Remove ads

Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, sinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao bilang inang wika, at 128 milyon na kinabibilangan ng mga tao na tinatanggap ito bilang pangalawang wika. Ito ang opisyal o pampangasiwaang wika sa iba’t ibang komunidad o samahán (katulad ng Unyong Europeo, International Olympic Committee, Mga Nagkakaisang Bansa, at Universal Postal Union). Ang mga mananalita ng wikang Pranses ay tinatawag ding Francophone sa mga wikang Ingles at Pranses.

Thumb
bughaw: mga lugar na Francophone; asul: wikang pampangasiwaan; asul na masilaw: wikang pangkultura; berde: minoriya
Remove ads

Heographiyang Distribusyon

Europa

Thumb
Kaalaman ng wikang Pranses sa Unyong Europeo at mga kandidatong bansa[1]

Ang Wikang Pranses ay ang opisyal na wika ng Pransiya, Suwisa, Belgium, Monaco, Andorra, Italya, Luxembourg at isang minoryang wika sa United Kingdom.

Pransiya

Ayon sa Konstityusyon ng Pransiya, ang wikang Pranses ay naging opisyal na wika ng Pransiya mula noong 1992.[2]

Suwiso

Habang ang wikang Pranses kasáma ng wikang Aleman, Italyano at Romansh ay ang mga opisyal na wika ng Suwiso, habang ang wikang Pranses ay ang katutubong wika ng halos 20 bahagdan na mga Suwiso.

Belgium

Sa Belgium, ang wika ay ang opisyal na wika ng Wallonia (maliban sa Hilagang Cantons kung saan ang wikang Aleman ay ginagamit) at isa sa dalawang opisyal na wika—Kasama ang wikang Olandes—ng Brussels kung saan ito'y binibigkas ng mayoriya ng populasyon. Sa total, 40 bahagdan ng populasyon ng Belgium ay nagsasalita ng Pranses at ang natitiráng 60 bahagdan ay nagsasalita ng Dutch.

Monako at Andorra

Kahit Monegasko ay pambansang wika ng Monako, ang wikang Pranses ay ang opisyal na wika at binubuo ng mga Pranses ang 47 bahagdan
Habang naman sa Andorra, kahit ang Katalan ang opisyal na wika, ang Pranses ay karaniwang ginagamit dahil ito'y malápit sa Pransiya at 7 bahagdan ng populasyon ay binubuo ng mga Pranses.

United Kingdom at Italya

Sa United Kingdom, ito'y isang minoryang wika at 23 bahagdan ng populasyon ay nakakaintindi ng Pranses.
Sa Italya, ang wikang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang wikang Italyano sa maliit na rehiyon ng Aosta Valley sa Italya.

Amerika

Sa Canada, ang wikang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang Ingles. Sa Québec, Canada kung saan walumpong bahagdan ng populasyon ay Pranses ang kanilang katutubong wika. Mahigit na 10,170,000 na mga Kanadiano o kaya 30.6 bahagdan ng populasyon ay ginagamit ang Pranses bilang unang o ikalawang wika. Dahil sa mga programang bilingguwal sa mga paaralan ay tumataas ang bahagdan ng mga Kanadiyanong gumagamit ng Pranses.

Ang Pranses ay isang opisyal na wika ng Haiti kahit ito'y ginagamit lámang ng mga táong mayayaman, habang naman ang Haitan Creole (isang wikang base sa Pranses creole) ay mas ginagamit bílang katutubong wika.

Sa mga ibayong dagat na mga teritoryo ng Pransiya; French Guiana, Guadeloupe, Martinique, Saint Barthélemy, Saint Martin at Saint-Pierre at Miquelon, ang Pranses ay ang opisyal na wikang ginagamit.

Ang Pranses ay ikaapat sa mga karamihan na sinasalita pagkatapos ng Espanyol, Tsino at Ingles.[3][4] at ikalawa sa mga karamihan na sinasalita sa mga estado ng Louisiana, Maine, Vermont at New Hampshire. Ang Louisiana ay tahanan sa maraming diyalekto, kung saan ang pinakamaraming sumasalita ng Pranses Cajun.

Aprika

Thumb
  Mga bansang kadalasang binabanggit bilang Francophone Aprika.
  Bansang minsang binabanggit bilang Francophone Aprika

Karamihan ng mga nakakasalita ng wikang Pranses ay tumitirá sa Aprika. Ayon sa ulat ng Organisation internationale de la Francophonie noong 2007 tumataya sa 115 na milyon na mga Aprikano sa 31 na mga bansa sa Aprika ay nakakasalita ng Pranses bílang unang o ikalawang wika.

Asya

Sa Lebanon ang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang Arabic at ito'y tinuturo at ginagamit sa mga paaralan at mga sentro pang-edukasyonal. Katulad sa Lebanon, ang Pranses sa Syria ay naging opisyal hanggang 1943 pero hanggang ngayon ito'y ginagamit ng mga tao na nasa mga mataas na mga ranggo. Sa Timog-silangang Asya ang Pranses ay isang administrabong wika sa Laos at Cambodia kahit ang impluwensiya ng wika ay uminog ng mga nagdaang mga siglo. Noong panahon ng Kolonyang Pranses, ang mga matataas na mga tao ay gumamit ng Pranses at ang mga mangagawang Biyetnamese ay gumamit ng isang wikang Pranses creole na kilala bilang "Tây Bồi" na ngayon ay ekstinto na.

