Bansa Sa Afrika From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Zambia ( /ˈzæmbiə,_ˈzɑːmʔ/), opisyal bilang Republika ng Zambia, ay isang bansa ng walang baybayin at nasa sangang daan ng Gitna, Timog at Silangang Aprika,[7] bagaman tipikal na tinutukoy ito bilang nasa Timog-Gitnang Aprika.[8] Napapaligiran ito ng Demokratikong Republika ng Congo sa hilaga, Tanzania sa hilagang-silangan Malawi sa silangan, Mozambique sa timog-silangan, Zimbabwe at Botswana sa timog, Namibia sa timog-kanluran, at Angola sa kanluran. Lusaka ang kabisera ng bansa, na matatagpuan sa timog-gitnang bahagi ng Zambia. Tinatayang nasa mga 19.5 milyon ang populasyon ng bansa, na pangunahing natitipon sa palibot ng Lusaka sa timog at ang Lalawigan ng Copperbelt sa hilaga, ang sentro ng ekonomiya ng bansa.
Republika ng Zambia | |
---|---|
Salawikain: "One Zambia, One Nation" (Isang Zambia, Isang Bansa) | |
Awiting Pambansa: "Stand and Sing of Zambia, Proud and Free" (Tumayo at Umawit ng Zambia, Kapuri-puri at Malaya) | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Lusaka 15°25′S 28°17′E |
Wikang opisyal | Ingles |
Kinilalang wikang panrehiyon | |
Pangkat-etniko (2010[1]) | Tala
|
Relihiyon | Kristiyanismo (opisyal)[2] |
Katawagan | Zambiyano |
Pamahalaan | Unitaryo pampanguluhang republika |
• Pangulo | Hakainde Hichilema |
• Pangalawang Pangulo | Mutale Nalumango |
Lehislatura | Pambansang Asembliya |
Kalayaan Mula sa Reino Unido | |
• Hilagang-Kanlurang Rhodesia | 27 Hunyo 1890 |
• Barotziland-Hilagang-Kanlurang Rhodesia | 28 Nobyembre 1899 |
• Hilagang-Silangang Rhodesia | 29 Enero 1900 |
• Pagsasama-sama ng Hilangang Rhodesia | 17 Agosto 1911 |
• Pederasyon ng Rhodesia at Nyasaland | 1 Agosto 1953 |
• Republika ng Zambia | 24 Oktubre 1964 |
• Kasalukuyang konstitusyon | 5 Enero 2016 |
Lawak | |
• Kabuuan | 752,617 km2 (290,587 mi kuw)[3] (Ika-38) |
• Katubigan (%) | 1 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 500 |
• Densidad | 0.00066/km2 (0.0/mi kuw) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2019 |
• Kabuuan | $75.857 bilyon[4] |
• Bawat kapita | $4,148[4] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2019 |
• Kabuuan | $23.946 bilyon[4] |
• Bawat kapita | $1,307[4] |
Gini (2015) | 57.1[5] mataas |
TKP (2019) | 0.584[6] katamtaman · Ika-146 |
Salapi | Kwacha ng Zambia (ZMW) |
Sona ng oras | UTC+2 (CAT) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy |
Gilid ng pagmamaneho | left |
Kodigong pantelepono | +260 |
Kodigo sa ISO 3166 | ZM |
Internet TLD | .zm |
Orihinal na pinanirahan ng mga Khoisan, naapektuhan ang rehiyon ng pagpapalawak ng Bantu noong ika-13 dantaon. Kasunod ng mga manggagalugad na Europeo noong ika-18 dantaon, nakolonisa ng mga Briton ang rehiyon at naging mga protektoradong Briton ng Barotseland-Hilagang-Kanlurang Rhodesia at Hilagang-Silangang Rhodesia na binubo ng 73 lipi, tungo sa dulo ng ika-19 na dantaon. Nagsanib ang mga ito noong 1911 upang mabuo ang Hilagang Rhodesia. Sa panahon ng pagkolonisa, pinamahalaan ang Zambia ng isang administrasyon na hinirang mula sa Londres na pinayuhan ng British South Africa Company (Kompanyang Briton ng Timog Aprika).[9]
Noong 24 Oktubre 1964, naging malaya ang Zambia mula sa Reino Unido at ang punong ministrong Kenneth Kaunda ang naging unang pangulo. Nanatili ang partidong sosyalista ni Kaunda na United National Independence Party (Nagkakaisang Pambansang Partidong Malaya, UNIP) na nanitili sa kapangyarihan mula 1964 hanggang 1991. Gumanap ng pangunahing tungkulin si Kaunda sa diplomasiyang pangrehiyon, na malapit na nakikipatulungan sa Estados Unidos sa paghahanap ng mga solusyon sa mga hidwaan sa Katimugang Rhodesia (Zimbabwe), Angola, at Namibia.[10] Mula 1972 hanggang 1991, isang estadong may iisang partido ang Zambia na tanging UNIP lamang ang legal na partidong pampolitika sa ilalim ng kasabihang "One Zambia, One Nation" (Isang Zambia, Isang Bansa) na isang kasabihang nilikha ni Kaunda. Humalili kay Kaunda si Frederick Chiluba ng sosyal-demokratikong Movement for Multi-Party Democracy (Kilusan para sa Maramihang Partidong Demokrasya) noong 1991, na nagsimula ng isang panahon ng kaunlarang sosyo-ekonomiko at desentralisasyon ng pamahalaan. Simula noon, naging maramihang partidong estado ang Zambia, at nakaranas ng ilang mapayapang pagpalit ng kapangyarihan.
Mayroon ang Zambia ng saganang likas-yaman, kabilang ang mga mineral, buhay sa ilang, gubat, tubig-tabang, at lupaing masasaka.[11] Noong 2010, pinangalan ng Bangkong Pandaigdig ang Zambia bilang isa sa mga pinakamabilis na ekonomikong narepormang bansa sa mundo.[12] Nasa Lusaka ang punong-tanggapan ng Common Market for Eastern and Southern Africa (COMESA).
Nakilala ang teritoryo ng Zambia bilang Hilagang Rhodesia mula 1911 hanggang 1964. Napalitan ito sa Zambia noong Oktubre 1964 nang lumaya ito mula sa pamamahala ng mga Briton. Hinango ang pangalang Zambia mula sa Ilog Zambezi (nangangahulugan ang Zambezi bilang "malaking ilog").[13]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.