From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1994, ay ang ika-43 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Plenary Hall ng Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas sa Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas noong 21 Mayo 1994.[1]
Miss Universe 1994 | |
---|---|
Petsa | Mayo 21, 1994 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas, Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal: |
Lumahok | 77 |
Placements | 10 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Sushmita Sen Indiya |
Congeniality | Barbara Kahatjipara Namibya |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Charlene Gonzales Pilipinas |
Photogenic | Minorka Mercado Beneswela |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Dayanara Torres ng Porto Riko si Sushmita Sen ng Indiya bilang Miss Universe 1994. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Carolina Gómez ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Minorka Mercado ng Beneswela.
Mga kandidata mula sa 77 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Goen ang kompetisyon, samantalang sina Arthel Neville at Miss Universe 1989 Angela Visser ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon. Nagtanghal sin Peabo Bryson, and Bayanihan Philippine National Folk Dance Company, at ang bandang Eraserheads sa edisyong ito.
Noong taong 1991, Inanunsyo ni Dona Tera y Maria de Chavez, pangulo ng cosmetics firm na Jolie de Vogue, na interesado ang lungsod ng Cartagena, Kolombya sa pagdaos ng Miss Universe pageant sa taong 1994.[2] Ito ay matapos bumisita sa lungsod ang noong bise-presidente ng Miss Universe Inc. na si Michael Bracken.[2][3]
Inisyal na inalok ng Miss Universe Inc. ang Pilipinas upang idaos ang Miss Universe pageant sa taong 1995.[4] Subalit, napagdesisyunan ng noo'y Pangulo ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos na idaos ang kompetisyon sa taong 1994 dahil magaganap ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas sa Mayo 1995.[4]
Noong Hunyo 1993, inaprubahan ni Pangulong Ramos ang pagdaos ng edisyong ito sa Kalakhang Maynila. Ang kompetisyon ay ginanap sa Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas sa Pasay.[5] Ito ang pangalawang beses na ginanap sa Pilipinas ang kompetisyon. Pagkatapos ng anunsyo, inatasan ni Pangulong Ramos ang Kagawaran ng Turismo upang gumawa ng komite na kinabibilang ng dating Kalihim ng Turismo na si Vicente Carlos bilang tagapangulo, Press Secretary Jesus Sison bilang pangalawang pangulo, at isang kinatawan mula sa Tanggapan ng Pangulo.[5][6] Bagama't gumawa ng komite ang pamahalaan upang isagawa ang kaganapan sa Pilipinas, hindi gumastos ang pamahalaan para sa Miss Universe.[7] Bukod sa pinal na kompetisyon, ginanap rin ang paunang kompetisyon sa Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas, habang sa Araneta Coliseum ginanap ang opening ceremony.[8]
Noong Mayo 1994, nagkaroon ng pagsisiyasat ang Komisyon ng Karapatang Pantao sa ilalim ng dating pangulo ng komisyon na si Sedfrey Ordonez kung ang police round-up ng mga batang lansangan ay may layuning mapabuti ang internasyonal na imahe ng Maynila sa panahon ng mga kaganapan sa pageant.[9][10]
Inaasahan na kikita ang Pilipinas ng ₱10 milyon (US$357,000) mula sa kompetisyon. Ang ₱150 milyon ($5.3 milyon) na ginastos sa pagdaos ng kompetisyon ay pinondohan mula sa pribadong sektor,[11] ngunit hindi natupad ang ilan sa inaasahang pera mula sa mga isponsor, na humantong sa kakulangan ng pera na siyang inako ng pamahalaan.[12][13] Pagsapit ng kalagitnaan ng Mayo, noong nasa Maynila na ang mga kandidata, kinumpirma ng mga pageant organizer na kapos na sila sa pera at hindi sigurado kung may kikitain pa sila mula sa pageant. Bagama't kinapos na ang mga pageant organizer sa pera, nagpatuloy pa rin ang pagdaos ng kompetisyon.[14][15]
Habang nag-eensayo isang araw bago ang kompetisyon, isang maliit na bomba ang sumabog sa labas ng lokasyon ng kompetisyon kung saan nag-eensayo ang mga kandidata, na siyang nagdulot ng kaunting pinsala bagama't walang nasugatan. Dahil dito, mahigit 3000 Pilipinong pulis ang naatasan sa pagprotekta sa mga kandidata, gayundin ang dose-dosenang mga babaeng pulis na itinalaga bilang kanilang personal na bodyguard.[16][17]
Ang mga kalahok mula sa 77 bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Iniluklok ang first runner-up ng Miss El Salvador 1994 na si Claudia Méndez upang kumatawan sa kanyang bansa dahil hindi umabot sa age requirement ang orihinal na nagwagi na si Eleonora Carrillo.[18] Lumahok si Carrillo sa sumunod na edisyon at nagtapos bilang isa sa Top 10.
Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Eslobakya, Rusya, at Simbabwe, at bumalik ang mga bansang Ehipto, Kapuluang Cook, at Republika ng Tsina na huling sumali noong 1992. Hindi sumali sina Bianca Engel ng Austrya, Lara Badawi ng Libano, Karen Celebertti ng Nikaragwa, at Jessalyn Pearsall ng Kapuluang Birhen ng Estados Unidos dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Belis, Gana, Republikang Tseko, at Suriname matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Hindi pinayagang lumahok si Venna Melinda ng Indonesya dahil sa mga konserbatibong Islamikong pananaw ng kanya bansa ukol sa pagsuot ng damit panglangoy. Kalaunan ay lumipad si Melinda sa Pilipinas upang panoorin na lamang ang kompetisyon.[19][20] Dapat rin sanang lalahok si Loreta Brusokaitė ng Litwanya, ngunit umurong ito dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Humingi ng tawad si Miss Malaysia Liza Koh sa publiko sa ngalan ng kanyang bansa tungkol sa pag-aresto sa 1200 mga Pilipinang domestic helper sa Kuala Lumpur.[21][22] Gayunpaman, pinayuhan siya ng Foreign Minister ng Malaysia na si Abdullah Ahmad Badawi na huwag nang gumawa ng anumang karagdagang pahayag tungkol sa kaganapan.[23][24]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1994 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
Top 6 |
|
Top 10 |
Nagwagi | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
Top 6 | |
Top 10 |
Bansa/Teritoryo | Interbyu | Swimsuit | Evening Gown | Katampatan | Top 6 Question |
---|---|---|---|---|---|
Indiya | 9.562 (5) | 9.722 (2) | 9.792 (3) | 9.692 (3) | 9.667 (2) |
Kolombya | 9.655 (2) | 9.638 (3) | 9.897 (1)[26] | 9.730 (1) | 9.683 (1) |
Beneswela | 9.592 (3) | 9.752 (1) | 9.843 (2) | 9.729 (2) | 9.667 (2) |
Eslobakya | 9.668 (1) | 9.447 (5) | 9.700 (6) | 9.605 (4) | 9.467 (5) |
Pilipinas | 9.587 (4) | 9.425 (6) | 9.720 (4) | 9.577 (5) | 9.433 (6) |
Estados Unidos | 9.478 (6) | 9.510 (4) | 9.697 (7) | 9.562 (6) | 9.540 (4) |
Italya | 9.378 (8) | 9.325 (7) | 9.708 (5) | 9.470 (7) | |
Suwesya | 9.423 (7) | 9.078 (10) | 9.643 (8) | 9.381 (8) | |
Suwisa | 9.298 (9) | 9.197 (9) | 9.623 (9) | 9.373 (9) | |
Gresya | 9.027 (10) | 9.288 (8) | 9.618 (10) | 9.311 (10) |
Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic | |
Miss Congeniality | |
Ivory Ultra Mild Beauty Care & Soap Award |
|
Philippine Airlines Ambassador to the World |
|
Best in Philippine Terno |
|
Miss Kodak Smile Award |
|
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Tulad noong 1990, 10 semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 10 mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang anim na pinalista. Anim na pinalista ang sasabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final question at final walk.
