From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1979 ay ang ika-29 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 15 Nobyembre 1979.[1][2] Ito ang huling edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng Grand Metropolitan, at ang huling edisyon na isinahimpapawid sa BBC.[3][4]
Miss World 1979 | |
---|---|
Petsa | 15 Nobyembre 1979 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 70 |
Placements | 15 |
Bagong sali | Lesoto |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Gina Swainson Bermuda |
Personality | Anne-Marie Franke Guam |
Photogenic | Karin Zorn Austrya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Silvana Suárez ng Arhentina si Gina Swainson ng Bermuda bilang Miss World 1979.[5][6] Ito ang kauna-unahang beses na nanalo ang Bermuda bilang Miss World.[7][8] Nagtapos bilang first runner-up si Carolyn Seaward ng Reyno Unido,[9] habang nagtapos bilang second runner-up si Debbie Campbell ng Hamayka.[10][11]
Mga kandidata mula sa pitumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Esther Rantzen at Sacha Distel ang kompetisyon.[12] Nagtanghal din si Distel sa edisyong ito.[13]
Nagpatuloy ang pagdaos ng Miss World noong 15 Nobyembre 1979 bagama't hindi ito isinahimpapawid sa telebisyon dulot ng isang 24-hour strike ng apatnapung sound engineer ng BBC dahil sa matinding pagbawas sa badyet ng BBC.[10][14] Sa halip ay isinahimpapawid ito sa isang delayed telecast kung saan isinahimpapawid ang recording ng parada ng mga kandidata sa kanilang pambansang kasuotan at evening gown.[15]
Ipinalabas din sa delayed telecast ang swimsuit competition at evening gown competition na nilahukan ng labinlimang semi-finalist, ang pag-anunsyon sa pitong mga pinalista, at ang koronasyon, ngunit ang mga ito ay walang tunog at nilagyan na lamang ang mga ito ng komentaryo ni Ray Moore. Dahil walang tunog ang video footage ng final telecast, hindi na ipinakita ang final interview ng pitong pinalista kasama si Sacha Distel.
Mga kandidata mula sa pitumpung bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Walong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.
Huli na nang dumating si Helen Prest ng Niherya sa Londres dahil kinuha niya ang kanyang mga pagsusulit sa University of Lagos.[16] Siya ay nakarating sa Londres noong 13 Nobyembre, at ang huling araw sa pagtanggap ng mga kandidata ay noong 11 Nobyembre pa.[17] Nang dumating si Prest sa Britannia Hotel, nasa kasagsagan ng isang selebrasyon sina Morley dahil sa pagkuha nito ng Miss World mula sa Mecca, at dahil dito ay pinayagan ni Morley si Prest na makalahok sa kompetisyon. Nagpatuloy ang dress rehearsal sa gabing iyong na dinaluhan ni Prest, at dahil huling dumating si Prest sa Londres, nilagay na lamang si Prest sa huli ng parada para sa parade of nations, kasunod ng kandidata mula sa Kapuluang Birhen ng Estados Unidos.
Naging usap-usapan din si Tatiana Capote ng Beneswela habanag nagaganap ang kanilang dress rehearsal, nang muntik nang makitaan si Capote sa kanyang asul na damit panglangoy.[18][19][20] Kaaagad na inagapan ni Eric Morley ang kaganapan upang maagapan agad ito.[21][22]
Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Lesoto. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Portugal na huling sumali noong 1973, Guwatemala na huling sumali noong 1976, at Bulibya, Libano, at Panama na huling sumali noong 1977.
