From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1969 ay ang ika-19 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 27 Nobyembre 1969.
Miss World 1969 | |
---|---|
Petsa | 27 Nobyembre 1969 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 50 |
Placements | 15 |
Bagong sali | Seykelas |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Eva Rueber-Staier Austrya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Penelope Plummer ng Australya si Eva Rueber-Staier ng Austrya bilang Miss World 1969.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Austrya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Gail Renshaw ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Christa Margraf ng Alemanya.[2][3]
Mga kandidata mula sa limampung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at Pete Murray ang kompetisyon.[4] Nagtanghal sina Frank Ifield at Lionel Blair sa edisyong ito.[5]
Bunsod ng pagdating ng colored television sa Londres, napag-isipan ng pangulo ng Miss World Organization na si Eric Morley na idaos ang kompetisyon sa Royal Albert Hall mula sa Lyceum Ballroom upang maging mas malaki ang kompetisyon at upang mapaunlakan na rin ang paggamit ng colored television.[6] Nausog rin ang petsa ng kompetisyong sa 27 Nobyembre 1969.
Noong 20 Nobyembre 1969, dalawang grupo ng British Young Liberals ang nagsimulang magprotesta laban sa paglahok ni Miss South Africa Linda Collett, dahil ayon sa mga ito, pinili si Collett ayon sa kulay ng kanyang balat. Itinanggi naman ito ng Mecca Ltd., at sinabing wala silang intensyon na tanggalin si Collett sa pagiging kandidata para sa Miss World.[7][8]
Ang mga kalahok mula sa limampung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang na na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at isang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Matapos lumahok sa Miss Universe, bumitiw si Miss Venezuela 1969 María José Yellici sa kanyang titulo upang magpakasal sa kanyang kasintahan na si Guillermo Zuloaga, na siyang naging pangulo ng Globovision dalawang taon ang makalipas.[9][10] Dahil dito, ibinigay ang titulo sa first runner-up na si Marzia Piazza. Gayunpaman, hindi natuloy ang kasal ni Yellici.
Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Seykelas. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Paragway na huling sumali noong 1959, at Czechoslovakia, Gambya, Libano, at Lupangyelo na huling sumali noong 1967.
Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Gana, Italya, Kenya, Moroko, Peru, Taylandiya, at Uganda sa edisyong ito.[11] Hindi sumali sina Methsili Silva ng Ceylon, Victoria Folson ng Gana, Phanarat Phisutthisak ng Taylandiya, at Charlotte Ssali ng Uganda dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12] Imbis na dalhin sa Miss World, napag-isipan ng mga isponsor ni Rahima Hachti ng Moroko na ipadala na lamang siya sa Miss Maja International sa Espanya. Hindi ipinadala ng Miss Italia Organization si Anna Zamboni ng Italya dahil nasasayangan diumano ang mga ito sa pera na ginagastos nila para dalhin ang kanilang kandidata sa Reyno Unido na siyang gagamitin lang para isapubliko ito.[13][14] Hindi sumali ang mga bansang Kenya at Peru matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Switzerland 1969 Liselotte Pouli,[15] ngunit dahil sa mga lumabas na litrato ng kanyang hinalinhan na nakahubad, napagdesisyunan ng mga organizer ng kanilang kompetisyong pambansa na huwag ipadala sa Londres si Pouli.
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1969 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 7 |
|
Top 15 |
|
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[4]
Limampung kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Christa Margraf[17] | 22 | Eibach |
Arhentina | Graciela Marino | 21 | Buenos Aires |
Australya | Stefane Meurer[18] | 20 | Newport |
Austrya | Eva Rueber-Staier[19] | 20 | Graz |
Bagong Silandiya | Carole Robinson[20] | 22 | Auckland |
Bahamas | Ida Pearce[21] | 16 | Nassau |
Belhika | Maud Alin[22] | 18 | Charleroi |
Beneswela | Marzia Piazza[23] | 18 | Vargas |
Brasil | Ana Cristina Rodrigues[24] | 18 | Rio Grande do Sul |
Czechoslovakia | Marcela Bitnarova[25] | 19 | Náchod |
Dinamarka | Jeanne Perfeldt | 21 | Copenhague |
Ekwador | Ximena Aulestia[26] | 17 | Quito |
Estados Unidos | Gail Renshaw[27] | 22 | Falls Church |
Gambya | Marie Carayol[28] | 24 | Banjul |
Gresya | Heleni Alexopoulou[29] | 18 | Atenas |
Guyana | Pamela Lord[30] | 24 | Georgetown |
Hamayka | Marlyn Elizabeth Taylor[31] | 21 | Kingston |
Hapon | Emiko Karashima | 20 | Kitakyushu |
Hibraltar | Marilou Chiappe[32] | 21 | Hibraltar |
Indiya | Adina Shellim[33] | 21 | Maharashtra |
Irlanda | Hilary Clarke | 19 | Dublin |
Israel | Tehila Selah[34] | 21 | Ramat HaSharon |
Kanada | Jacquie Perrin[35] | 21 | Toronto |
Kolombya | Lina María García[36] | 18 | Santander |
Kosta Rika | Damaris Ureña[37] | 17 | Guanacaste |
Libano | Roula Majzoub | 17 | Beirut |
Liberya | Antoinette Coleman[38] | 19 | Clay-Ashland |
Lupangyelo | Ragnheiður Pétursdóttir[39] | 17 | Reikiavik |
Luksemburgo | Jacqueline Schaeffer | 18 | Esch-sur-Alzette |
Malta | Mary Brincat[40] | 17 | Gżira |
Mehiko | Gloria Leticia Hernández | – | Guanajuato |
Niherya | Morenike Faribido[41] | 23 | Lagos |
Nikaragwa | Carlota Marina Brenes López[42] | 19 | Matagalpa |
Noruwega | Kjersti Jortun[43] | 19 | Oslo |
Olanda | Nente van der Vliet[44] | 23 | Ang Haya |
Paragway | Blanca Zaldívar[45] | – | Asuncion |
Pilipinas | Feliza Teresa Miro[46] | 17 | Maynila |
Pinlandiya | Päivi Raita[47] | 19 | Helsinki |
Pransiya | Suzanne Angly[48] | 18 | Mulhouse |
Republikang Dominikano | Sandra Cabrera[49] | 18 | Peravia |
Reyno Unido | Sheena Drummond[50] | 18 | Edinburgh |
Seykelas | Sylvia Labonté | 18 | Victoria |
Suwesya | Ing-Marie Ahlin[51] | 20 | Estokolmo |
Timog Aprika | Linda Collett[52] | 18 | Durban |
Timog Korea | Kim Seung-hee | 19 | Seoul |
Tsile | Ana María Nazar | 22 | Santiago |
Tsipre | Flora Diaouri | 19 | Nicosia |
Tunisya | Zohra Tabania[53] | 17 | Tunis |
Turkiya | Sermin Aysin[54] | 17 | Istanbul |
Yugoslavia | Radmila Živković | 20 | Belgrado |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.