Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Islandiya ay bansang pulo na matatagpuan sa kanlurang Karagatang Atlantiko sa pagitan ng Greenland, Norway, at ng Kapuluang Britaniko. Isa itong bansa sa Europa, na nasa hilaga ng Karagatang Atlantiko. Nasa silangan ito ng Greenland na 300 kilometro ang layo at 1000 kilometro pakanluran mula sa Noruwega. Mayroong itong 39,769 milya kuwadradong lawak na sakop. Nasa pagitan ang Europeong bansang ito ng Hilagang Amerika at ng kontinente ng Europa. Bilang paghahambing, magkapareho ang distansiya ng paglalakbay mula New York, Estados Unidos hanggang Iceland at ang layo ng pagbibiyahe mula New York patungong Los Angeles, Estados Unidos. Kasinglaki ang Lupangyelo ng Kentucky ng Estados Unidos, at pinaninirahan ng may halos 300,000 kataong naninirahan ang karamihan sa mga dalampasigan.[6]
Islandiya Ísland (Islandes)
| |
---|---|
Awitin: Lofsöngur "Himno" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Reykjavík 64°08′N 21°56′W |
Official language | Islandes |
Katawagan | Islandes |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Guðni Th. Jóhannesson |
• Punong Ministro | Bjarni Benediktsson |
Lehislatura | Althing |
Formation | |
• Settlement | 9th century |
• Commonwealth Founding of the Althing | 930–1262 |
• Union with Norway Signing of the Old Covenant | 1262–1397 |
• Kalmar Union | 1397–1523 |
• Denmark–Norway | 1523–1814 |
• Treaty of Kiel Ceded to Denmark | 14 January 1814 |
• Constitution and limited home rule Minister for Iceland appointed | 5 January 1874 |
• Extended home rule | 1 February 1904 |
• Sovereignty Danish–Icelandic Act of Union | 1 December 1918 |
• Republic | 17 June 1944 |
Lawak | |
• Kabuuan | 103,125 km2 (39,817 mi kuw) (ika-106) |
• Katubigan (%) | 2.07 (as of 2015) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 376,248 (171st) |
• Senso ng 2024 | 399,189 |
• Densidad | 3.66/km2 (9.5/mi kuw) (240th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $27.078 bilyon (152nd) |
• Bawat kapita | $69,833[1] (15th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $30.570 billion[1] (109th) |
• Bawat kapita | $78,836[1] (8th) |
Gini (2018) | 23.2[2] mababa |
TKP (2022) | 0.959[3] napakataas · ika-3 |
Salapi | Icelandic króna (ISK) |
Sona ng oras | UTC[a] (GMT/WET) |
Kodigong pantelepono | +354 |
Internet TLD | .is |
Nananatili ang mga bahagyang temperatura buong taon sa Iceland. Bihirang umabot ang temperatura sa 75 gradong Fahrenheit (24 degring sentigrado) tuwing tag-init. Sa tag-lamig, hindi umaabot sa mga mabababang temperatura sa kabisera nitong Reykjavík, hindi tulad na nararanasan sa New York, Estados Unidos o kaya sa Ottawa, Canada.
Karaniwang pagkain sa Iceland ang mga lamang-dagat at mga lutuing may tupa.
Tinatawag na krona (isahan) o kronur (maramihan), may sagisag na ISK, ang salaping ginagamit sa Iceland. Katumbas ng isang dolyar ng Estados Unidos ang 70 ISK.
Hango ang salitang Islandiya sa Islandes na Ísland, isang salita na nagmula sa Lumang Nordiko na nangangahulugang "lupain ng yelo". Gayunpaman, ang unang pangalan ng bansa ay Snæland ("lupain ng niyebe"), na nilikha ng Vikingong nabigador na si Naddoddr, isa sa mga kauna-unahang nanirahan sa Kapuluang Faroe.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.