Hindi sumali ang mga bansang Curaçao, San Vicente, at Tunisya sa edisyong ito. Hindi sumali si Cassandra Thomas ng San Vicente dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Curaçao at Tunisya sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Dapat rin sanang lalahok si Molly Misbut ng Papua Bagong Guinea ngunit hindi ito nakalipad papuntang Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[23][24]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1979 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 7 | |
Top 15 |
|
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Pitumpung kandidata ang lumahok para sa titulo.[29]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Andrea Hontschik[30] | 20 | Berlin |
Arhentina | Verónica Gargani[31] | 19 | Buenos Aires |
Aruba | Vianca van Hoek[29] | 20 | Oranjestad |
Australya | Jodie Day[32] | 18 | Brisbane |
Austrya | Karin Zorn[33] | 18 | Weiz |
Bagong Silandiya | Nicola Duckworth[34] | 17 | Auckland |
Bahamas | Deborah Major[29] | 20 | Nassau |
Belhika | Christine Cailliau[35] | 23 | Bruselas |
Beneswela | Tatiana Capote[36] | 18 | Barinas |
Bermuda | Gina Swainson[37] | 21 | St. George's Parish |
Brasil | Léa Sílvia dall’Acqua[38] | 20 | Campinas |
Bulibya | Patricia Asbún[39] | 20 | Santa Cruz de la Sierra |
Dinamarka | Lone Jörgensen[29] | 18 | Holstebro |
Ekwador | Olba Lourdes Padilla[29] | 18 | Guayaquil |
El Salvador | Ivette López[29] | 19 | San Salvador |
Espanya | María Dolores Forner[40] | 19 | Madrid |
Estados Unidos | Carter Wilson[41] | 23 | Harrisonburg |
Gresya | Mika Dimitropoulou[29] | 17 | Atenas |
Guam | Anne-Marie Franke[29] | 18 | Agana |
Guwatemala | Michelle Domínguez[42] | 19 | Lungsod ng Guatemala |
Hamayka | Debbie Campbell[43] | 17 | Kingston |
Hapon | Motomi Hibino[29] | 19 | Nagoya |
Hibraltar | Audrey Lopez[29] | 21 | Hibraltar |
Honduras | Gina Weidner[44] | 18 | San Pedro Sula |
Hong Kong | Mary Ng[45] | 21 | Kowloon Bay |
Indiya | Raina Mendonica[29] | 22 | Bombay |
Irlanda | Maura McMenamim[46] | 21 | Dublin |
Israel | Dana Feller[47] | 19 | Tel-Abib |
Italya | Rossana Serratore[48] | 18 | Asti |
Jersey | Treena Foster[29] | 21 | Saint Helier |
Kanada | Catherine Mackintosh[49] | 23 | Thunder Bay |
Kanlurang Samoa | Danira Schwalger[29] | 19 | Apia |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Jasmine Turner[50] | 17 | Saint Croix |
Kapuluang Kayman | Jennifer Jackson[51] | 21 | George Town |
Kolombya | Rosaura Mercedes Rodríguez[52] | 17 | Cartagena |
Kosta Rika | Marianela Brealey[53] | 17 | San José |
Lesoto | Pauline Kanedi[29] | 22 | Maseru |
Libano | Jacqueline Riachi[29] | 19 | Beirut |
Lupangyelo | Sigrún Sætran[54] | 24 | Reykjavík |
Malaysia | Shirley Chew[55] | 18 | Kangar |
Malta | Helena Abela[56] | 17 | Sliema |
Mawrisyo | Maria Allard[57] | 24 | Port Louis |
Mehiko | Roselina Rosas[58] | 19 | Lungsod ng Durango |
Niherya | Helen Prest[59] | 20 | Ibadan |
Noruwega | Jeanette Aarum[29] | 20 | Fredrikstad |
Olanda | Nannetje Nielen[60] | 22 | Amsterdam |
Panama | Lorelay de la Ossa[29] | 19 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Martha Galli[61] | 19 | Asunción |
Peru | Magali Pérez-Godoy[29] | 18 | Lima |
Pilipinas | Josefina Francisco[62] | 18 | Maynila |
Pinlandiya | Tuire Pentikäinen[63] | 23 | Helsinki |
Porto Riko | Daisy Marissette López[29] | 18 | San Juan |
Portugal | Ana Gonçalves Vieira[29] | 18 | Lisboa |
Pransiya | Sylvie Parera[64] | 18 | Marseille |
Pulo ng Man | Kathleen Craig[65] | 17 | Douglas |
Republikang Dominikano | Sabrina Alejandra Brugal[29] | 18 | Santo Domingo |
Reyno Unido | Carolyn Ann Seaward[66] | 20 | Yelverton |
Singapura | Violet Lee[67] | 20 | Singapura |
Sri Lanka | Shamila Weerasooriya[29] | 17 | Colombo |
Suwasilandiya | Gladys Carmichael[29] | 17 | Manzini |
Suwesya | Ing-Marie Säveby[68] | 19 | Stockholm |
Suwisa | Barbara Mayer[69] | 21 | Marly |
Tahiti | Thilda Fuller[70] | 24 | Pape'ete |
Taylandiya | Tipar Suparbpun[45] | 22 | Bangkok |
Timog Korea | Hong Yeo-jin[71] | 21 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Marlene Coggins[29] | 21 | San Fernando |
Tsile | Marianela Toledo[72] | 19 | Santiago |
Tsipre | Eliana Djiaboura[29] | 24 | Nicosia |
Turkiya | Sebnem Unal[73] | 18 | Istanbul |
Urugway | Laura Rodríguez[29] | 21 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.