From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Republika ng Madagaskar (internasyunal: Republic of Madagascar) o Madagaskar[2] ay isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indiyan, sa labas ng silangang pampang ng Aprika. Ang Madagaskar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at kanyang mga punong baobab.
Republic of Madagascar Repoblikan'i Madagasikara République de Madagascar Republika ng Madagaskar | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Antananarivo |
Wikang opisyal | Malgatse, Pranses, Ingles[TB 1] |
Pamahalaan | |
• Pangulo | Andry Rajoelina |
Christian Ntsay | |
Kalayaan mula Pransiya | |
• Petsa | 26 Hunyo 1960 |
Lawak | |
• Kabuuan | 587,041 km2 (226,658 mi kuw) (45th) |
• Katubigan (%) | 0.13% |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2017 | 25,570,895 |
• Senso ng 1993 | 12,238,914 |
• Densidad | 33/km2 (85.5/mi kuw) (171st) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $19.279 billion[1] |
• Bawat kapita | $979[1] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $7.711 billion[1] |
• Bawat kapita | $391[1] |
Gini (2001) | 47.5 mataas |
TKP (2007) | 0.533 mababa · 143rd |
Salapi | Ariary ng Madagaskar (MGA) |
Sona ng oras | UTC+3 (EAT) |
UTC+3 | |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | 261 |
Internet TLD | .mg |
Ang wika ng mga nakatira sa Madagaskar ay Malgatse, isang wikang Austronesyan na nasa parehong pamilya ng Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas. Ito ay dahil ang mga pinakaunang tumira sa Madagaskar ay galing sa peninsula ng Malaysia, at tumawid sila sa Karagatang Indiyano para makarating sa Madagaskar. Ito ay isa lamang bahagi ng Ekspansiyong Austronesyan, kung saan merong mga naglakbay galing sa Taiwan at pumunta sa Pilipinas, tapos sa iba't ibang isla mula sa Madagascar hanggang sa Isla ng Ister (Easter Island).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.