Remove ads
kontinente From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.[2]
Lawak | 30,221,532 km² (11,668,598.7 sq mi) |
---|---|
Populasyon | 922,011,000[1] (2005, 2nd) |
Density | 30.51/km² (about 80/sq mi) |
53
| |
Mga Umaasang Bansa | |
Demonym | Aprikano |
Wika | Higit sa 1,000 katutubong wikang Aprikano kabilang ang ilang mga wika na sinasalita ng milyon-milyong katulad ng Igbo, Swahili, Hausa, Amharic, at Yoruba; Dagdag pa nito ang Arabe, Ingles, Pranses, Portuges, Afrikaans, Kastila, mga wikang Indiyano, at iba pa |
Sona ng oras | UTC-1 (Cape Verde) to UTC+4 (Mauritius) |
Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.
Ang populasyon ng Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng kontinente sa mundo. Ang kanilang median age noong 2012 ay 19.7, habang ang pangkabuuang gitnang edad (median age) noon sa mundo ay 30.4. Algeria ang pinakamalaking bansa pagdating sa sukat ng lupa habang Nigeria naman ang bansang may pinakamalaking populasyon. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang Aprika, ay kinikilala bilang lugar na pinagmulan ng mga tao at ng Hominidae clade (malalaking bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang ang Sahelanthropus tchadensis, Australopithecus africanus, A. afarensis, Homo erectus, H. habilis at H. ergaster – kasama ang pinakaunang Homo sapiens o modernong tao na natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga 200,000 taon na ang nakararaan. Ang Aprika ay dinadaanan ng ekwador at mayroon itong iba’t ibang klima. Ito lamang ang kontinente na abot sa hilaga hanggang timog ng sonang katamtaman.
Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.
Sa talaan na ito at rehiyon kung saan sila ay nakakategorya na base sa mga panukala ng Mga Bansang Nagkakaisa.[3]
Pangalang ng rehiyon at teritoryo, kasama ang watawat |
Lawak (km²) |
Populasyon (2009 Taya) |
Densidad ng Populasyon (bawat km²) |
Kabisera |
---|---|---|---|---|
Silangang Aprika (Eastern Africa): | ||||
Burundi | 27,830 | 8,988,091 | Bujumbura | |
Komoro | 2,170 | 752,438 | 283.1 | Moroni |
Djibouti | 23,000 | 516,055 | 20.6 | Djibouti |
Eritrea | 121,320 | 5,647,168 | 36.8 | Asmara |
Etiyopiya | 1,127,127 | 85,237,338 | 60.0 | Addis Ababa |
28.1 | Antananarivo | |||
Malawi | 118,480 | 14,268,711 | 90.3 | Lilongwe |
Mauritius | 2,040 | 1,284,264[3] | 629.5 | Port Louis |
Mayotte (France) | 374 | 223,765[3] | 489.7 | Mamoudzou |
Mosambik | 801,590 | 21,669,278[3] | 27.0 | Maputo |
Réunion (France) | 2,512 | 743,981(2002) | 296.2 | Saint-Denis |
Rwanda | 26,338 | 10,473,282[3] | 397.6 | Kigali |
Seyseles | 455 | 87,476[3] | 192.2 | Victoria |
Somalia | 637,657 | 9,832,017[3] | 15.4 | Mogadishu |
Tansania | 945,087 | 41,048,532[3] | 43.3 | Dodoma |
Uganda | 236,040 | 32,369,558[3] | 137.1 | Kampala |
Sambia | 752,614 | 11,862,740[3] | 15.7 | Lusaka |
Simbabwe | 390,580 | 11,392,629[3] | 29.1 | Harare |
