From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Vanuatu, opisyal na Republika ng Vanuatu (Pranses: République de Vanuatu, Ingles: Republic of Vanuatu, Bislama: Ripablik blong Vanuatu), ay isang pulóng-bansa sa Oceania na matatagpuan sa Timog Karagatang Pasipiko. Ang kapuluan na volcanic ang pinagmulan, ay 1,750 km² sa silangan ng hilagang Australia, 500 km² sa hilagang-silangan ng New Caledonia, kanluran ng Fiji, at timog-silangan ng Solomon Islands, malapit sa New Guinea.
Republika ng Vanuatu | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port Vila |
Wikang opisyal |
|
Pangkat-etniko (1999) |
|
Katawagan | Ni-Vanuatu |
Pamahalaan | Unitary parliamentary republic |
• President of Vanuatu | Nikenike Vurobaravu |
• Prime Minister of Vanuatu | Bob Loughman |
Lehislatura | Parlamento |
Kalayaan | |
• mula sa Pransiya at United Kingdom | 30 Hulyo 1980 |
Lawak | |
• Kabuuan | 12,190 km2 (4,710 mi kuw) (ika-161) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa July 2011[4] | 224,564 |
• Senso ng 2009 | 243,304[5] |
• Densidad | 19.7/km2 (51.0/mi kuw) (188th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2011 |
• Kabuuan | $1.204 billion[6] |
• Bawat kapita | $4,916[6] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2011 |
• Kabuuan | $743 million[6] |
• Bawat kapita | $3,036[6] |
TKP (2013) | 0.616[7] katamtaman · 131st |
Salapi | Vanuatu vatu (VUV) |
Sona ng oras | UTC+11 |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +678 |
Kodigo sa ISO 3166 | VU |
Internet TLD | .vu |
Unang nanirahan sa Vanuatu ang mga Melanesian. Ang mga unang Europeong dumayò sa kapuluan ay ang ekspedisyon ng mga Kastila sa pangunguna ng Portues na si Fernandes de Queirós, na dumaong sa Espiritu Santo noong 1605; inangkin niya ang kapuluan sa ngalan ng Espanya at pinangalanang Espiritu Santo. Noong 1880, inangkin ng Pransiya at United Kingdom ang ilang bahagi ng bansa, at noong 1906 nagkasundo silang ibalangkas ang magkasamang pangangasiwa sa kapuluan, at tinawag itong New Hebrides bilang isang British–French Condominium. Nagsimula ang kilusan para sa kalayaan noong mga 1970, at itinatag ang Vanuatu noong 1980.
Hango ang pangalan ng bansa sa salitáng vanua ("lupain" o "tirahan"),[8] na makikita sa mga wikang Austronesian,[9] at tu ("tumayô").[10] Ang pinagsamang salita ay nangangahulugang tumatayo na sa sariling paa ang kanilang bayan.[10]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.