Ang Amerikang Latino o Amerikang Latina (Ingles: Latin America; Portuges: América Latina; Kastila: Latinoamérica o América Latina; Pranses: Amérique latine) ay ang rehiyon sa Kaamerikahan na ang mga wikang Portuges at Kastila ang mga pangunahing salita. Sumibol ang mga wikang ito mula sa mga wikang Romansa, o mga hinango mula sa Latin.[1] Sa ibang salita, tipikal na sumasalungat ang katawagang "Latino Amerika" mula sa Anglo-Amerika kung saan Ingles, isang wikang Hermaniko, ang namamayaning mga salita.
Terminolohiya
Mayroong dalawang dahilan kung bakit ginagamit ang terminong Latin America:
- Unang ginamit ang terminong "Latin America" [Ingles] noong ika-19 dantaon. Inihiwalay ng katawagang ito ang mga bansang nasa Kontinente ng Amerika na may mga simulaing Ingles o mula sa hilagang Europa. Dahil sa kadahilanang ito, minsang hindi ibinibilang sa terminong ito ang mga lupaing pag-aari ng Estados Unidos, Gran Britanya, Pransiya, at Olanda na nasa Amerika.[2]
- Isa pang dahilan sa paggamit ng terminong Latin America ang muling pagbuhay ng mga bansang nasa Amerikang Latino sa mga isinaunang ideya ng kalayaan ng republikang Latin ng mga antigong republikang Romano. Nagsilbing inspirasyon para sa mga Amerikanong Latino ang mga gawi ng republikang Latin, partikular na ang mga batas, organisasyon ng republika at arkitekturang pampamahalaan. Batay sa mga batas ng mga Romano at Kodigong Napoléon ang sistemang legal ng mga republika sa Amerikang Latino, hindi mula sa pamamaraang legal ng Britanya.[2]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.