Palaro ng ika-XXIX Olimpiyada, na ginanap sa Beijing, Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko 2008[2] o Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiyada (Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会; Pinyin: Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinabibilangan ng iba't ibang mga laro, na isinagawa sa Beijing, Republikang Bayan ng Tsina mula Agosto 8 hanggang 24, 2008, at sinundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang 17, 2008. Nilahukan ito ng 10,942 atleta na magsisipagtunggali sa 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004[3] na ginanap sa Atenas, Gresya.
Palaro ng XXIX Olimpiyada Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会 Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì | |
Punong-abala | Beijing, China |
---|---|
Salawikain | One world, one dream Isang mundo, isang pangarap (Tsino: 同一个世界 同一个梦想) |
Estadistika | |
Bansa | 204 |
Atleta | 10,942 (4,637 women & 6,305 men) |
Paligsahan | 302 in 28 sports (41 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | 8 August |
Sinara | 24 August |
Binuksan ni | |
Nagsindi | Li Ning[1] |
Estadyo | Beijing National Stadium |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2004 Atenas Susunod 2012 London |
Taglamig | Nakaraan 2006 Turin Susunod 2010 Vancouver |
Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong 13 Hulyo 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong panitik na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, na kumakatawan ang bawat isa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko. Maraming ilang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ang kinilala rin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.
Itinaguyod ng pamahalaang Tsino ang Palaro upang maging mamukod-tangi at namuhunan nang lubos sa mga bagong pasilidad at mga sistemang pantransportasyon.[4][5] May kabuuang 37 pook na pinagdarausan ang ginamit para pasinayahan ang mga kaganapan kabilang ang 12 bagong-tayong mga pook. Sa maagang 2007, sinabi ng dating pangulo ng IOC na si Juan Antonio Samaranch na naniniwala siyang magiging "pinakahigit sa kasaysayan ng Olimpiyada ang palaro sa Beijing."[6] Ang paghirang ng Tsina bilang punung-abalang bansa ay nagkabunga ng mga puna ng mga ilang politiko at NGO na nag-aalintana sa tala ng karapatang pantao ng Tsina.[7][8] Samantala, nagbabala ang Tsina at iba pa laban sa pamumulitika ng Olimpiko.[9][10]
Ang Palaro ay nakapaglikha ng 43 bagong pandaigdigang tala at 132 bagong pangkat ng mga Olimpikong tala.[11] Isang tala ng 87 bansa na nanalo ng mga medalya sa panahon ng Palaro. Ang mga Tsinong manlalaro ay nakapagkamit ng 51 medalyang ginto, ang pangalawang pinakamalaking hakot ng pambansang kuponan sa isang makabagong, di-binoboykot na Palarong Tag-init.[12] Si Michael Phelps ay nakabasag ng mga tala ukol sa pinakamaraming gintong medalya sa isang Olimpiko at ukol sa gintong medalyang pangkarera para sa isang Olimpiyano. Nakahawak si Usain Bolt ng nakaugaliang titulong "Pinakamabilis na Tao sa Daigdig" sa pamamagitan ng mga bagong pandaigdigang tala sa mga banat ng 100m at 200m.
Nahalal ang Beijing bilang punung-abalang lungsod noong 13 Hulyo 2001, sa kapanahunan ng Ika-112 Pagpupulong ng IOC sa Moscow, kung saan tinalunan ang Toronto, Paris, Istanbul, at Osaka. Nauna sa pagpagpupulong, ang mga limang ibang lungsod (Bangkok, Cairo, Havana, Kuala Lumpur, at Sevilla) ay nagpasa ng paanyaya ng pag-aalok nguni't bumigong gumawa ng maikling tala noong 2000. Pagkatapos ng unang yugto ng halalan, nagkaroon ng makabuluhang pangunguna ang Beijing sa mga ibang kandidatong-lungsod. Ang Osaka ay nakatanggap ng anim na boto at iniwaksi.
