Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Arhentina (Kastila: Argentina), opisyal na Republikang Arhentino, ay bansang matatagpuan sa Timog Amerika. Pinapaligiran ito ng Bolivia at Paraguay sa hilaga, Brasil sa hilagang-silangan, Uruguay at Karagatang Atlantiko sa silangan, Chile sa kanluran, at Pasaheng Drake sa timog. Sumasaklaw ng lawak na 2,780,400 km2, ito ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Amerikang Latino. Ang kabiserang pederal at pinakamalaking lungsod nito ay Buenos Aires.
Republikang Arhentino República Argentina (Kastila)
| |
---|---|
Salawikain: En unión y libertad "Sa pagkakaisa at kalayaan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Buenos Aires 34°36′S 58°23′W |
Wikang opisyal | Kastila (de facto) |
Katawagan | Arhentino |
Pamahalaan | Pampanguluhang republikang pederal |
• Pangulo | Javier Milei |
Victoria Villarruel | |
Lehislatura | Congreso de la Nación Argentina |
• Mataas na Kapulungan | Honorable Senado |
• Mababang Kapulungan | Honorable Cámara de Diputados |
Kalayaan mula sa Imperyong Kastila | |
25 Mayo 1810 | |
9 Hulyo 1816 | |
1 Mayo 1853 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 2,780,400 km2 (1,073,500 mi kuw) (ika-8) |
• Katubigan (%) | 1.57 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 47,327,407 (ika-31) |
• Densidad | 14.4/km2 (37.3/mi kuw) (ika-214) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.239 trilyon (ika-30) |
• Bawat kapita | $26,506 (ika-66) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $621.833 bilyon (ika-24) |
• Bawat kapita | $13,297 (ika-66) |
Gini (2020) | 42.3 katamtaman |
TKP (2021) | 0.842 napakataas · ika-47 |
Salapi | Piso ng Arhentina ($) (ARS) |
Sona ng oras | UTC−3 (ART) |
Kodigong pantelepono | +54 |
Internet TLD | .ar |
Inaangkin ng bansa ang Kapuluang Falkland (Falkland Islands) (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng Nagkakaisang Kaharian.
Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao (Human Development Index) at per capita ng Kabuuan ng Gawang Katutubo (Gross Domestic Product o GDP) sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity) sa Latin Amerika.[1][2] Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country)[3] o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan.[4][5] Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.[6]
Ang pangalang Arhentina ay nakuha mula sa Latin na argentum ("pilak" o plata sa Kastila), isang pangngalang may kaugnayan sa alamat ng Sierra de la Plata, na laganap sa mga unang manlalakbay na Europeo ng Río de la Plata.
Ang unang nakataláng gamit ng pangalan ay matutunton sa La Argentina y conquista del Río de la Plata (Ang Arhentina at pagsakop sa Río de la Plata), isang tula noong 1602 ni Martín del Barco Centenera na naglalarawan ng rehiyon at pagkakatatag ng Buenos Aires. Bagaman at pangkaraniwan nang ginagamit ang "Arhentina" noong ika-18 dantaon, pormal na tinawag ang bansa na Virreinato del Río de la Plata ng Imperyong Kastila, at "Nagkakaisang mga Lalawigan ng Río de la Plata" matapos ang kalayaan nito.
Sa wikang Ingles, nakaugaliang tawaging The Argentine (Ang Arhentina) ang bansa, upang gayahin ang tipikal na gamit nito sa Kastila na la Argentina. Nawala ito sa uso noong kalagitnaan hanggang nitong huling bahagi ng ika-20 dantaon, at sa ngayon ay tinatawag na lamang ang bansa na "Arhentina."
Sa wikang Kastila, ang Argentina ay pambabae (feminine). Dahil dito, isa ito sa mga taliwas sa tuntuning pambalarila na anumang pangngalang nagsisimula sa titik A ay dapat ginagamitan ng panlalaking paghalip (masculine pronoun) na el (hal. el agua, "ang tubig"). Ang dahilan nito'y hiniram ang pangalan mula sa wikang Pranses na L'Argent.
Ang Arhentina ay isang pederasyon ng 23 lalawigan at isang nagsasariling lungsod, Buenos Aires. Ang mga lalawigan ay nahahating pang-administratibo sa mga departamento at munisipalidad, maliban sa Lalawigan ng Buenos Aires na nahahati sa mga partido. Ang Lungsod ng Buenos Aires ay nahahati sa mga komuna.
Ang de facto na opisyal na wika ay Kastila/Espanyol, na sinasalita ng halos lahat ng Arhentino. Ang bansa ang pinakamalaking pangkat na mananalita ng wikang Kastila na gumagamit ng voseo, ang paggamit ng panghalip na vos sa halip na tú (ikaw), na ginagamitan ng alternatibong porma ng mga pandiwa. Dahil sa malawak na heograpiya ng Arhentina, nagkakaroon ng malaking pagkakaiba-iba ang Kastila sa bawat rehiyon, bagaman at ang diyalektong higit na umiiral ay ang Rioplatense, na pangunahing sinasalita sa Ilog La Plata at ang punto'y kahawig ng wikang Neapolitan. Naimpluwensiyahan naman ng mga lumipat na Italyano at iba pang Europeo ang Lunfardo, isang rehiyunal na wikang pabalbal, na kumalat maging sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.