Ang Agosto 12 ay ang ika-224 na araw sa kalendaryong Gregoryano (ika-225 kung bisyestong taon) na may natitira pang 141 na araw.
- 1883 - Ang Tsikago ay naitatag.
- 1898 - Isang kasunduang pangkapayapaan ang nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
- 2013 - Walong katao ang namatay at 25 ang sugatan sa isang pagpapatiwakal na pambobomba sa Balad, Irak, hilagang kapitolyo ng Baghdad.[1]
- 2013 - Ilang armadong lalaki ang namaril sa hilagang-kanluran ng Nigeria na ikinasawi ng 30 katao.[2]
- 2013 - Nagsagawa ng pag-atakeng panghimpapawid ang Sandatahang Lakas ng Tunisia laban sa mga militanteng Islam sa hangganang lupain ng Algeria.[3]
- 2013 - Namatay na si Prinsipe Friso ng Orange-Nassau, kapatid ni Haring Willem-Alexander ng mga Olanda, sa edad na 44 kasunod ng mga komplikasyon dulot ng aksidenteng naganap noong 2012 sa pag-iiski, kung saan siya ay na-comatose sa loob ng isa't kalahating taon.[4][5][6][7]
- 2013 - Ilang paaralan sa Maynila at maging sa mga probinsiya ang nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas ngayong araw dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo.[8]
- 2013 - Isa ang patay dahil sa pagguho ng lupa sa probinsiya ng Benguet. Ipinasara rin ang Daang Kennon dahil sa bagyong Labuyo.[9]
- 2013 - Probinsiya ng Aurora, matinding hinagupit ng bagyo matapos nitong lumapag sa lupain ng Casiguran.[10]
- 2013 - Inilunsad ng Indiya ang INS Vikrant ang kanilang kaunaunahang katutubong sasakyang panghimpapatiwid.[11]
- 2013 - Naihalal si Ibrahim Boubacar Keïta bilang bagong Pangulo ng Mali.[12]
- 2013 - Nagwagi ang Amerikanong manlalaro ng golp na si Jason Dufner sa Kampeonatong PGA 2013 na ginanap sa Oak Hill Country Club sa Pittsford, New York.[13]
- 2013 - Tinalo ng Iran ang koponan ng Pilipinas sa Kampeonato ng FIBA Asya 2013 sa talang 85-71.[14]