Indiya

Sa Indiya, sa Indiyanong Unyong teritoryo ng Pondicherry ang Pranses ay ginagamit kasama ang mga rehiyonal na mga wika ang Telugu at Tamil habang sa Tamil Nadu, Indiya ang mga mangangaral ay may magdedesisyon kung ang Pranses ay pipiliin bílang ikalawang o ikatlong wika na kadalasang kasama ang Ingles at Tamil. Ang Pranses rin ay tinuturo rin sa estado ng Marahashtra, Indiya sa mga sekondaryong paaralan bílang ikatlong wika para sa preperasyon sa mga exams. Sa mga paaralan na may CBSE at NCR kurikulum ang Pranses ay bahagi nagpagaaral sa ikatlong antas. Sa ikaapat na antas ang mga magaaral ay hinihiling na ialis ang Pranses o kaya ang Hindi (ang kanilang pambansang wika) bílang ikalawang wika nila.

Oceania

May mga ilang teritoryo ang Pransiya sa Oceania kung saan ang Pranses ay ginagamit katulad ang French Polynesia, Vanuatu, New Caledonia at, Wallis at Futana.

Remove ads

Balarila

Ang balarila ng wikang Pranses ay hindi nalalayo sa mga balarila ng iba pang mga Wikang Romaniko tulad ng Espanyol, Italiano, Portuges at iba pa.

Di tulad ng sa Wikang Latin, hindi lubhang marami ang kinakailangang pagbabago (inflection) sa mga salita. Kalimitan, ang mga pagbababong ito ay nakikita lamang sa mga Pangngalan at Panghalip (sang-ayon sa Bilang ng mga ito); sa mga Pang-uri, na kailangang tumugon sa bilang at dami ng simuno; sa mga Pandiwa, upang ipakita ang Panauhan, Panahunan at Modo ng mga ito.

Kalimitan, ang mga iba pang mga salik ng Wikang Latin tulad ng pagiging simuno o layon ng pangungusap ay makikita sa pamamagitan ng pagkakasunud-sunod ng mga salita o kaya naman ay sa mga pangatnig. Minsan, kinakailangan rin ng dalawang pandiwa upang ipakita ang iba pang mga salik na nakikita sa wikang Latin.

Mga Pandiwa

Tulad ng sa Filipino ang Pandiwa ang pinakamahalagang sangkap ng isang pangungusap na Pranses. Kalimitan ang mga Pandiwa ay nagkakaroon ng pagbabago upang maipakita ang mga sumusunod:

  • Modo - kung ang isang pangungusap ay Indikatibo, Imperatibo, Kondisyonal o Subhuntibo
  • Panahunan - kung ang mga ito ay pangkasalukuyan, pangnakaraan, o panghinaharap
  • Aspekto - kung ito ay Perpektibo, Imperpektibo o Kontemplatibo
  • Tinig - aktibo, pasibo o repleksibo
Remove ads

Mga Halimbawa

Ito'y mga halimbawang salita.

Karagdagang impormasyon Pranses, Tagalog ...
PransesTagalogPagbigkas[kailangan ng sanggunian]
mondemundo[mõd]
chansonkanta[shã-sõ]
téléphonetelepono[tele-fon]
eautubig[o]
feuapoy[foe]
livrelibro[livr]
crayonlapis[cre-yõ]
maisonbahay[me-zõ]
litkama[li]
viebúhay[vi]
cuisinekusina[kÜi-zin]
garçonlalákigar-sõ
fillebabae[fiy]
nourriturepagkain[nu-ri-tür]
grandmalaki[grã]
petitmaliit[pe-ti]
nuitgabí[nÜi]
matinumaga[ma-t~e]
jouraraw[zhur]
moisbuwan[mwa]
janvierEnero[zhã-vye]
févrierPebrero[fe-vriye]
marsMarso[mars]
avrilAbril[a-vril]
maiMayo[me]
juinHunyo[zhw~e]
juilletHulyo[zhÜi-ye]
aoûtAgosto[ut]
septembreSetyembre[sep-tãbr]
octobreOktubre[ok-tobr]
novembreNobyembre[no-vãbr]
décembreDisyembre[dey-sãbr]
carkasi[kar]
maispero[me]
FrancePransiya[frãs]
françaisPranses[frã-se]
Les Îles PhilippinesPilipinas[le-zil-fi-li-pin]
philippinPilipino[fi-li-p~e]
Isara

Pananalita

  • Magandang umaga: Bonjour
  • Kumusta kayo? (pormal): Comment allez-vous ?
  • ’Musta? (di-pormal): Comment ça va ?
  • Oo: Oui
  • Hindi: Non
  • Nasaan po ang banyo?: Où sont les toilettes?
  • Marunong po kayo mag-Ingles?: Parlez vous l'anglais?
  • Hindi ko po kayo maintindihan: Je ne vous comprends pas
  • (Maraming) Salamat: Merci (beaucoup)
  • Pasensiya: Je suis desolé(e)
  • Gusto kong pumunta sa Pransiya: Je voudrais voyager/aller/visiter en France
  • Gusto kong magtrabaho sa Pransiya: Je voudrais travailler en France
  • Mahal kitá: Je t’aime
  • Paalam: Au revoir!
  • Gusto kong bumili...: Je voudrais acheter...
  • Magkano po ito?: Combien ça coûte?
  • Maligayang Pasko: Joyeux Noël
  • Nasaan po ang pinakamalápit na hintuan ng tren?: Où est la station de métro/la gare de train la plus proche?
Remove ads

Tingnan din

Mga Kawing Panlabas

Mga Aralin

(Lahat ay sa wikang Ingles)

Mga Online na Diksiyonaryo

(Lahat ay sa wikang Ingles)

Bokabularyo

(Lahat ay sa wikang Ingles)

Audyo

(Lahat ay sa wikang Ingles)

Remove ads

Mga Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads