ika-71 edisyon ng Miss Universe From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2022 ay ang ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos noong 14 Enero 2023.[1][2] Ito ang pang-apat na pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na lumaktaw ng isang buong taon ang kompetisyon, kasunod ng Miss Universe 2014, Miss Universe 2016, at Miss Universe 2020.[3][4][5] Ito rin ang unang edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng JKN Global Group, na binili ang Miss Universe Organization mula sa WME/IMG noong 26 Oktubre 2022.[6][7][8]
Miss Universe 2022 | |
---|---|
Petsa | 14 Enero 2023 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, Estados Unidos |
Brodkaster | Opisyal
|
Lumahok | 83 |
Placements | 16 |
Bagong sali | Butan |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | R'Bonney Gabriel Estados Unidos |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Viktoria Apanasenko Ukranya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Harnaaz Sandhu ng Indiya si R'Bonney Gabriel ng Estados Unidos bilang Miss Universe 2022.[9][10] Ito ang ikasiyam na tagumpay ng Estados Unidos, ang pinakamarami sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Amanda Dudamel ng Beneswela, at nagtapos bilang second runner-up si Andreina Martínez ng Republikang Dominikano.[11]
Mga kandidata mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at Jeannie Mai ang kompetisyon, samantalang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at si Zuri Hall ang nagsilbing mga backstage correspondent.[12][13] Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong Mouawad Force for Good Crown na may 110.38 karat ng bughaw na sapiro at 48.24 karat ng puting diyamante na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $6 milyon.[14][15]
Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Republikang Dominikano. Ang mga talakayan ay kinumpirma ng pambansang direktor ng Miss Dominican Republic na si Magli Febles. Plano ni Febles na itanghal ang kompetisyon sa Punta Cana at plano nilang ganapin ito sa katapusan ng Oktubre.[16] Subalit, hindi nagpatuloy ang plano upang isagawa ang kompetisyon sa Republikang Dominikano dahil sa kawalan ng interes sa bahagi ng Estado ng Republikang Dominikano.[17]
Noong 1 Setyembre 2022, iniulat ng pahayagang El Vocero na may isang sulatronikong ipinadala sa mga pambansang direktor na nagsasaad na ang ika-71 edisyon ng kompetisyon ay gaganapin sa unang kwarter ng 2023, dahil sa potensyal na pagsalungat ng mga petsa sa 2022 FIFA World Cup sa Nobyembre at Disyembre 2022.[18][19] Iniulat din ng pahayagan na ang Nha Trang, Biyetnam, Los Angeles, Miami, at New Orleans sa Estados Unidos ay nakita bilang mga potensyal na host city.[20] Kalaunan, sa kaparehong buwan, ipinahayag ng pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart sa panayam ng ABS-CBN News and Current Affairs na gaganapin ang kompetisyon sa Enero 2023, na nagpapatunay na ang dahilan ng pagpapaliban ay upang maiwasan ang pagsalungat ng mga petsa sa 2022 FIFA World Cup.[21][22]
Noong 19 Setyembre 2022, opisyal na inanunsyo ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa 14 Enero 2023 sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana. Inanunsyo rin ng organisasyon na ang paunang kompetisyon ay gaganapin sa 11 Enero.[23][24]
Ang mga kalahok mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. labing-siyam na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa. Bagamá't walumpu't-apat na kandidata ang lumahok sa paunang kompetisyon, walumpu't-tatlo lang ang lumahok para sa panghuling kompetisyon dahil sa pagbitiw ng isang kandidata sa kompetisyon.
