Ang Niherya (Ingles: Nigeria), opisyal na Republikang Pederal ng Niherya, ay bansang matatagpuan sa Kanlurang Aprika, sa pagitan ng Sahel sa hilaga at Golpo ng Guinea sa timog sa Karagatang Atlantiko. Sumasaklaw ito ng lawak na 923,769 km2 at may populasyong higit 230 milyon, at sa gayon ito ang pinakamataong bansa sa kontinente. Hinahangganan nito ang Niher sa hilaga, Kamerun sa silangan, Chad sa hilagang-silangan, at Benin sa kanluran. Ang kabisera nito ay Abuya habang ang pinakamalaking lungsod nito ay Lagos.
Federal Republic of Nigeria
| |
---|---|
Salawikain: "Unity and Faith, Peace and Progress" | |
Awiting Pambansa: Arise O Compatriots, Nigeria's Call Obey | |
Kabisera | Abuja |
Pinakamalaking lungsod | Lagos |
Wikang opisyal | Ingles |
Karaniwang wika | Hausa, Igbo, Yoruba, Fulani |
Pamahalaan | Republikang Federal |
• Pangulo | Bola Tinubu |
• Pangalawang Pangulo | Kashim Shettima |
Kalayaan mula saKahariang Nagkakaisa | |
• Inihayag at kinilala | 1 Oktubre 1960 |
• Inihayag na Republika | 1 Oktubre 1963 |
Lawak | |
• Kabuuan | 923,768 km2 (356,669 mi kuw) (Ika-31) |
• Katubigan (%) | 1.4 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 211,400,708[1] (Ika-7) |
• Senso ng 2006 | 140,431,691 |
• Densidad | 218/km2 (564.6/mi kuw) (Ika-42) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $1.116 trilion[2] (Ika-25) |
• Bawat kapita | $5,280 (Ika-129) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $514.049 bilion[2] (Ika-27) |
• Bawat kapita | $2,432 (Ika-137) |
TKP (2019) | 0.539[3] mababa · Ika-161 |
Salapi | Naira (₦) (NGN) |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
UTC+1 (not observed) | |
Kodigong pantelepono | 234 |
Kodigo sa ISO 3166 | NG |
Internet TLD | .ng |
Mga paghahating pampangasiwaan
Nahahati ang Nigeria sa tatlumpu't-anim na mga estado at isang Pederal na Punong Teritoryo (Federal Capital Territory), na nahahati pa sa 774 mga Local Government Areas (o LGA). Sa ilang konteksto, ang mga estado ay isinama sa anim na mga sonang heopolitiko: North West, North East, North Central, South East, South South, at South West.[4][5]
Magmula noong 2006[update] , may walong mga lungsod ang Nigeria na may populasyong higit sa isang milyong katao (mula pinakamalaki hanggang pinakamaliit: Lagos, Kano, Ibadan, Benin City at Port Harcourt. Ang Lagos ay ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, na may populasyong higit sa 12 milyon sa pook urbano nito.[6]
Isang mapipindot na mapa ng Nigeria na nagpapakita ng 36 mga estado nito at ng punong teritoryong pederal.
|
Demograpiya
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1971 | 55,000,000 | — |
1980 | 71,000,000 | +29.1% |
1990 | 95,000,000 | +33.8% |
2000 | 125,000,000 | +31.6% |
2004 | 138,000,000 | +10.4% |
2008 | 151,000,000 | +9.4% |
[7] |
Dumami nang 57 milyon ang populasyon ng Nigeria mula 1990 hanggang 2008, isang 60% reyt ng paglago sa loob ng wala pa sa dalawang dekada.[7] Halos kalahati ng mga Niheryano ay 14 na taong gulang o pababa.[8] Ang Nigeria ay ang pinakamataong bansa sa Aprika at sumusuma sa mga 18% ng kabuuang populasyon ng kontinente; ngunit kung gaanong katao ay isang paksa ng mga haka-haka.[9]
Tinataya ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) na ang populasyon noong 2021 ay nasa 213,401,323 [10][11], na nakabahagi bilang 51.7% rural at 48.3% urbano, at may kasamang kapal ng populasyon na 167.5 katao kada kilometrong kuwadrado. Matagal nang pinagtatalunan ang mga resulta ng pambansang senso sa mga nakalipas na ilang dekada. Inilabas ang mga resulta ng pinakahuling senso ay noong Disyembre 2006 at nagbigay ng pambansang populasyon na 140,003,542 katao. Ang tanging makukuhang pagsusuri ay sa kasarian: 71,709,859 katao sa kalalakihan at 68,293,683 sa kababaihan. Noong Hunyo 2012, winika ni Pangulong Goodluck Jonathan na dapat limitahan ng mga Niheryano ang bilang ng mga anak nila.[12]
Ayon sa UN, nasa ilalim na ang Nigeria ng biglang paglago ng populasyon at may isa sa mga pinakamataas na reyt ng paglago at pagkamayabong o pertilidad sa mundo. Batay sa kanilang mga pagtataya para sa hinaharap, isa ang Nigeria sa mga bansang inaasahan na kolektibong magsusuma sa kalahati ng kabuuang paglago ng populasyon sa mundo sa pagitan ng 2005 at 2050.[13] Pagsapit ng taong 2100 tinataya ng UN na ang populasyon ng bansa ay nasa pagitan ng 505 milyon at 1.03 bilyong katao (panggitnang pagtataya: 730 milyon).[14] Malaking pagkakaiba ito sa naging populasyon ng bansa noong 1950, na 33 milyong katao.[15]
Isa sa apat na mga Aprikano ay isang Niheryano.[16] Sa kasalukuyan, pampitong pinakamataong bansa sa mundo ang Nigeria. Ayon sa mga pagtataya noong 2006, 42.3% ng populasyon ay nasa 0–14 taong gulang, habang 54.6% ay nasa 15-65 taong gulang; kapansin-pansin na mas-mataas ang reyt ng kapanganakan kaysa sa reyt ng pagkamatay, na nasa 40.4 (reyt ng kapanganakan) at 16.9 (reyt ng kamatayan) kada 1000 katao.[17]
Pinakamalaking lungsod sa Nigeria ang Lagos, na lumago sa tinatayang 15 milyong katao[18] mula sa mga 300,000 katao noong 1950[19]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.