From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1988 ay ang ika-38 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 17 Nobyembre 1988.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Ulla Weigerstorfer ng Austrya si Linda Pétursdóttir ng Lupangyelo bilang Miss World 1988.[3] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Lupangyelo bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Yeon-hee Choi ng Timog Korea, habang nagtapos bilang second runner-up si Kirsty Roper ng Reyno Unido.[4]
Mga kandidata mula sa walumpu't-apat na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Alexandra Bastedo ang kompetisyon. Nagtanghal ang bandang Koreana at si Donny Osmond sa edisyong ito.
Tatlong bansa ang kinunsidera ng mga Morley upang idaos ang mga paunang aktibidad para sa kompetisyon; ito ay ang mga bansang Espanya, Irlanda, at Singapura.[5] Kalaunan ay napagdesisyunan ni Eric Morley na idaos ang mga paunang aktibidad sa Espanya, na magbabayad ng £ 200,000 para sa mga venue fee, na itataguyod ng Costa del Sol Tourism Office at Air Europa.
Noong Hunyo 1988, nagkaroon ng kasunduan ang Miss World Group na nagkakahalaga ng £ 13.5 milyon para sa pagsasanib ng kumpanya sa independiyenteng istasyon ng radyong Scottish na Red Rose, sa direksyon ni Owen Oyston, kung saan si Morley ang magiging pangulo. Naganap ang pagsasanib noong Agosto 1988.
Mga kandidata mula sa walumpu't-apat bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at anim na kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Dapat sanang lalahok si Miss Germany 1988 Andrea Stelzer, ngunit dahil mayroon itong pagkamamamayan sa Timog Aprika,[6][7] siya ay pinalitan ng kanyang runner-up na si Katja Munch upang kumatawan sa Alemanya. Dapat sanang lalahok si Miss Spain 1988 Eva Pedraza sa edisyong ito,[8] ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan siya ay pinalitan ng kanyang runner-up na si Susana de la Llave. Lumahok si Pedraza sa susunod na edisyon. Dapat sanang lalahok si Dolly Minhas ng Indiya sa edisyong ito, ngunit matapos matuklasang may Amerikanong pasaporte ang kanilang kandidata sa Miss Universe na si Kalpana Pandit, nadiskwalipika si Pandit at kinailangan siyang palitan ni Minhas.[9] Dahil dito, pinalitan ni Anuradha Kottoor si Minhas bilang kinatawan ng Indiya. Dapat sanang lalahok sina Jannette Hamui ng Mehiko at Nandy Hendrikx ng Olanda, ngunit matapos nilang bumitiw dahil sa hindi isiniwalat na mga dahilan, pinalitan sila ni Cecilia Cervera at Angela Visser ayon sa pagkakabanggit. Dapat din sanang lalahok si Miss France 1988 Sylvie Bertin sa edisyong ito, ngunit matapos tumangging lumahok sa Miss Universe at Miss World, pinalitan siya ni Claudia Frittolini upang lumahok sa mga nabanggit na kompetisyon.[10][11][12]
Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Bulgarya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Ehipto na huling sumali noong 1956, Taywan na huling sumali noong 1964 bilang Republika ng Tsina, Gana na huling sumali noong 1968, Guyana na huling sumali noong 1971, Liberya at Uganda na huling sumali noong 1985, at Kapuluang Birheng Britaniko at Sierra Leone na parehong huling sumali noong 1986.
Hindi sumali ang mga bansang Brasil, Panama, at San Vicente at ang Granadinas sa edisyong ito. Dahil nagkaroon ng sakit ang may-hawak ng prangkisa ng Brasil sa Miss World, iniluklok si Elizabeth Ferreira da Silva ng Club Ilha Porchat, na siyang nagpapadala ng mga kandidata ng Brasil sa Miss International, sa Miss World. Gayunpaman, hindi sumulpot sa Londres si da Silva dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi rin sumali si Judy Charles ng San Vicente at ang Granadinas dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Panama matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1988 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 5 | |
Top 10 |
|
Kontinente | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya |
|
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Oseaniya |
|
Parangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Personality |
|
Mula sa labindalawa noong nakaraang taon, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview. Pagkatapos nito, limang kandidata ang hinirang bilang Continental Queens of Beauty, at hinirang pagkatapos ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.
Walumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Katja Munch | 19 | Francfort del Meno |
Arhentina | Gabriela Madeira[13] | 19 | Buenos Aires |
Australya | Catherine Bushell | 21 | Sydney |
Austrya | Alexandra Werbanschitz[14] | 21 | Graz |
Bagong Silandiya | Lisa Corban | 19 | Waikato |
Bahamas | Natasha Rolle | 21 | Nassau |
Barbados | Ferida Kola | 20 | Bridgetown |
Belhika | Daisy van Cauwenbergh[15] | 19 | Limbourg |
Belis | Pauline Young | 19 | Lungsod ng Belis |
Beneswela | Emma Rabbe[16] | 19 | La Guaira |
Bermuda | Sophie Cannonier[17] | 19 | Warwick East |
Bulgarya | Sonia Vassilieva | 19 | Varna |
Bulibya | Claudia Nazer[13] | 24 | Tarija |
Curaçao | Anuschka Cova[18] | 19 | Willemstad |
Dinamarka | Susanne Johansen | 24 | Copenhague |
Ehipto | Dina El Naggar | 20 | Giza |
Ekwador | Cristina López[19] | 20 | Guayaquil |
El Salvador | Karla Hasbún | 17 | San Salvador |
Espanya | Susana de la Llave[19] | 19 | Figueres |
Estados Unidos | Diana Magaña[20] | 23 | Rancho Palos Verdes |
Gana | Dzidzo Amoa[21] | 23 | Volta |
Gresya | Ariadni Mylona | 19 | Chania |
Guam | Rita Mae Pangelinan | 23 | Windward Hills |
Guwatemala | Mariluz Aguilar[19] | 18 | Lungsod ng Guatemala |
Guyana | Christine Jardim[22] | 20 | Georgetown |
Hamayka | Andrea Haynes[23] | 24 | Kingston |
Hapon | Kazumi Sakikubo | 22 | Kobe |
Hibraltar | Tatiana Desoiza | 23 | Hibraltar |
Honduras | Alina Díaz | 19 | Choluteca |
Hong Kong | Michelle Reis[24] | 18 | Kowloon |
Indiya | Anuradha Kottoor[25] | 22 | Bombay |
Irlanda | Collette Jackson[26] | 22 | Coolock |
Israel | Dganit Cohen | 18 | Tel-Abib |
Italya | Giulia Gemo | 18 | Modena |
Kanada | Morgan Fox[27] | 18 | Richmond |
Kanlurang Samoa | Noanoa Hill | 17 | Apia |
Kapuluang Birheng Britaniko | Nelda Farrington[28] | 22 | Tortola |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Cathy Mae Sitaram | 19 | St. Croix |
Kapuluang Cook | Annie Wigmore | 17 | Titikaveka |
Kapuluang Kayman | Melissa McTaggart | 23 | Grand Cayman |
Kapuluang Turks at Caicos | Doreen Dickenson | 20 | Grand Turk |
Kenya | Dianna Naylor[21] | 21 | Mombasa |
Kolombya | Jasmín Oliveros[29] | 20 | Bahía Solano |
Kosta Rika | Virginia Steinvorth[30] | 19 | San José |
Libano | Sylvana Samaha | 19 | Beirut |
Liberya | Ollie White[31] | 19 | Nimba |
Luksemburgo | Chantal Schanbacher | 22 | Altrier |
Lupangyelo | Linda Pétursdóttir | 18 | Vopnafjörður |
Makaw | Helena Lo Branco | 19 | Makaw |
Malaysia | Sue Wong | 19 | Penang |
Malta | Josette Camilleri | 21 | Marsa |
Mawrisyo | Véronique Ash | 21 | Beau Bassin |
Mehiko | Cecilia Cervera | 20 | Lungsod ng Mehiko |
Niherya | Omasan Buwa[32] | 22 | Warri |
Noruwega | Rita Paulsen[33] | 21 | Myrvoll |
Olanda | Angela Visser | 21 | Rotterdam |
Papuwa Bagong Guniya | Erue Taunao | 19 | Port Moresby |
Paragway | María José Miranda[34] | 19 | Asunción |
Peru | Martha Kaik | 21 | Lima |
Pilipinas | Dana Narvadez[35] | 19 | Manila |
Pinlandiya | Nina Andersson[36] | 21 | Lahti |
Polonya | Joanna Gapinska[37] | 20 | Szczecin |
Portugal | Helena Isabel Laureano | 20 | Sesimbra |
Pransiya | Claudia Frittolini[38] | 20 | Illzach |
Pulo ng Man | Victoria O'Dea | 17 | Douglas |
Republikang Dominikano | María Josefina Martínez | 21 | San Ignacio de Sabaneta |
Reyno Unido | Kirsty Roper[39] | 17 | Staffordshire |
San Cristobal at Nieves | Hailey Cassius | 21 | Newtown |
Sierra Leone | Tiwilla Ojukutu | 21 | Freetown |
Singapura | Shirley Teo | 23 | Singapura |
Sri Lanka | Michelle Koelmeyer | 18 | Colombo |
Suwasilandiya | Thandeka Magagula | 22 | Manzini |
Suwesya | Cecilia Hörberg | 22 | Gothenburg |
Suwisa | Karina Berger[40] | 20 | Zurich |
Taylandiya | Thaveeporn Hunsilp | 18 | Bangkok |
Taywan | Wu Yi-ning[41] | 17 | Taipei |
Timog Korea | Choi Yeon-hee[42] | 22 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Wendy Baptiste | 19 | Arouca |
Tsile | María Francisca Aldunate | 22 | Santiago |
Tsipre | Aphrodite Theophanous | 18 | Paphos |
Turkiya | Esra Sumer[43] | 19 | Istanbul |
Uganda | Nazma Jamal Mohamed[44] | 20 | Entebbe |
Urugway | Gisel Silva Sienra | 19 | Montevideo |
Yugoslavia | Suzana Žunić | 17 | Split |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.