77 kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Tanja Wild | 21 | Baden-Württemberg |
Arhentina | Solange Magnano[31] | 22 | Santa Fe |
Aruba | Alexandra Ochoa[32] | 18 | Oranjestad |
Australya | Michelle van Eimeren[33] | 22 | Brisbane |
Bagong Silandiya | Nicola Brighty[34] | 21 | Auckland |
Bahamas | Meka Knowles | 18 | Nassau |
Belhika | Christelle Roelandts[35] | 19 | Waremme |
Beneswela | Minorka Mercado[36] | 22 | Caracas |
Brasil | Valéria Peris[37] | 23 | Conchal |
Bulgarya | Nevena Marinova | 20 | Sopiya |
Bulibya | Cecilia O'Connor-d'Arlach[38] | 23 | La Paz |
Curaçao | Jasmin Clifton[39] | 26 | Willemstad |
Dinamarka | Gitte Andersen[40] | 25 | Copenhague |
Ehipto | Ghada El-Salem[34] | 20 | Cairo |
Ekwador | Mafalda Arboleda[41] | 18 | Guayaquil |
El Salvador | Claudia Méndez[18] | 22 | San Salvador |
Eslobakya | Silvia Lakatošová[42] | 20 | Bratislava |
Espanya | Raquel Rodríguez[43] | 20 | Córdoba |
Estados Unidos | Lu Parker[44] | 26 | Charleston |
Estonya | Eva-Maria Laan[45] | 19 | Tallin |
Gran Britanya | Michaela Pyke[34] | 22 | Kent |
Gresya | Rea Toutounzi[46] | 20 | Atenas |
Guam | Christina Perez | 20 | Agana |
Guwatemala | Katya Schoenstedt[47] | 20 | Lungsod ng Guatemala |
Hamayka | Angelie Martin[48] | 19 | Saint James |
Hapon | Chiaki Kawahito | 21 | Tokyo |
Hilagang Kapuluang Mariana | Elizabeth Tomokane[49] | 21 | Saipan |
Honduras | Jem Haylock[50] | 23 | Guanaja |
Hong Kong | Hoyan Mok[51] | 24 | Hong Kong |
Indiya | Sushmita Sen[52] | 18 | New Delhi |
Irlanda | Pamela Flood[53] | 22 | Dublin |
Israel | Ravit Yarkoni[54] | 21 | Giv'atayim |
Italya | Arianna David[55] | 20 | Roma |
Kanada | Susanne Rothfos[56] | 18 | Dawson Creek |
Kapuluang Birheng Britaniko | Delia Jon Baptiste[57] | 18 | Road Town |
Kapuluang Cook | Leilani Brown[58] | 18 | Rarotonga |
Kapuluang Kayman | Audrey Ebanks | 20 | Grand Cayman |
Kapuluang Turks at Caicos | Eulease Walkin | 23 | Providenciales |
Kolombya | Carolina Gómez[59] | 19 | Bogotá |
Kosta Rika | Yasmin Camacho[60] | 23 | San José |
Luksemburgo | Sandy Wagner | 20 | Lungsod ng Luksemburgo |
Lupangyelo | Svala Björk Arnardóttir[61] | 18 | Reikiavik |
Malaysia | Liza Koh[62] | 20 | Kuala Lumpur |
Malta | Paola Camilleri | 19 | Fleur-de-Lys |
Mawrisyo | Viveka Babajee[63] | 20 | Port Louis |
Mehiko | Fabiola Pérez | 18 | Chihuahua |
Namibya | Barbara Kahatjipara[64] | 21 | Windhoek |
Niherya | Suzan Hart[65] | 18 | Benue |
Noruwega | Caroline Sætre[66] | 18 | Møre og Romsdal |
Olanda | Irene van der Laar[67] | 25 | Leiden |
Panama | María Sofía Velásquez[68] | 23 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Liliana González[69] | 23 | Asuncion |
Peru | Karina Calmet[70] | 24 | La Molina |
Pilipinas | Charlene Gonzales[71] | 19 | Lungsod Quezon |
Pinlandiya | Henna Meriläinen[72] | 19 | Tohmajärvi |
Polonya | Joanna Brykczyńska[73] | 21 | West Pomerania |
Porto Riko | Brenda Robles[74] | 18 | Isabela |
Portugal | Mónica Pereira[40] | 20 | Lisboa |
Pransiya | Valerie Claisse[75] | 21 | Saint-Nazaire |
Republikang Dominikano | Vielka Valenzuela[76] | 21 | Concepción de la Vega |
Republika ng Tsina | Joanne Wu | 25 | Taipei |
Rumanya | Mihaela Ciolacu[77] | 20 | Bucharest |
Rusya | Inna Zobova[78] | 20 | Khimki |
Simbabwe | Yvette D'Almeida-Chakras[79] | 22 | Harare |
Singapura | Paulyn Sun[80] | 21 | Singapura |
Sri Lanka | Nushara Fernando[81] | 19 | Colombo |
Suwasilandiya | Nicola Smith | 20 | Mbabane |
Suwesya | Domenique Forsberg[82] | 25 | Kiruna |
Suwisa | Patricia Fässler[83] | 19 | Zürich |
Taylandiya | Areeya Chumsai[84] | 22 | Bangkok |
Timog Korea | Goong Sun-young | 21 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Lorca Gatcliffe | 24 | Port of Spain |
Tsile | Constanza Barbieri | 18 | Santiago |
Tsipre | Maria Vasiliou | 19 | Nicosia |
Turkiya | Banu Usluer | 19 | Istanbul |
Unggarya | Szilvia Forian | 21 | Karcag |
Urugway | Leonora Dibueno[40] | 27 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.