Miss Universe 1960
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1960 ay ang ikasiyam na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos 9 noong Hulyo 1960.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Akiko Kojima ng Hapon si Linda Bement ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1960.[1] Ito ang pangatlong tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Daniela Bianchi ng Italya, habang nagtapos bilang second runner-up si Elizabeth Hodacs ng Austrya.[2][3]
Mga kandidata mula sa apatnapu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Charles Collingwood ang kompetisyon.
Kasaysayan

Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong 7 Oktubre 1959, inanunsyo ni Hank Meyer, city publicity director ng Miami Beach, na ang ikasampung anibersaryo ng kompetisyon ay gaganapin sa Miami Beach, Florida, imbis na sa Long Beach, California sa Estados Unidos. Ayon sa Long Beach Beauty Congress, "masyadong naging komersyalisado" ang kompetisyon matapos ang kompetisyon noong Hulyo 1959 na napalanunan ni Akiko Kojima ng Hapon, dahilan upang alisin ang kanilang suporta sa pageant.[4][5]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa apatnapu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo at isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Iniluklok si Mary Quiróz, Miss Yaracuy 1957, upang kumatawan sa bansang Beneswela sa edisyong ito dahil ginanap ang Miss Venezuela 1960 ilang linggo pagkatapos ng Miss Universe.[6] Dapat sanang kakatawan sa Dinamarka sa kompetisyong ito si Sonja Menzel.[7] Gayunpaman, pinalitan ni Lizzie Hess si Menzel matapos palitan ni Menzel si Antje Moeller sa Miss International matapos tuklasan na labing-anim na taong gulang lamang si Moller.[8]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Unang sumali sa edisyong ito ang Espanya, Hordan, Portugal, at Tunisya, at bumalik ang Beneswela, Hong Kong, Libano, Maruekos, Nuweba Selandiya, Paragway, Pinlandiya, Surinam, Suwisa, Timog Aprika, at Tsile. Huling sumali noong 1953 ang Suwisa at Timog Aprika, noong 1954 ang Bagong Silandiya at Hong Kong, noong 1955 ang Libano at Pinlandiya, noong 1957 ang Maruekos, at noong 1958 ang Beneswela, Paragway, Suriname, at Tsile.
Hindi sumali ang Hawaii dahil isa na itong estado ng Estados Unidos, at nagsimula nang magpadala ang Hawaii ng mga kandidata sa Miss USA. Hindi sumali si Marzena Malinowska ng Polonya dahil pinili nitong sumali sa Miss International 1960.[9] Hindi sumali si Lorena Velázquez ng Mehiko dahil tumanggi siyang katawanin ang Mehiko sa kompetisyon.[10] Hindi sumali si Figen Özgür ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan at pinalitan siya ni Nebahat Çehre. Gayunpaman, bumitiw rin siya sa kompetisyon dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[11][12] Hindi sumali ang mga bansang Guwatemala at Taylandiya sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat rin sanang sasali si Cluadinette Fouchard ng Hayti, subalit ito ay bumitiw dahil ito ay ikakasal na.[13]
Mga resulta
Mga pagkakalagay
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1960 |
|
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 15 |
|
Mga espesyal na parangal
Kompetisyon
Pormat ng kompetisyon
Tulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[16]
Komite sa pagpili
- Maxwell Arnow – Amerikanong direktor
- Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
- Irwin Hasen – Amerikanong kartunista
- Russell Patterson – Amerikanong ilustrador para sa mga palabas
- Vuk Vuchinich – Amerikanong pintor at manlililok
- Miyoko Yanagida – Hapones na pintor
Mga kandidata
Apatnapu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[17]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
![]() |
Rose Marie Lincke[18] | 22 | Buenos Aires |
![]() |
Elizabeth Hodacs[19] | 18 | Viena |
![]() |
Huberte Box[20] | 19 | Bruselas |
![]() |
Mary Quiróz[6] | 21 | Caracas |
![]() |
Gina MacPherson[21] | 19 | Guanabara |
![]() |
Nancy Aguirre[22] | 19 | La Paz |
![]() |
Myint Myint May[23] | 18 | Yangon |
![]() |
Lizzie Hess[24] | 20 | Copenhague |
![]() |
Isabel Rolando[25] | 21 | Quito |
![]() |
María Teresa del Río[15] | 21 | Madrid |
![]() |
Linda Bement[26] | 18 | Lungsod ng Salt Lake |
![]() |
Magda Passaloglou[20] | 24 | Atenas |
![]() |
Yayoi Furuno[27] | 19 | Fukuoka |
![]() |
Vivian Cheung[28] | 20 | Hong Kong |
![]() |
Helen Giatanapoulus[28] | – | Aman |
![]() |
Joan Boardman[29] | 22 | Wallasey |
![]() |
Aliza Gur[30] | 19 | Haifa |
![]() |
Daniela Bianchi[31] | 18 | Roma |
![]() |
Edna McVicar[32] | 19 | Galt |
![]() |
Ingrun Moeckel[33] | 18 | Dusseldorf |
![]() |
Stella Márquez[34] | 21 | Pasto |
![]() |
Leila Rodríguez[35] | 18 | San José |
![]() |
Flora Lauten[36] | 18 | Havana |
![]() |
Gladys Tabet[37] | 18 | Beirut |
![]() |
Marie Venturi | 21 | – |
![]() |
Svanhildur Jakobsdóttir[38] | 19 | Reikiavik |
![]() |
Marilyn Escobar[28] | 19 | Rabat |
![]() |
Lorraine Nawa Jones[39] | 21 | Wellington |
![]() |
Ragnhild Aass[29] | 19 | Oslo |
![]() |
Carina Verbeek[29] | 19 | Ang Haya |
![]() |
Mercedes Ruggia[40] | – | Asuncion |
![]() |
Medallit Gallino[41] | 19 | Lambayeque |
![]() |
Maija-Leena Manninen[42] | 21 | Helsinki |
![]() |
Maria Teresa Cardoso[43] | 19 | Lisboa |
![]() |
Florence Eyrie[29] | 21 | Paris |
![]() |
Christine Jie Sam Foek[44] | 21 | Paramaribo |
![]() |
Birgitta Öfling[45] | 22 | Uppsala |
![]() |
Elaine Maurath[29] | 19 | Geneva |
![]() |
Nicolette Caras[46] | 19 | Johannesburg |
![]() |
Sohn Miheeja | 19 | Seoul |
![]() |
Marinka Polhammer[18] | 19 | Santiago |
![]() |
Louise Carrigues[24] | – | Tunis |
![]() |
Iris Teresa Ubal[43] | 22 | Montevideo |
Mga tala
Mga sanggunian
Panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.