Kabisera ng Guyana From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Georgetown ay isang lungsod at kabisera ng Guyana, matatagpuan sa Rehiyon 4, na kilala din sa tawag na rehiyong Demerara-Mahaica. Ito ang pinakamalaking urbanong sento ng bansa. Matatagpuan ito sa baybayin ng Karagatang Atlantiko sa bunganga ng Ilog Demerara at may palayaw na "Harding Lungsod ng Karibe."
Georgetown | |
---|---|
Lokasyon ng Guyana at Timog Amerika | |
Mga koordinado: 6°48′4″N 58°9′19″W | |
Bansa | Guyana |
Rehiyon | Demerara-Mahaica |
Naitatag | 1781 |
Ipinangalan | 29 April 1812 |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-Konseho |
• Alkalde | Ubraj Narine |
Lawak | |
• Kabuuan | 70 km2 (30 milya kuwadrado) |
Taas | 0 m (0 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 118,363 |
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC-4 |
Kodigo ng lugar | 231, 233, 225, 226, 227 |
Klima | Af |
Pangunahing nagsisilbi ang Georgetown bilang isang tingian at administratibong sentro. Nagsisilbi din ito bilang isang sentro ng mga serbisyo. Nagtala ang lungsod ng isang populasyon na 118,363 sang-ayon sa senso ng 2012.[1]
Nagsimula ang lungsod ng Georgetown bilang isang maliit na bayan noong ika-18 dantaon. Noong una, matatagpuan ang kabisera ng kolonya ng Demerara-Essequibo sa Pulo ng Borsselen sa Ilog Demerara sa ilalim ng pamamahala ng mga Olandes. Nang binihag ng mga Briton ang kolonya noong 1781, pinili ni Tenyente-Koronel Robert Kingston ang bunganga ng Ilog Demerara para maging panirahan ng isang bayan na matatagpuan sa mga Taniman ng Werk-en-rust at Vlissengen.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.