Gitnang Aprika: | 6,613,253 | 121,585,754 | 18.4 | |
Angola | 1,246,700 | 12,799,293[3] | 10.3 | Luanda |
Kamerun | 475,440 | 18,879,301[3] | 39.7 | Yaoundé |
Republikang Gitnang-Aprikano | 622,984 | 4,511,488[3] | 7.2 | Bangui |
Tsad | 1,284,000 | 10,329,208[3] | 8.0 | N'Djamena |
Konggo | 342,000 | 4,012,809[3] | 11.7 | Brazzaville |
Demokratikong Republika ng Konggo | 2,345,410 | 68,692,542[3] | 29.2 | Kinshasa |
Ekwatoryal Guinea | 28,051 | 633,441[3] | 22.6 | Malabo |
Gabon | 267,667 | 1,514,993[3] | 5.6 | Libreville |
Sao Tome at Prinsipe | 1,001 | 212,679[3] | 212.4 | São Tomé |
Hilagang Aprika: | 8,533,021 | 211,087,622 | 24.7 | |
Alherya | 2,381,740 | 34,178,188[3] | 14.3 | Algiers |
Ehipto[4] | 1,001,450 | 83,082,869[3] total, Asia 1.4m | 82.9 | Cairo |
Libya | 1,759,540 | 6,310,434[3] | 3.6 | Tripoli |
Moroko | 446,550 | 34,859,364[3] | 78.0 | Rabat |
Sudan | 2,505,810 | 41,087,825[3] | 16.4 | Khartoum |
Tunisia | 163,610 | 10,486,339[3] | 64.1 | Tunis |
Kanlurang Sahara[5] | 266,000 | 405,210[3] | 1.5 | El Aaiún |
Mga teritoryong umaasa sa Europa na matatagpuan sa Hilagang Aprika: | ||||
Kapuloan Espana (Espanya)[6] | 7,492 | 1,694,477(2001) | 226.2 | Las Palmas de Gran Canaria, Santa Cruz de Tenerife |
Ceuta (Espanya)[7] | 20 | 71,505(2001) | 3,575.2 | — |
Madeira (Portugal)[8] | 797 | 245,000(2001) | 307.4 | Funchal |
Melilla (Spain)[9] | 12 | 66,411(2001) | 5,534.2 | |
Timog Aprika (Southern Africa): | 2,693,418 | 56,406,762 | 20.9 | |
Botswana | 600,370 | 1,990,876[3] | 3.3 | Gaborone |
Lesotho | 30,355 | 2,130,819[3] | 70.2 | Maseru |
Namibia | 825,418 | 2,108,665[3] | 2.6 | Windhoek |
Timog Africa | 1,219,912 | 49,052,489[3] | 40.2 | Bloemfontein, Cape Town, Pretoria[10] |
Suwasilandiya | 17,363 | 1,123,913[3] | 64.7 | Mbabane |
Kanlurang Aprika: | 6,144,013 | 296,186,492 | 48.2 | |
Benin | 112,620 | 8,791,832[3] | 78.0 | Porto-Novo |
Burkina Faso | 274,200 | 15,746,232[3] | 57.4 | Ouagadougou |
Kabo Berde | 4,033 | 429,474[3] | 107.3 | Praia |
Baybaying Garing | 322,460 | 20,617,068[3] | 63.9 | Abidjan, Yamoussoukro[11] |
Gambiya | 11,300 | 1,782,893[3] | 157.7 | Banjul |
Gana | 239,460 | 23,832,495[3] | 99.5 | Accra |
Guinea | 245,857 | 10,057,975[3] | 40.9 | Conakry |
Guinea-Bissau | 36,120 | 1,533,964[3] | 42.5 | Bissau |
Liberia | 111,370 | 3,441,790[3] | 30.9 | Monrovia |
Mali | 1,240,000 | 12,666,987[3] | 10.2 | Bamako |
Mauritania | 1,030,700 | 3,129,486[3] | 3.0 | Nouakchott |
Niher | 1,267,000 | 15,306,252[3] | 12.1 | Niamey |
Niherya | 923,768 | 149,229,090[3] | 161.5 | Abuja |
Saint Helena (UK) | 410 | 7,637[3] | 14.4 | Jamestown |
Senegal | 196,190 | 13,711,597[3] | 69.9 | Dakar |
Sierra Leone | 71,740 | 6,440,053[3] | 89.9 | Freetown |
Togo | 56,785 | 6,019,877[3] | 106.0 | Lomé |
KABUUAN (Total) | 30,368,609 | 1,001,320,281 | 33.0 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.