From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Montevideo (pagbigkas sa wikang Kastila: [monteβiˈðeo]) ay kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Uruguay. Sang-ayon sa senso ng 2011, ang bayanan ng lungsod ay may isang populasyon na 1,319,108 (mga isang-katlo ng kabuuang populasyon ng bansa)[1] sa isang sukat na 201 kilometro kuwadrado (78 mi kuw). Ito ang pinakatimog na kabisera sa mga Amerika. Matatagpuan ang Montevideo sa katimugang baybayin ng bansa, sa hilagang-silangang pampang ng Río de la Plata.
Montevideo San Felipe y Santiago de Montevideo | ||
---|---|---|
administrative territorial entity, lungsod | ||
| ||
Mga koordinado: 34°52′00″S 56°10′00″W | ||
Bansa | Uruguay | |
Lokasyon | Montevideo Department, Uruguay | |
Itinatag | 24 Disyembre 1726 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 730 km2 (280 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2011, Senso) | ||
• Kabuuan | 1,319,108 | |
• Kapal | 1,800/km2 (4,700/milya kuwadrado) | |
Kodigo ng ISO 3166 | UY-MO | |
Wika | Kastila | |
Plaka ng sasakyan | S | |
Websayt | http://www.montevideo.gub.uy |
Naitatag ang lungsod noong 1724 ng isang Kastilang sundalo, si Bruno Mauricio de Zabala, bilang isang estratehikong kilos sa gitna hidwaang Kastila-Portuges hinggil sa rehiyong platina. Sandaling sumailalim ang lugar na ito sa pamumuno ng mga Briton noong in 1807. Sa Montevideo matatagpuan ang punong tanggapan pamamahala Mercosur at ALADI, ang nangungunang kaisahan sa kalakalan sa Latino Amerika, isang posisyon na nagdidikit sa paghambing sa ginagampanan ng Brussels sa Europa.[2]
Minamarka ng ulat ng Mercer noong 2019 ang kalidad ng buhay sa Montevideo bilang nangunguna sa Latino Amerika,[3] isang ranggo na natamo ng lungsod ng walang mintis simula pa noong 2005.[4][5][6][7][8] Noong 2010, ang Montevideo ang ika-19 na pinakamalaking ekonomiyang lungsod sa lupalop ng Latino Amerika at ika-9 sa pinakamataas na kumikita sa mga pangunahing mga lungsod.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.