proseso ng pagpaplano, pagdidisenyo at pagpapatayo ng mga gusali at iba pang istruktura From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang arkitektura ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Ang mga gawaing pang-arkitektura, sa pisikal na kaanyuan ng mga gusali, ay madalas mapapansin bilang mga simbolo ng kultura at bilang sining. Ang mga sibilisasyon sa kasaysayan ay madalas nakikilala sa kanilang mga pambihirang arkitektura na nananatili hanggang sa kasalukuyan.[1]
Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.
Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang pagganan o functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-tatakda, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.
Ang kasanayan, na siyang nagsimula noong sinaunang panahon, ay ginagamit bilang paraan ng pagpapahayag ng sining ng isang sibilisasyon. Para sa kadahilanang ito, ang arkitektura ay itinuturing rin bilang isang anyo ng sining. Ang mga teksto tungkol sa arkitektura ay isinulat mula noong sinaunang panahon; ang pinakamaagang natitirang teksto tungkol sa mga teorya ng arkitektura ay ang tratadong De architectura ng arkitektong Romano na si Vitruvio na isinulat noong ika-1 siglo AD. Ayon kay Vitruvio, ang isang magandang gusali ay nagtataglay ng firmitas, utilitas, at venustas (katibayan, kagamitan, at kagandahan).[2] Pagkalipas ng ilang dantaon, mas binuo ni Leon Battista Alberti ang kanyang mga ideya, na nakikita ang kagandahan bilang isang obhetibong kalidad ng mga gusali na matatagpuan sa kanilang mga proporsyon. Sinulat ni Giorgio Vasari ang Lives of the Most Excellent Painters, Sculptors, and Architects at iniharap ang ideya ng istilo sa Kanluraning sining noong ika-16 na siglo. Sa ika-19 na siglo, Ipinahayag ni Louis Sullivan na "ang anyo ay sumusunod sa function". Sinimulang palitan ng "function" ang klasikal na "kagamitan" o "utility" at naunawaan na hindi lamang kasama ang praktikal kundi pati na rin ang aesthetic, sikolohikal at kultural na mga dimensyon. Ang ideya ng sustainable architecture ay ipinakilala noong huling bahagi ng ika-20 siglo.
Ang aralin ng arkitektura ay maaring nangangahulugang:
Ang pilosopiya ng arkitektura ay isang sangay ng pilosopiya ng sining, na tumatalakay sa estetikang kahalagahan ng arkitektura, ang palasurian nito, at relasyon nito sa pag-unlad at patubo ng kultura. Maraming pilosopo mula kay Platon hanggang kay Michel Foucault, Gilles Deleuze,[5] Robert Venturi, at Ludwig Wittgenstein ay nag-aalala sa likas na katangian ng arkitektura at kung nakikilala ang arkitektura sa gusali.
Ang pinakamaagang nakaligtas na sulatin sa paksa ng arkitektura ay ang De architectura ng Romanong arkitekto na si Vitruvio noong unang bahagi ng ika-1 siglo AD.[6] Ayon kay Vitruvio, upang malaman kung ang isang gusali ay matatawag na "mabuti", dapat ay alinsunod ito sa tatlong tuntunin na venustas, firmitas, utilias, o kaluguran, katatagan, kagamitan. Ang katumbas nito sa modernong Ingles at Tagalog ay:
Ayon kay Vitruvio, hangga't maaari ay dapat magsikap ang mga arkitekto na matupad ang bawat isa sa tatlong katangiang ito.
Nakita ni Leon Battista Alberti, na siya nagpaliwanag sa mga ideya ni Vitruvio sa kanyang tratadong De re aedificatoria, ang kagandahan lalo na bilang isang bagay ng proporsyon, bagaman ang dekorasyon ay gumaganap din bilang bahagi.