubig sa basin ng Mantaro (at sa gayon, sa buong basin ng Amasona). Ang pinakatumpak na paraan ng pagsukat ay ang pagsusukat nang direkta gamit ang GPS na kinuha sa pagbaba sa bawat ilog gamit ang isang kayak mula sa punto ng pinanggagalingan ng mga ito hanggang sa pagsasanib ng mga ito (na isinagawa ni Contos). Naging mahirap ang pagkuha ng mga sukat na ito buhat ng pagiging class IV–V ng bawat ilog na mga ito, lalo sa mga mas mababang seksyong "Abyss" ng mga ito. Sa huli, natukoy nila na ang pinakamalayong punto sa pag-agos ng Mantaro ay mas malayo nang upstream nang halos 80 km kumpara sa Bundok Mismi sa pag-agos ng Apurímac, at sa gayon, ang maximum na haba ng Ilog Amasona ay mas mahaba nang halos 80 km kaysa sa pinaniniwalaan dati. Nagpatuloy si Contos nang downstream patungong karagatan at natapos ang kauna-unahang kumpletong pagbaba ng Amasona mula sa bagong natukoy na pinanggagalingan (natapos noong Nobyembre 2012), isang paglalakbay na inulit ng dalawang mga grupo pagkatapos lumaganap ang balita.[7]
Pagkatapos ng halos 700 km (430 mi), sumasanib ang Apurímac sa Río Mantaro sa pagbuo ng Ene, na sumasanib sa Perene sa pagbuo ng Tambo, na sumasanib sa Ilog Urubamba sa pagbuo ng Ucayali. Pagkatapos ng pagsanib ng Apurímac at Ucayail, lumalayas ang ilog mula sa terrain na Andean at napapaligiran ng floodplain. Mula rito hanggang sa pagsasanib ng Ucayali at ng Marañón, na mahigit-kumulang na 1,600 km (990 mi), mas mataas nang kaunti lamang ang mga pampang na may gubat at binabaha na nang matagal bago pa maabot ng ilog ang maximum na yugto nito ng pagbabaha.[8] Hinihinto ang mga mabababang pampang ng kaunting mga burol lamang, at pumapasok ang ilog sa napakalaking Amazon rainforest.
Pangalan | Bansa | Mga koordenado | Larawan | Karagdagang ulat |
---|---|---|---|---|
Pambansang Reserba ng Allpahuayo-Mishana | Peru | 3°56′S 73°33′W | ||
Pambansang Liwasan ng Amacayacu | Colombia | 3°29′S 72°12′W | ||
Pambansang Liwasan ng Amazônia | Brazil | 4°26′S 56°50′W | ||
Pambansang Liwasan ng Anavilhanas | Brazil | 2°23′S 60°55′W |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.