Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Libano o Lebanon (Arabo: لبنان Loubnân; Pranses: Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na napaparoon sa silangang dulo ng Dagat Mediterraneo.[1] Hinahangganan ito ng Sirya sa silangan at hilaga, at ng Israel sa timog. Nanggaling ang pangalang Lebanon mula sa Semitikong ugat na LVN, nangangahulugang ang mga “puting” tuktok ng Bulubunduking Lebanon (Bundok Lebanon[2]).
Republika ng Lebanon République Libanaise Republikang Libanesa | |
---|---|
Salawikain: Koullouna Lilouataan | |
Awiting Pambansa: Koullouna Lilouataan Lil Oula Lil Alam | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Beirut |
Wikang opisyal | Arabo 1 |
Pamahalaan | Republika |
• Pangulo | no value |
Najib Mikati | |
Kalayaan mula Pransiya | |
• Dineklara | 26 Nobyembre 1941 |
• Kinilala | 22 Nobyembre 1943 |
Lawak | |
• Kabuuan | 10,452 km2 (4,036 mi kuw) (161st) |
• Katubigan (%) | 2% |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2005 | 3 826 018 2 (Ika-123) |
• Senso ng 1932 | 861 399 3 |
• Densidad | 358/km2 (927.2/mi kuw) (Ika-16) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | US$23 638 milyon (Ika-104) |
• Bawat kapita | US$7205 (Ika-96) |
Salapi | Pound Lebaniz (LL) (LBP) |
Sona ng oras | UTC+2 |
UTC+3 | |
Kodigong pantelepono | 961 |
Internet TLD | .lb |
1 Nasusulat din ang mga opisyal na dokumento sa Pranses. Kasama sa mga wikang sinasalita sa Lebanon ang Arabo (dyalektong Lebaniz), Pranses, Inggles, at Armenyo. 2 Kinakatawan ng dyasporang Lebaniz ang 10–14 milyon Lebaniz sa buong daigdig. 3 Pasadyang iniiwasan ng pamahalaang magsagawa ng update ng sensus ng 1932 dahil sa takot ng pagbabagong maaaring mangyari sa mga batayan ng pangangatawang pampolitikia. |
May ilang mga dantaong naging mahalagang daanan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika ang Lebanon dahil pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong "ang palaruan sa Gitnang Silangan"[3] Subalit, dahil sa pagkakaroon ng digmaang sibil, nahati ang mga mamamayan ng bansang ito.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.