Kabisera at pangunahing daungan ng bansang Mozambique From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Maputo (Bigkas sa wikang Portuges: [mɐˈputu]), opisyal na pinangalan bilang Lourenço Marques hanggang 1976, ay ang kabisera at ang pinakamataong lungsod ng Mozambique. Ipinangalan ang lungsod kay punong Maputsu I ng angkan ng Tembe, isang subgrupo ng mga Tsonga. Matatagpuan malapit sa katimugang dulo ng bansa, nakaposisyon ito sa loob ng 120 km (75 milya) sa mga hangganan ng Eswatini at Timog Aprika. Mayroon ang lungsod ng isang populasyon na 1,088,449 (ayon noong 2017[1]) na nakalat sa isang lupain na may sukat na 347,69 km2 (134 mi kuw). Kabilang sa kalakhang lugar ng Maputo ang katabing lungsod ng Matola, at mayroong kabuuang populasyon na 2,717,437. Isang lungsod ng pantalan ang Maputo, na may isang ekonomiya na nakasento sa komersyo. Kilala din ito sa kanyang buhay na buhay na eksenang pangkalinangan at natatangi at eklektikong arkitektura.[2][3][4]
Nasa may isang malaking likas na look ang Maputo sa Karagatang Indiyano, malapit kung saan nagsasanib ang mga ilog ng Tembe, Mbuluzi, Matola at Infulene. Kinabibilangan ang lungsod ng pitong administratibong dibisyon, na nahahati pa sa sangkapat o bairros. Napapalitbutan ang lungsod ng Lalawigan ng Maputo, subalit pinapangasiwaan ito bilang taglay ang sarili, na hiwalay sa lalawigan simula pa noong 1998. Sa heograpiya, ang lungsod ng Maputo ay ang pinakamaliit at pinakamataong lalawigan sa Mozambique.[3] Isang kosmopolitang lungsod ang Maputo, kung saan karaniwang ginagamit ang mga wikang Bantu at Tsonga, at Portuges, at sa mas kaunting gamit, ang mga wikang Arabe, Indiyano at Tsino pati na rin ang kanilang kalinangan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.