Sa pangalawang yugto, nakandili ang Beijing ng ganap na nakararami ng mga naghalal, nagwawaksi ng pangangailangan ukol sa mga kasunod na yugto.[13]
Pagkatapos ng pagkapanalo, ipinahayag ni Li Lanqing, ang pangalawang primero ng Tsina "Ang pagkapanalo ng paanyaya ng pag-aalok ng 2008 Olimpiyada ay halimbawa ng katatagang panlipunan ng pandaigdigang pagkakilala ng Tsina, kaunlaran sa ekonomiya at malusog ng pamumuhay ng mga Tsino." Dati-rati, nag-alok ng Beijing ang pagiging punung-abala sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000. Namuno sa halalan sa mga tatlong yugto, nguni't natalo nang sa huli sa Sydney sa huling yugto noong 1993.
Sa Mayo 2007, nakapagsimula sa pagtatayo ang mga 31 gusali ng pagdadausan sa Beijing.[14] Namuhunan din ang pamahalaan ng Tsina sa pagsasaayos at pagtatayo ng mga anim na gusali ng pagdadausan sa labas ng Beijing gayundin ang 59 na sentro ng pagsasanay. Ang mga halimbawang pang-arkitektura ay mga Pambansang Istadyum ng Beijing, Pambasang Istadyum na Panloob ng Beijing, Pambansang Sentro ng Akwatika ng Beijing, Sentrong Pangkumbensiyon ng Luntiang Olimpiko, at Sentrong Pangkulturang Wukesong at Palakasan. Halos 85 bahagdan ng badyet sa pagtatayo ng gusali para sa anim na pagdadarausan ay pinondohan ng EU$2.1 daplot (RMB17.4 na daplot) sa mga korporasyong alok at salaping pambayad. Ang mga pamumuhunan ay inaasahan mula sa mga korporasyon na naghahanap ng mga karapatan sa pag-aari pagkatapos ng Palarong Olimpiko 2008. Ang mga gusali ng pagdadausan ay pag-aari at pinamahala ng Pangkalahatang Pamamahala ng Palakasan ng Estado, na gagamitin na mga ito pagkatapos ng Olimpiko para sa susunod na mga pambansang kuponang pampalakasan at kaganapan.
Ang mga ibang kaganapan ay gaganapin sa labas ng Beijing, tulad ng putbol (sa Qinhuangdao, Shanghai, Shenyang, at Tianjin), paglalayag (sa Qingdao), at pangangabayo (sa Hong Kong, dahil sa "walang katiyakan ng mga sakit hinggil sa kabayo at pangunahing paghihirap sa pagtatag ng sona ng malaya sa sakit.")[15]
Ang puso ng Palarong Olimpiko 2008 ay nasa Pambansang Istadyum ng Beijing na may palayaw na "Pugad ng Ibon" dahil sa anyong pugad ng gusali.[16] Nagsimulang itayo ang istadyum noong 24 Disyembre 2003. Inanyayahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga arkitekto na sumali sa paligsahan ng disenyo. Ang Herzog & de Meuron Architekten AG, isang samahang pang-arkitektura mula sa Switzerland at nakipagsaubatan sa Pangkat ng Disenyong Pang-arkitektura at Pagsasalik ng Tsina, ay nanalo sa paligsahan. Ang istadyum ay nagbabantad ng kongkretong kalansay na may anyo ng balag na nagbubuo ng tagayang istadyum at may kakayahang magpaupo ng 80,000 katao. Ang Pambansang Istadyum ng Beijing ay pagdadarausan ng mga seremonya ng pagbubukas at pagtatapos, gayundin sa mga kaganapan ng atletika at putbol. Kamakailan, ang Nayong Olimpiko ng Beijing ay nabuksan noong 16 Hulyo 2008 at sa publiko noong 26 Hulyo 2008.
Ang mga kaganapang paglalangoy, pagtalong-sisid at sabayang paglalangoy ay gaganapin sa Pambansang Sentro ng Akwatika ng Beijing sa panahon ng Olimpiyada. Ang kaganapang polong pantubig ay likas na gaganapin sa lugar na ito subali't lumipat sa Natatoryum na Ying Tung.