Iniluklok ang first runner-up ng Miss Bolivia 2022 na si Camila Sanabria bilang kandidata ng Bulibya sa Miss Universe matapos na mapatalsik si Miss Bolivia 2022 Fernanda Pavisic para sa pangungutya sa mga headshot ng ibang kandidata sa Miss Universe sa kanyang mga Instagram story.[25] Iniluklok ng Miss Universe Colombia Organization si María Fernanda Aristizábal, Senorita Colombia 2019, bilang kinatawan ng Kolombya sa Miss Universe.[26] Si Aristizábal ang orihinal na kandidata ng Kolombya sa Miss Universe 2020, subalit siya ay hindi kumalahok sa kompetisyon matapos mawalan ng prangkisa ng Miss Universe ang Senorita Colombia Organization.[27] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Cayman Islands 2022 na si Chloe Powery-Doxey bilang kandidata ng Kapuluang Kayman sa Miss Universe dahil nahaharap sa mga kasong kriminal ang orihinal na Miss Universe Cayman Islands 2022 na si Tiffany Conolly.[28][29] Iniluklok ang first runner-up ng Miss France 2022 na si Floriane Bascou bilang kandidata ng Pransiya sa Miss Universe matapos na pinili ni Miss France 2022 Diane Leyre na huwag munang sumali sa kahit anong internasyonal na kompetisyon dahil sa kakulangan sa oras sa paghahanda.[30][31] Si Miss Dominican Republic 2021 Andreina Martínez ay iniluklok upang kumatawan sa Republikang Dominikano sa edisyong ito. Siya ay dapat na kakalahok sa Miss Universe 2021, ngunit siya ay nagpositibo sa COVID-19 bago ang kompetisyon.[32][33]
Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Butan,[34] at bumalik ang mga bansang Anggola, Belis, Guam, Indonesya, Kirgistan, Libano, Malaysia, Miyanmar, Santa Lucia, Seykelas, Suwisa, Trinidad at Tobago, at Urugway.[35] Huling sumali noong 1995 ang Seykelas, noong 2017 ang Trinidad at Tobago, noong 2018 ang Libano at Suwisa, noong 2019 ang Anggola at Santa Lucia, at noong 2020 ang Belis, Indonesya, Malaysia, Miyanmar, at Urugway.[36] Hindi sumali ang mga bansang Dinamarka, Irlanda, Israel, Kasakistan, Kenya, Moroko, Noruwega, Rumanya, Suwesya, at Unggarya sa edisyong ito.[37][38] Hindi sumali si Diana Tashimbetova ng Kasakistan dahil sa kakulangan ng suportang pinansyal mula sa license holder.[39]
Simula sa ika-72 edisyon ng kompetisyon, pinahihintulutan ng Miss Universe Organization ang mga ina at may-asawa na kumalahok sa kompetisyon. Gayunpaman, nanatili pa rin ang age limit na 18 hanggang 28 taong gulang.[40][41][42]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 2022 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
Top 5 |
|
Top 16 |
|
Parangal | (Mga) Nagwagi |
---|---|
Miss Congeniality | |
Best National Costume | |
Spirit of Carnival Award | |
Social Impact Award | |
Swimsuit Cape Vote |
Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Tulad noong 2021, labing-anim na semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga closed-door interview. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals. Lumahok ang labing-anim na semi-finalist sa swimsuit competition, kung saan ang mga kapa ay kanilang idinisenyo, at evening gown.[48] Mula sa labing-anim, limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final word at final walk.[49]
Walumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[52]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Albanya | Deta Kokomani[53] | 21 | Durrës |
Alemanya | Soraya Kolhmann[54] | 24 | Leipzig |
Anggola | Swelia Antonio[55] | 24 | Luanda |
Arhentina | Bárbara Cabrera[56] | 22 | Buenos Aires |
Armenya | Kristina Ayanian[57] | 25 | Ereban |
Aruba | Kiara Arends[58] | 23 | Oranjestad |
Australya | Monique Riley[59] | 18 | Sydney |
Bahamas | Angel Cartwright[60] | 27 | Long Island |
Bahreyn | Evlin Khalifa[61] | 24 | Riffa |
Belhika | Chayenne Van Aarle[62] | 23 | Amberes |
Belis | Ashley Lightburn[63] | 22 | Lungsod ng Belis |
Beneswela | Amanda Dudamel[64] | 23 | Mérida |
Biyetnam | Nguyễn Thị Ngọc Châu[65] | 28 | Tây Ninh |
Brasil | Mia Mamede[66] | 26 | Vitória |
Bulgarya | Kristina Plamenova[67] | 26 | Sopiya |
Bulibya | Camila Sanabria[68] | 28 | Santa Cruz |
Butan | Tashi Choden[69] | 23 | Wangdue Phodrang |
Curaçao | Gabriëla Dos Santos[70] | 20 | Willemstad |
Ekwador | Nayelhi González[71] | 26 | Esmeraldas |
El Salbador | Alejandra Guajardo[72] | 26 | Cabañas |
Eslobakya | Karolina Michálčiková[73] | 23 | Trenčín |
Espanya | Alicia Faubel[74] | 25 | Alicante |
Estados Unidos | R'Bonney Gabriel[75] | 28 | Houston |
Gana | Engracia Afua Mofuman[76] | 27 | Kumasi |
Gineang Ekwatoriyal | Alba Isabel Obama[77] | 21 | Mbini |
Gran Britanya | Noky Simbani[78] | 25 | Derby |
Gresya | Korina Emmanouilidou[79] | 24 | Kozani |
Guwatemala | Ivana Batchelor[80] | 21 | Quetzaltenango |
Hamayka | Toshami Calvin[81] | 26 | Saint Thomas |
Hapon | Marybelen Sakamoto[82] | 23 | Chiba |
Hayti | Mideline Phelizor[83] | 27 | Port-au-Prince |
Honduras | Rebeca Rodríguez[84] | 20 | San Pedro Sula |
Indiya | Divita Rai[85] | 25 | Mangalore |
Indonesya | Laksmi De-Neefe Suardana[86] | 26 | Ubud |
Italya | Virginia Stablum[87] | 24 | Trento |
Kambodya | Manita Hang[88] | 23 | Nom Pen |
Kamerun | Mouketey Lynette Jelly[89] | 26 | Buea |
Kanada | Amelia Tu[90] | 20 | Vancouver |
Kapuluang Birheng Britaniko | Lia Claxton[91] | 18 | Tortola |
Kapuluang Kayman | Chloe Powery-Doxey[92] | 25 | George Town |
Kirgistan | Altynai Botoyarova[93] | 18 | Biskek |
Kolombya | María Fernanda Aristizábal[26] | 24 | Armenia |
Kosobo | Roksana Ibrahimi[94] | 21 | Pristina |
Kosta Rika | Fernanda Rodríguez[95] | 24 | Quesada |
Kroasya | Arijana Podgajski[96] | 19 | Krapina |
Laos | Payengxa Lor[97] | 21 | Vientiane |
Libano | Yasmina Zaytoun[98] | 20 | Kfarchouba |
Lupangyelo | Hrafnhildur Haraldsdóttir[99] | 18 | Reikiavik |
Malaysia | Lesley Cheam[100] | 26 | Semenyih |
Malta | Maxine Formosa[101] | 21 | St. Julian's |
Mawrisyo | Alexandrine Belle-Étoile[102] | 25 | Curepipe |
Mehiko | Irma Miranda[103] | 26 | Ciudad Obregon |
Miyanmar | Zar Li Moe[104] | 20 | Bhamo |
Namibya | Cassia Sharpley[105] | 21 | Windhoek |
Nepal | Sophiya Bhujel[106] | 27 | Katmandu |
Niherya | Montana Felix[107] | 21 | Edo |
Nikaragwa | Norma Huembes[108] | 24 | San Marcos |
Olanda | Ona Moody[109] | 25 | Amsterdam |
Panama | Solaris Barba[110] | 23 | Herrera |
Paragway | Leah Ashmore[111] | 27 | Villarrica |
Peru | Alessia Rovegno[112] | 24 | Lima |
Pilipinas | Celeste Cortesi[113] | 24 | Pasay |
Pinlandiya | Petra Hämäläinen[114] | 26 | Savonlinna |
Polonya | Aleksandra Klepaczka[115] | 22 | Łódź |
Porto Riko | Ashley Cariño[116] | 28 | Fajardo |
Portugal | Telma Madeira[117] | 22 | Lisbon |
Pransiya | Floriane Bascou[118] | 20 | Le Lamentin |
Republikang Dominikano | Andreina Martínez[119] | 24 | Santiago |
Republikang Tseko | Sára Mikulenková[120] | 20 | Valašské Mezirící |
Rusya | Anna Linnikova[121] | 22 | Orenburg |
Santa Lucia | Sheris Paul[122] | 26 | Castries |
Seykelas | Gabriella Gonthier[123] | 24 | Mahé |
Singapura | Carissa Yap[124] | 22 | Singapura |
Suwisa | Alia Giundi[125] | 19 | Valais |
Taylandiya | Anna Sueangam-iam[126] | 23 | Bangkok |
Timog Aprika | Ndavi Nokeri[127] | 23 | Tzaneen |
Timog Korea | Hanna Kim[128] | 26 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Tya Janè Ramey[129] | 24 | Port of Spain |
Tsile | Sofia Depassier[130] | 22 | Santiago |
Tsina | Jiang Sichen[131] | 26 | Shanghai |
Turkiya | Aleyna Şirin[132] | 21 | Istanbul |
Ukranya | Viktoria Apanasenko[133] | 27 | Chernihiv |
Urugway | Carla Romero[134] | 24 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.