Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Republika ng Gitnang Aprika (Ingles: Central African Republic, dinadaglat bilang CAR; Sango: Ködörösêse tî Bêafrîka; Pranses: République centrafricaine pagbigkas: [ʁepyblik sɑ̃tʁafʁikɛn], o Centrafrique ([sɑ̃tʀafʁik])) ay isang bansang walang pampang na matatagpuan sa Gitnang Aprika. Napapaligiran ito ng Chad sa hilaga, Sudan sa hilagang silangan, sa Republika ng Congo at Demokratikong Republika ng Congo sa timog at sa Cameroon sa kanluran. Sumasakop ang CAR ng tinatayang 620,000 square kilometre (240,000 mi kuw) ng kalupaan at tirahan ng may tinatayang 4.4 milyong katao noong 2008. Ang kabisera nito ay Bangui.
Republika ng Gitnang Aprika République Centrafricaine Ködörösêse tî Bêafrîka | |
---|---|
Kabisera | Bangui |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Sango, Wikang Pranses |
Pamahalaan | Republika |
• Pangulo | François Bozizé |
Firmin Ngrebada | |
Kalayaan mula sa Pransiya | |
• Petsa | 13 Agosto 1960 |
Lawak | |
• Kabuuan | 622,984 km2 (240,535 mi kuw) (ika-43) |
• Katubigan (%) | 0 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 5,152,421 |
• Senso ng 2003 | 3,032,926 |
• Densidad | 6.5/km2 (16.8/mi kuw) (ika-213) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $4.63 bilyon (ika-153) |
• Bawat kapita | $1,128 (ika-167) |
TKP (2004) | 0.353 mababa · ika-172 |
Salapi | CFA franc (XAF) |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
UTC+1 (wala) | |
Kodigong pantelepono | 221 |
Internet TLD | .cf |
Naging malayang bansa ito noong 13 Agosto 1960. Sa loob ng tatlong dekada pagkatapos ng kalayaan nito, pinamunuan ito ng isang pangulo o ng isang emperador, na inihalal o nakuha ang kapangyarihan ng sapilitan.
Bagaman mayaman sa mineral at ilang likas yaman ang bansa, gaya ng reserba ng uranium sa Bakouma, ginto, diyamante, troso at hydropower,[1] ay may malawak na lupang maaaring gamitin sa agrikultura, nananatiling isa sa pinakamahirap na bansa sa daigdig ang Republika ng Gitnang Aprika at isa sa sampung pinakamahirap sa Aprika.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.