Ang Agosto 6 ay ang ika-218 na araw sa kalendaryong Gregoryano (ika-219 kung bisyestong taon) na may natitira pang 147 na araw.
- 1825 - Lumaya ang Bulibya sa Espanya.
- 1945 - Ikalawang Digmaang Pandaigdig: ang pagbomba ng bomba atomika sa Hiroshima. Ipinangalan bilang Little Boy ang bomba na hinulog ng Amerikanong sasakyang panghihimpawid na B-29 Enola Gay sa Lungsod ng Hiroshima sa bansang Hapon noong 8:16 ng umaga, na madaling pinatay ang 80,000 katao kasama ang 60,000 na namatay pagkatapos magkasakit sa radyasyon nito. Sa pangkalahatan, mayroong mga 200,000 ang namatay dahil sa bomba atomika.
- 1962 - Lumaya ang Hamayka.
- 2013 - Limang sundalong Indiyan ang napatay sa pag-atake malapit sa hangganan ng lupain sa estado ng Jammu at Kashmir sa pagitan ng Pakistan at Indiya.[1]
- 2013 - Inilikas ng United States Department of State ang mga empleyado nito mula sa embahada ng Estados Unidos sa Yemen kasunod ng banta ng al-Qaida.[2]
- 2013 - Nasakop ng mga rebelde ng Syria ang isang himpilan ng hukbong panghimpapawid sa Aleppo malapit sa hangganan ng Turkiya.[3][4]
- 2013 - Isang bomba sa kotse ang sumabog na ikinasawi ng 18 katao at 55 sugatan sa labas ng lungsod ng Damasko.[5]
- 2013 - Naiulat ang kemikal na pag-atake sa Adra at Houma mga lungsod sa labas ng Damasko.[6]
- 2013 - Parehong nagdesisyon ang Senado at Kamara na itigil ang planong pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam matapos mapagkasunduan ng mga senador na ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng ilang ahensiya ng gobyerno.[7]
- 2013 - Mahigit sa kalahating milyong Filipino ang may problema sa mata ayon sa Kagarawan ng Kalusugan, ang tatlong pinakamadalas na sanhi ng pagkabulag ay katarata, glaucoma at macular degeneration.[8]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.