Ang Tubig Kubo o [H2O]3, ang palayaw ng gusali, ay dinisenyo ng PTW Architects (isang Awstralyanong kompanyang pang-arkitektura)[17], Sabansaang Disenyo ng CSCEC at Arup na may mga Inhinyerong panggusaling Arup na nagsaisip ng gusali. Itinayo ang gusali ng Korporasyon ng Inhineriyang Pagtatayo ng Estado ng Tsina (CSCEC). Binubuo ng siwang-bastagang bakal, ito ang pinakamalaking istrakturang benahang ETFE sa buong daigdig na may sukatang 100,000 metrong kubo ng unang EFTE na may walong isang-ikasanlibo ng isang dali lamang sa kabuuang kapal.[18] Ang pagbebenang ETFE ay nagkakaroon ng maraming ilaw at nakakabawas ng init nang higit kaysa sa makalumang salamin, nagdudulot ng katipiran sa halaga ng enerhiya nang 30%.[18] Ang panlabas na gusali ay nakabatay sa istrakturang Weaire-Phelan, isang linab (istrakturang na may anyo ng bula ng sabon).[19] Ang pasimundan ay hinulma sa pamamagitan ng pagbitag ng isang hiwa ng linab at napili ito sa pagtatangi sa linab na Kevin sapagka't ang higit na maraming hugnayang istrakturang Weaire-Phelan ay nagbubunga sa higit na iregular, organikong pasimundan kaysa sa mga hiwa sa pamamagitan na nakagawiang linab na Kevin.[20]
Ang gusali ay may kakayahang magpaupo ng 17,000 katao sa panahon ng laro na magbabawas sa 6,000 pagkatapos. Ito ay may kabuuang lawak na 65,000 at magsasaklaw ng kabuuan ng 7.8 akre (32,000 metrong parisukat).[18]
Ang sagisag ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 ay nakikilala bilang Sumasayaw na Beijing (Tsino: 舞动的北京). Ang sagisag ay may pinaghalong pulang tatak na nakaugalian ng Tsino at isang representasyon ng kaligrapiyang panitik na jing (京, "pambansang kabisera", ito rin ang pangalawang panitik ng pangalang Tsino ng Beijing) na may anyong hinggil sa palakasan. Ang pagbubukas ng palad ng salitang kaligrapiya ay sumasagisag ng paanyaya ng Tsina sa daigdig upang ibahagi ang kanilang kultura. Tuwang-tuwa si Jacques Rogge, pangulo ng IOC, sa sagisag, nagsasabi, "Ang inyong sagisag ay kagyat na nagbabatid ng nakakapangiming kagandahan at kapangyarihan ng Tsina kung saan naglalangkap sa iyong pamana at inyong tao."[21]
Ang sawikain para sa Olimpikong 2008 ay "Isang Daigdig, Isang Pangarap" (payak na Tsino: 同一个世界 同一个梦想; tradisyunal na Tsino: 同一個世界 同一個夢想; pinyin: Tóng Yíge Shìjiè Tóng Yíge Mèngxiang).[22] Ang sawikain ay nananawagan sa buong daigdig upang maging bahagi ng diwa ng Olimpiko at isulong ang magandang kinabukasan para sa sangkatauhan. Ito ay napili mula sa mga humigit ng 210,000 lumahok na ipinasa mula sa iba't ibang panig ng daigdig.[16]
Ang mga Maskot ng 2008 Olimpiko ay ang mga limang Fuwa (Tsino: 福娃, sa literal na kahulugan "mga masuwerteng manika"). Ang Fuwa ay binubuo ng mga limang kasapi na pinapahiwatig na disenyo ng isda, panda, Olimpikong Apoy, antilopeng Tibet at langaylangayan.
Ang Fuwa bawat ay may kanilang pangunahing kulay, isa sa mga kulay ng limang Singsing ng Olimpiko. Ang mga limang Fuwa ay nagngangalang Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying, at Nini. Kung ang unang pantig ng mga limang pangalan ay sabay-sabay na bibigkasin, ang bunga ay ang pangungusap na 北京欢迎你 (Běijīng huānyíng nĭ) na nangangahulugang "Binabati ka ng Beijing sa iyong pagdating."[23]
Ang disenyo ng Olimpikong sulo ay batay sa mga nakaugaliang kalatas at gumagamit ng nakaugaliang disenyong Tsino na kinikilalang "Mga Kaaya-ayang Alapaap" (祥云). Dinisenyo ang sulo upang mapanatili ang pagliyab ng apoy sa 65 kilometro bawat oras na hangin, at sa ulan ng hanggang sa 50 milimetro bawat oras.
Ang pagpasa, na may tikhang Paglalakbay ng Kalawili, ay inaasahang tatagal sa loob ng 130 araw at binubuhat ang sulo 137,000 km (85,000 mi)—ang pinakamahabang layo ng anumang pagpasa ng sulong Olimpiko mula't sapul nagsimula ang nakaugalian sa Palarong Berlin 1936.[24][25] Sa ngayon, ang pagpasa ng sulo ay binansagang "sakunang ugnayang pampubliko" ng The Times[26] ukol sa Tsina, na may mga protesta ng tala ng paglabag ng karapatang pantao, lalong-lalo na sa Tibet.
Nagsimula ang pagpasa ng sulo noong 24 Marso 2008, sa Olimpiya, Gresya. Mula roon, naglakbay ito sa Gresya patungong Istadyum ng Panathinaiko sa Atenas, at sumunod sa Beijing, na dumating noong Marso 31. Mula Beijing, sinundan ng sulo ang landas na dumadaan sa bawat lupalop maliban sa Antartika. Nakarating ang sulo sa mga lungsod sa Daang Seda, na sumasagisag ng mga lumang ugnayan sa pagitan ng Tsina at mga iba't ibang panig ng daigdig. Ang kabuuan ng 21,880 tagapagdala ng sulo ay napili mula sa panig ng daigdig ng mga iba't ibang organisasyon at entidad.[27]
Ang sabansaang bahagi ng pagpasa ay nagkaroon ng mga maraming suliranin, ang buwanang pandaigdigang paglakbay ay napakita ng mga malawakang protesta sa paglabag ng mga karapatang pantao ng Tsina at kasalukuyang pagpaparusa sa Tibet.[28] Nang dahil sa mga suliranin sa Londres na nagbantang papatayin ang apoy, hindi natuloy ang pagpasa ng sulo sa Paris, Pransiya. Ang Amerikanong yugto ng paglalakbay sa San Francisco noong Abril 9 ay binago na walang dating babala upang maiwasan ang mga ilang pangyayari, bagama't mayroon pa ring demonstrasyon sa kahabaan ng orihinal na landas.[29] Ang pagpasa ay higit na ipinaliban at pinadali pagkatapos ng lindol sa Sichuan na nadamay ang kanlurang Tsina.
Nakarating ang apoy sa tuktok ng Bundok Everest[27] sa isang 108 km (67 mi) lansangan na nag-iiskala ang gilid na Tibet ng bundok lalo na naitayo para sa pagpasa. Ang $19.7 angaw na proyektong aspalto at lumawak mula Kundado ng Tingri ng Prepektura ng Xigazê sa Base Kampo ng Everest.[30] Noong Marso 2008, pinagbawalan muna ng Tsina ang mga mamumundok sa pag-akyat ng gilid ng Bundok Everest at sumunod hinikayat ang pamahalaan ng Nepal na isara ang kanilang gilid sa gayon, na tinutukoy sa mga alintanag pangkapaligiran.[31] Ito ay nagnunuynuy rin ng mga alintana ng pamahalaang Tsino na ang mga aktibistang Tibet ay maaaring subukang sirain ang mga plano sa pagpapadala ng Olimpikong sulo paakyat sa pinakamataas na tugatog sa buong daigdig.[32]
Ang medalya na igagawad sa mga nagwagi sa Palarong Olimpiko 2008 ng Beijing ay pambihira sapagka't ang likod ng mga medalya ay may singsing ng ihada bilang sagisag ng pambansang kultura. Ang disenyo ay nilikha ni Propesor Hang Hai na inandukha ng Lupon ng Pagsasaayos ng Palarong Olimpiko 2008. Ang ihada na ginamit ay nagmula sa minahan sa Kunlun sapagka't may natagpuang materyal na ihada sa malaki-laking dami ay may mataas na kalidad.
Nagbigay ng dalawang kondisyon ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko sa pagdidisenyo ng medalya ng Palarong Olimpiko:
Maringal at magilas, ang mga medalya ay pinaghalo ng nakaugaliang kulturang Tsino at ang Olimpismo. Nagbibigay sa mga nanalo ng Palaro ang dakilang pitagan at pagbubunyi bilang pagkilala sa kanilang naisagawang tagumpay.[33]
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jiang Xiaoyu, pangalawang pangulo sa tagapagpaganap ng BOCOG, na ang mga medalya ng Palarong Beijing 2008 ay magiging pangunahing bahagi ng pamanang pang-Olimpiko para sa Tsina. Ang disenyo ng mga medalya ay bunga ng kasipagan, katiyagaan at kasiglaan ng maraming tao. Ang mga medalya, ayon sa kanya, ay naglalangkap ng matatag na istilong Tsino at matikas na sining, at may kalawiling pagsasama ng kulturang Tsino sa Olimpismo, na naging daan sa pagpapalaganap ng Diwa ng Olimpiko at mga kaisipan ng Palarong Beijing, gayundin sa pagpapakita ng sining at kulturang Tsino, at ang mataas na antas ng disenyo at teknolohiya.[33]
Ang programa para sa Palarong Olimpiko ng Beijing 2008 ay halos magkatulad sa nasa Palarong Olimpiko ng Atenas na ginanap noong 2004. Ang Olimpiyadang 2008 ay binubuo ng mga 28 palakasan, 302 kaganapan (165 kaganapang panlalaki, 127 kaganapang pambabae at 10 kagapang pinagsamang kasarian), isang kaganapan na humigit sa kabuuan kaysa sa nasa Atenas.
Lahat-lahatang siyam na bagong kaganapan ay magaganap, kung saan kabilang ang dalawa mula sa bagong disiplina ng pamimisikletang BMX. Maglalaban ang mga kababaihan sa 3000 m harang pangkarera sa unang pagkakataon. Bukod pa rito, ang kaganapang maratong paglalangoy para sa mga kalalakihan at kababaihan, humigit sa layo ng 10 kilometro, ay madadagdagan sa disiplina ng paglalangoy. Ang mga kaganapang pangkuponan (kalalakihan at kababaihan) sa pingpong ay mapapalitan sa mga kaganapang dalawahan. Sa eskrima, ang kababaihang kuponang oropel at kababaihang kuponang sabre ay mapapalitan sa kalalakihang kuponang oropel at kababaihang kuponang espadang pang-eskrima.[b][34][35]
Ang Lupon sa Pagsasaayos ng Beijing ay nakapaglabas ng mga piktograma ng mga 35 disiplinang Olimpiko. Ang pangkat ng mga sagisag pampalakasan ay ipinangalan sa kagandahan ng karakter na pansagisag, dahil sa bawat pagkakahawig ng piktograma sa mga Tsinong sulat-sagisag.[36]
Ang mga sumusunod ay mga palakasan na magiging bahagi ng paligsahan ng mga Palarong ito. Ang bilang ng mga kaganapan sa bawat palakasan ay nakahimatong sa mga panaklong.
Sa sumusunod na kalendaryo para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, kumakatawan ang bawat bughaw na kahon sa isang kaganapang pampaglisahan, katulad ng pagkakataong maipakita ang mga inaasahang katangian, sa araw na iyon. Kumakatawan ang kahong dilaw sa mga araw kung kailan gaganapin ang kahuli-hulihang may paggagawad ng mga medalyang gantimpala para sa isang palaro. Isang panghuling kaganapan ang bawat punglong-tuldok sa loob ng mga kahong ito, na kumakatawan ang bawat bilang ng punlong-tuldok bawat kahon sa bilang ng mga huling kaganapang ititimpalak sa araw na iyon.[37]
● | Seremonya ng pagbubukas | Kaganapan ng mga tunggali | ● | Huling bahagi ng mga kaganapan | Pista ng pagtatanghal | ● | Seremonya ng pagtatapos |
Ang seremonya ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 ay ginanap sa Pambansang Istadyum ng Beijing. Nagsimula ito sa Ika-8 ng gabi o 20:00 Pamantayang Oras ng Tsina (UTC+8) noong 8 Agosto 2008.[38][39][40] Ang bilang walo ay nauugnay sa kasaganaan at panibulos sa kulturang Tsino, at dito ito ay tatluhang walo para sa petsa ang isa ay timbaw para sa oras (malapit sa 08:08:08 ng gabi).[41] Ang seremonya ay kapwa-sumailalim sa direksiyon ni Zhang Yimou, isang tagagawa ng pelikula at ang tagapangasiwa sa sayaw na si Zhang Jigang.[42] Ipinakita ito ang mga gumanap ng humigit 15,000 tagapagtanghal, at binansagang "ang pinakakamangha-manghang Seremonya ng Pagbubukas ng Olimpiko na nilikha."[43]
Isang mayaman na pagtitipon ng mga lumang sining at kulturang Tsino na namamayani sa seremonya. Nagbukas ito na may pagpapalo ng mga tambol na Fou para sa pagbibilang ng oras. Kasunod, inilatag ang dambuhalang kalatas na naging sentro ng mga palabas. Ang opisyal na awit ng 2008 Olimpiko ay itinaghal nina Sarah Brightman ng Mga Nagkakaisang Kaharian at Liu Huan ng Tsina at pinamagatang Ikaw at Ako.[44] Ang huling tumanggap sa pagpasa ng Olimpikong Sulo, ang dating Tsinong manlalaro ng himnastika na si Li Ning ay ang nagsindi ng kawang, pagkatapos nakabitin sa hangin sa pamamagitan ng mga kawad at nakabuo ng ikot ng Pambansang Istadyum sa taas na bubong ng Istadyum sa hangin.
Ang pagpasok na parada ng mga manlalarong mananaligsa ay naiiba mula sa mga nakaraang seremonya ng Olimpiko, na ang mga pambasang kuponan ay hindi pumasok sa ayos ng mga alpabeto ng mga punong-abalang bansa. Mula nang walang alpabeto ang Tsino, ang mga kuponan ay pumasok sa ayos (pinakamababa muna) batay sa bilang ng mga guhit ng panulat ng mga pagsasalin ng Tsinong karakter na panitik; ito ay karaniwang paraan ng kulasyon ukol sa wikang Tsino, tulad ng sistemang ayos ng panulat ng apelyido. Ang bunga, ang Awstralya (karaniwang isa sa mga unang kuponan na pumapasok sa istadyum) ay naging isa sa mga huling kuponan, na ang unang karakter na panitik ng pangalang Tsino ng Awstralya (澳大利亚) na may 16 na guhit. Ang nakaugaliang Olimpiko ay mauunang pumasok ang Gresya at nananatiling mahuhuli sa pagpasok ang punung-abalang bansa (Tsina).
Ang seremonya ng pagbubukas ay pinuri ng mga manonood at mga tagamediyang pandaigdigan bilang kamangha-mangka at kaakit-akit.[45] Si Hein Verbruggen, tagapangulo ng Komisyon sa Pakikipagtulungan ng IOC para sa Ika-XXIX na limpiko, ay tinawag ang seremonya na "isang marangya, huwarang tagumpay.[46] Tinawag ng isang mulinsuri ng seremonya ng pagbubukas mula sa mga panig ng daigdig na "marangya at walang taglay na politika".[47] Ito ay inakala na ang mga tunay na paputok ay lubos na mapanganib sa pagkunan ng pelikula mula sa helikopter; na nabanggit, ang mga ibang kuha ng kamera ay lumikha upang ibahagi ang kunwaring kuhang panghimpapawid ng tagpo. Ang isa pang pagpapaganda sa pagpupunyagi ng Tsina para sa kadalisayan ng Palarong Tag-init ay ang paggamit ng isang batang babae na itinuring higit na magandang ipalabas upang ibigkas ang awit ng isa pang batang babae sa simula ng pagbubukas ng seremonya na may pinakmagatang Dalit para sa Inang-bayan.[48] Ang isa pang bahagi ng seremonya ay nagtatampok ng mga 56 na bata na may bitbit na malaking watawat ng Tsina, na 55 sa kanila ay nakasuot ng mga nakaugaliang kasuotan ng mga katutubo sa Tsina. Ang mga bata na nagsusuot ng mga kasuotang pangkatutubo ay inilarawan sa opisyal na programa bilang mga kasapi ng kanilang pangkat na pangkatutubo, subali't sa knabukasan inilahad na sila ay likas na Tsinong Han.[49]
Humigit 100 higpuno, puno ng estado at puno ng pamahalaan gayundin ang mga 170 Ministro ng Palakasan na dumalo sa Palarong Olimpiko ng Beijing.[50]
Narito ang mga ilang tagpo ng Seremonya ng Pagbubukas ng Palarong Olimpiko ng Beijing 2008:
Ang Seremonya ng Pagtatapos ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 ay nagwawakas ng Palarong Beijing noong 24 Agosto 2008. Nagsimula ito sa ika-8 ng gabi Pamantayang Oras ng Tsina (UTC+8), at ginanap sa Pambasang Istadyum ng Beijing.
Ang Ceremonya ay kabilang ang paglipat ng Palaro mula Beijing sa Londres. Ipinasa ni Guo Jinlong, Pununglungsod ng Beijing ang watawat ng Olimipiko sa Pununglungsod ng Londres Boris Johnson, kasunod ang palabas na inihanda ng Lupon sa Pagsasaayos ng Londres para sa Palarong Olimpiko (LOGOC).[51]
Sumunod ang Seremonya ng Pagbubukas noong 8 Agosto 2008, ang lahat maliban sa isa (Brunei) ng mga kasalukuyang 205 Pambansang Lupong Olimpiko (NOC)[52] ay lalahok. Ang Tsina at ang Estados Unidos ay may pinakamalaking kuponan, na may bilang 639 at 595 sa kani-kanilang kuponan. Maraming bansa ay kumakatawan sa palaro sa pamamagitan ng isang manlalaro.
Ang malalangoy mula sa Timog Aprika na si Natalie du Toit, (limang beses na gintong medalista sa Paralimpiko ng Atenas 2004), ay nakwalipika sa pakikipagpaligsahan sa Olimpikong Beijing, kung kaya nakagawa ng kasaysayan na maging unang naputulan na makwalipika para sa Palarong Olimpiko mula kay Olivér Halassy noong 1936.[53][54] Si Natalia Partyka (na ipinanganak na walang kanang bisig) ay lalaban sa Pingpong para sa Polonya.[55]
Tulad sa mga dating palaro mula 1984, ang mga manlalaro mula sa Republika ng Tsina (Taywan) ay nakikipagpaligsahan sa Olimpiko bilang Tsinong Taipei (TPE)[56] sa ilalim ng "Olimpikong watawat ng Tsinong Taipei" at paggamit ng Awit ng Pambansang Palwis bilang kanilang opisyal na awit. Ang paglalahok ng Taywan ay nagkaroon ng pagdududa dahil sa mga di-pagkakaunawaan sa mga designasyon ng kuponan sa wikang Tsino, at mga alintana na ang Taywan ay magmamartsa sa Seremonya ng Pagbubukas sa kasunod na Tanging Administratibo ng Rehiyon ng Hong Kong.[57] Ang mga tagasuporta na nasa loob at labas ng lugar na pinagdadausan ay hindi pinapahintulutang ilatag ang watawat ng Republika ng Tsina.[58]
Nasa ibaba ang isang tala ng lahat ng mga lumalahok na NOC (ang bilang ng mga mananaligsa sa bawat delegasyon ay nakadetalye sa mga saklong):
Talaan ng mga lumahok na Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) |
---|
|
|
|
Ang Kapuluang Marshall at Tuvalu ay nakatipak ng kalagayan ng Pambansang Lupong Olimpiko sa 2006 at 2007.[59][60][61]
Ang mga bansang Serbya at Montenegro, na lumahok sa Palarong Olimpiko ng Atenas 2004 nang sama-sama bilang Serbya at Montenegro, ay maglalaban na nag hiwalay. Tinanggap ang Lupong Olimpiko ng Montenegro bilang bagong Pambansang Lupong Olimpiko noong 2007.[61]
Ipinangako ng IOC na kilalanin ang bagong malayang Republika ng Kosovo, nguni't hindi muna makipagpaligsahan sa Olimpiko sa panahong ito.[62]
Nagpulong ang Hilagang Korea at Timog Korea upang talakayin ang anumang bagay ng maaaring magpadala ng nagkaisanmg kuponan sa Olimpiko 2008,[63][64] subali't nabigo ang panukala nang dahil sa mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang NOC sa proporsyon ng mga manlalaro mula sa mga dalawang bansa sa loob ng kuponan.[65]
Ang Brunay ay dapat bahagi ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008. Subali't, sila'y hindi pinayagang lumahok noong Agosto 8, na nabigong magpatala ng isa sa mga manlalaro.[66] Si Emmanuelle Moreau, tagapagsalita ng IOC, ay nagpahayag na, "ito ay malaking kahihiyan at nakakalungkot nang lubos ukol sa mga manlalaro na matalo dahil sa pasiya ng kanilang kuponan na sila'y magpatala. Sinubukan muli ng IOC para sa kanila hanggang sa huling sandali, tanghalian ng Biyernes [8 Agosto 2008, ang araw ng opisyal na pagbubukas], na sila'y kinakailangang magpatala, nguni't hindi nagpakita." [67]
Ipinahayang Giyorgya noong 9 Agosto 2008 na ito ay kung tutuusing pag-aatras mula sa Palarong Olimpiko ng Beijing dahil sa biglaang kaguluhang pangmilitar sa Timog Osetya.[68]
Ang pagraranggo sa talahanayang ito ay nakabatay sa kabatiran na inilaan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Ang uring pagraranggo batay sa bilang ng mga gintong medalya ang isang bansa ay nakaipon (sa kontekstong ito ang isang bansa ay isang entidad na kumakatawan ng Pambansang Lupon ng Olimpiko). Ang bilang ng mga pilak na medalya ay nalilimi bilang kasunod at pagkatapos ang bilang ng mga tansong medalya. Kung, pagkatapos sa nasa itaas, ang mga bansa ay nananatiling pumapatas, ang magkatulad na pagraranggo ay binibigay at nakatala nang alpabetikal ng bansang-kodigo ng IOC.
Sa karagdagan, ang mga pumapatas para sa pangatlo sa 100 m himbalangay panlalaki at 100 m malayang-estilo panlalaki ay nangangahulugan na dalawang tansong medalya ay igagawad para sa mga kaganapang iyon.[69] Kaya, ang kabuuang bilang ng mga tansong medalya ay humigit kaysa sa kabuuang bilang ng ginto at pilak na medalya.
Punung-abalang bansa (Tsina)
Ang pagkakaiba-iba ng mga alintana sa palaro ay nakapaghiwatig ng iba't ibang entidad; kabilang ang mga paratang na nilabag ng Tsina ang pangakong ito upang payagang biksan ang paglapit ng mediya.[70] iba't ibang paratang na paglabag sa karapatang pantao.[71][72][73] polusyon sa hangin sa lungsod ng Beijing at ang mga kalapit na lugar nito,[74][75] iniluhog na boykoteo,[76][77] mga babala na may anumang bagay ng maaaring mangyari na magpupunterya ng mga pangkat terorista ang Olimpikong Beijing[78] nabigong tangkang sabotahe, nang binit na marahas na pag-aantala mula sa mga magpoprotestang maka-Tibet.[79] mga kabilaning kalayaan sa relihiyon[80] ang pagbabawal ng mga katutubong Tibet sa pagtatrabaho sa Beijing ukol sa laon ng palaro,[81] mga puna ng mga patakaran ng may elektronikong pagmamasid nang sapilitan ng mga otel na minamay-ari nang pandaigdigan,[82][83][84] pag-aalis ng mga naninirahan,[85] kamalasan sa tiket,[86] pananakit sa mga dayuhang mamahayag,[87][88] mga hindi matiyak na lugar na protesta,[89] gayundin ang mga paratang panggigipit, pagkulong sa bahay, mga sapilitang pagkawala, pagbibilanggo, at pagpapahirap sa mga tumututol at mga aplikanteng pagpoprotesta.[87][90][91][92][93][94][95]
Sa karagdagan, ang mga tagapaglunsad ng kalayaan ng Tibet ay nakapagpakita ng pag-aalimura at nagpoprotesta ng palaro,[96] ang mga aktibista sa mga karapatang pantao na mapamuna sa katauhan ng Tsina sa salungatang Darfur ay nakahanap ng pagbabago sa patakaran,[97] at mga tagapamagitang Kristiyano ay nakapagpahiwatig ng mga alintana tungkol sa pang-aapi ng mga Kristiyano sa Tsina[98]
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino. Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.