Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ouagadougou[1] ( /ˌwɑːɡəˈduːɡuː/, IPA: [ˈwɔɣədəɣʊ], Pranses: [waɡaduɡu]) ay ang kabisera ng Burkina Faso[2] at ang sentrong administratibo, komunikasyon, pangkalinangan at ekonomiko ng bansa. Ito rin ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na may populasyon na mga 2,200,000 noong 2015. Kadalasang pinapaikli ang pangalan ng lungsod sa Ouaga. Tinatawag na ouagalais ang mga naninirahan dito. Hinango ang baybay ng pangalang Ouagadougou mula sa ortograpiyang Pranses na karaniwan sa dating Aprikanong kolonya ng Pransya.
Kabilang sa mga pangunahing industriya sa Ouagadougou ay ang pagproseso ng pagkain at tela. Siniserbisyuhan ito ng paliparang internasyunal na nakakabit sa pamamagitan ng riles patungo sa Abidjan sa Ivory Coast at, sa Kaya para sa kargamento lamang. May ilang lansangang-bayan ang nag-uugnay sa lungsod sa Niamey, Niger, timog sa Ghana, at timog-kanluran sa Ivory Coast. Isa ang Ouagadougou sa may pinakamalaking merkado sa Kanlurang Aprika, na natupok noong 2003 at simula noon ay muling binuksan kasama ang mas magandang pasilidad at pinabuting mga patakaran para sa pag-iwas sa sunog. Kabilang sa mga atraksyon dito ang Pambansang Museo ng Burkina Faso, ang Palasyo ng Moro-Naba (ang lugar ng Seremonyang Moro-Naba), ang Pambansang Museo ng Musika at ilang pamilihan ng kasanayan o craft.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.