Remove ads
kabisera at pinakamataong lungsod sa Pransiya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paris (bigkas: pa-RIS; bigkas sa Pranses: pa-RI) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino). Ang lungsod ng Paris, na ang mga hangganang panlungsod nito ay hindi nagbago simula noon taong 1860, ay may tinatayang populasyon na 2,193,031[1] (Enero 2007), ngunit ang Kalakhang Paris ay may populasyon na 11,836,970[2] (Enero 2007), at ito isa sa mga pinakamataong kalakhan sa Europa[3].
Paris | |||
---|---|---|---|
territorial collectivity of France with special status, metropolis, Lungsod pandaigdig, megacity, largest city, department of France | |||
| |||
Palayaw: Ville-Lumière, The City of Light, La Ciudad de la Luz | |||
Mga koordinado: 48°51′24″N 2°21′08″E | |||
Bansa | Pransiya | ||
Lokasyon | Île-de-France, Metropolitan France, Pransiya | ||
Komuna ng Paris | 1871; 1789 | ||
Itinatag | 3rd dantaon BCE (Huliyano) | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Paris | Anne Hidalgo | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 105.4 km2 (40.7 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2020, Senso) | |||
• Kabuuan | 2,145,906 | ||
• Kapal | 20,000/km2 (53,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | FR-75C | ||
Wika | Pranses | ||
Plaka ng sasakyan | 75 | ||
Websayt | https://www.paris.fr/ |
Noong mga taong 2009 at 2010, ang Paris ay hinalal bilang isa sa tatlong mga mahahalaga at maiimpluwensiyang lungsod sa daigdig, isa sa tatlong unang "mga Europeong lungsod ng hinanarap," - ayon sa pananaliksik na inilathala ng Financial Times - at bilang kasama sa sampung pinakamagandang tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa Britanikong magasinang Monocle (Hunyo 2010)[4]. Isang mahalagang kabayanan sa mahigit na dalawa nang milenyo, ang Paris ngayon ay isa sa mga pangunahing sentrong pinansiyal at pangkultura ng daigdig, at ang impluwensiya nito sa politika, edukasyon, aliwan, midya, pananamit, agham at mga sining ay lahat nag-aambag sa kalagayan nito bilang isa sa mga pangunahing lungsod pandaigdig.[5] Ang Paris ay hinahalal ding kabilang sa 10 mga luntiang lungsod sa Europa[6] sa taong 2010.
Sa Paris gaganapin ang ika-XXXIII Olimpiyada sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024 o mas kilala sa pamagat na "PARIS 2024" at ito ang ikatlong pagkakataon na ang lungsod ay pag-gaganapan ng nasabing palaro isang daang taon ang nakalipas noong 1924 at ang pinaka unang pagkakataon naman noong 1900.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.