Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Estonya (Estonyo: Eesti), opisyal na Republika ng Estonya (Estonyo: Eesti Vabariik) ay isang bansa sa silangang baybayin ng Dagat Baltiko sa Hilagang Europa. Ito ay napapaligiran sa hilaga ng Golpo ng Pinlandiya sa ibayong Pinlandiya; sa kanluran ng Dagat Baltiko sa ibayong Suwesya; sa timog ng Letonya; at sa silangan ng Lawang Peipus & Rusya. Ang teritoryo nito ay binubuo ng pangunahing lupa & ng 2,222 isla sa Dagat Baltiko[8], sumasaklaw sa isang kabuuang lugar na 45,2272 km2 (17,462 mi2) at nakakaranas ng klimang mahalumigmig-kontinental. Sina Tallinn, ang kabisera ng Estonya; at Tartu ay ang mga pinakamalaking siyudad at pook-urban sa bansa. Ilan sa mga kilalang siyudad ay: Narva, Pärnu, Kohtla-Järve, at Viljandi. Ang opisyal na wika ng bansa, Estonyo, ay ang ikalawang-pinakasalitang wikang-Pinnik.
Republika ng Estonya Eesti Vabariik (Estonyo)
| |
---|---|
Awitin: Mu isamaa, mu õnn ja rõõm "Amang bayan ko, aking ligaya at galak" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Tallin 59°25′N 24°45′E |
Wikang opisyal at pambansa | Estonyo |
Katawagan | Estonyo |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Alar Karis |
• Punong Ministro | Kristan Michal |
Lehislatura | Riigikogu |
Kasarinlan | |
• Declaration of independence | 24 February 1918 |
• Independence recognized | 2 February 1920 |
• German and Soviet occupations | 1940–1991 |
• Independence restored | 20 August 1991 |
• Joined the European Union | 1 May 2004 |
Lawak | |
• Kabuuan | 45,339[1] km2 (17,505 mi kuw) (129thd) |
• Water | 2,339 km2 (903 mi kuw) |
• Katubigan (%) | 5.16 (2015)[2] |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 1,331,796[3] |
• Senso ng 2021 | 1,331,824[4] |
• Densidad | 30.6/km2 (79.3/mi kuw) (148th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2022 |
• Kabuuan | $59.557 billion[5] (114th) |
• Bawat kapita | $44,778[5] (39th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2022 |
• Kabuuan | $37.202 billion[5] (97th) |
• Bawat kapita | $27,971[5] (42th) |
Gini (2021) | 30.6[6] katamtaman |
TKP (2021) | 0.890[7] napakataas · 31st |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+02:00 (EET) |
UTC+03:00 (EEST) | |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +372 |
Internet TLD | .eeb |
|
Ang teritoryo ng Estonya ay tinitirhan mula noong mga 9,000BC. Ang mga sinaunang Estonyo ay naging ilan sa mga huling paganong Europeo na naging Kristyano pagkatapos ng Krusadang Lebonya sa ika-13ng siglo[9]. Pagkatapos ng mga siglo ng sunud-sunod na pamumuno ng mga Aleman, Danes, Suweko, Polako, at Rusyo, unti-unting umusbong ang kakaibang pambansang pagkakakilanlan sa ika-19 & maagang-ika-20ng siglo. Ito ay humantong sa pagkaroon ng kasarinlan mula sa Rusya sa 1920 pagkatapos ng maikling Giyera ng Kalayaan pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang mga Estonyo, sa ilalim ni Heneral Laidoner, ay kailangang lumaban para sa bagong kalayaan. Paunang demokratiko bago dumating ang Malawak na Kahirapan, ang Estonya ay nakaranas ng pamumunong-awtoritaryan mula 1934 sa Panahon ng Tahimik. Sa ilalim ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), ang Estonya ay paulit-ulit na inaagaw ng Alemang Natsi & ng Komunistang Rusya (USSR), na nagdulot sa pag-angkin ng USSR nito bilang isang Republikang Sobyet: ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Estonya. Pagkatapos ng pagkawala ng di-opisyal na kalayaan para sa USSR, ang opisyal na pagpapatuloy ng estado ay napanatili ng mga delegadong diplomatiko & ang pamahalaang-patapon. Sa 1987, ang mapayapang Rebolusyong Pagkanta ay nagsimula laban sa pamumunong-Sobyet, na nagdulot sa pagbalik ng de facto na kalayaan sa 20 Agosto 1991.
Ang soberanong estado ng Estonya ay isang demokratikong unitaryong republikang parlamentaryo na hinahati sa 15 lalawigan (counties, Estonyo: maakond). Na may populasyon ng 1.3 milyon, ito ay isa sa mga di-malaking-populasyong miyembro ng Unyong Europeo, ang Eurozone, ang OECD, ang Shengen Area, NATO, at ang Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa.[10]
Ang Estonya ay isang bansang-unlad na may masulong at mayamang ekonomiya na isa sa mga pinakabilis-na-umuusbong sa UE mula sa pagpasok nito rito sa 2004[11]. Ito ay nasa malaking ranggo sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao,[12] at ihinahambing nang maayos sa aspeto ng kalayaang-ekonomika, kalayaang-sibil, edukasyon,[13] at kalayaang-pamamahayag[14]. Ang mga mamamayang Estonyo ay nakakatanggap ng unibersal na pangangalaga sa kalusugan, libreng edukasyon, at ang pinakamahabang ibinayad na maternity leave sa OECD.[15] Bilang isa sa mga pinakamaunlad sa aspetong digital na bansa sa mundo[16], ang Estonya ay ang pinakaunang estado na nagsagawa ng halalan gamit ng Internet noong 2005; at ang pinakaunang estado na magbigay ng e-residency noong 2014.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.