Ang Agosto 17 ay ang ika-229 na araw sa kalendaryong Gregoryano (ika-230 kung bisyestong taon) na may natitira pang 136 na araw.
- 1945 - Lumaya ang Indonesia.
- 1960 - Lumaya ang Gabon mula sa Pransiya.
- 1976 - Niyanig ng lindol ang Golpo ng Moro sa Pilipinas.
- 2013 - Naaresto si Mario Ramírez Treviño lider ng Kartel ng Golpo sa Tamaulipas kaugnay ng Laban ng Mehiko sa Droga.[1]
- 2013 - Nalinis ng pwersa ng seguridad ng Ehipto ang isang Moske sa Cairo matapos ang mahabang pananatili ng mga miyembro ng Kapatiran ng mga Muslim.[2]
- 2013 - Minungkahi ni Hazem Al Beblawi, Punong Ministro ng Ehipto, ang ligal na pagpapabuwag sa grupo ng Kapatiran ng mga Muslim.[3]
- 2013 - Inatake ng mga rebelde sa Sirya ang isang checkpoint sa Homs, na ikinasawi ng ng 5 milisya ng NDF at 6 na sibilyan.[4]
- 2013 - Inatake ng gobyerno ng Sirya gamit ang eroplanong pandigma ang Aleppo na ikinasawi ng 15 sibilyan.[5]
- 2013 - 18 katao ang nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Nigerya at Boko Haram Islamists sa hilagang-katimutang Nigerya.[6]
- 2013 - 10 ang napatay sa kampo ng mga manghihimagsik sa kanlurang Apganistan.[7]
- 2013 - Inilikas ang ilang residente ng Greenhorn Gulch sa Idaho dahil sa sunog sa Sapa ng Beaver.[8]
- 2013 - 31 katao ang patay at 170 pa ang nawawala dahil sa paglubog ng MV St. Thomas Aquinas tapos bumangga sa isang barkong pangkargamento sa Cebu.[9]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Araw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.