From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Montenegro (Padron:Lang-cnr, tr. Crna Gora), ay bansang matatagpuan sa Balkanikong Tangway ng Timog-Silangang Europa. Pinapalibutan ito ng Bosniya at Herzegovina sa hilagang-kanluran, Serbiya sa hilagang-silangan, Kosovo sa silangan, Albanya sa timog-silangan, Kroasya sa kanluran, at Dagat Adriatiko sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 13,812 km2 at tinatahanan ng mahigit 623,633 tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Podgorica.
Montenegro Црна Гора (Montenegrin) Crna Gora | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Podgorica 42°47′N 19°28′E |
Wikang opisyal | Montenegrino |
Katawagan | Montenegrino |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Jakov Milatović |
• Punong Ministro | Milojko Spajić |
Lehislatura | Parlamento |
Kasaysayan | |
• Prinsipalidad | 13 Marso 1852 |
• Tratado sa Berlin | 13 Hulyo 1878 |
• Kaharian | 28 Agosto 1910 |
• Paglikha sa Yugoslavia | 1 Disyembre 1918 |
• Sosyalistang Republika | 21 Nobyembre 1946 |
• Serbiya and Montenegro | 27 Abril 1992 |
• Paghihiwalay | 21 Mayo 2006 |
Lawak | |
• Kabuuan | 13,812 km2 (5,333 mi kuw) (ika-156) |
• Katubigan (%) | 2.6 |
Populasyon | |
• Senso ng 2023 | 623,633 (ika-164) |
• Densidad | 43.6/km2 (112.9/mi kuw) (ika-177) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $17.431 bilyon (ika-149) |
• Bawat kapita | $28,002 (ika-63) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $7.058 bilyon (ika-153) |
• Bawat kapita | $11,338 (ika-73) |
Gini (2020) | 32.9 katamtaman |
TKP (2022) | 0.844 napakataas · ika-50 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
UTC+2 (CEST) | |
Kodigong pantelepono | +382 |
Kodigo sa ISO 3166 | ME |
Internet TLD | .me |
Ang Montenegro ay dating karepublika ng Serbya at Montenegro kasama ang Serbya. Ito ay naging isang malayang estado matapos pagpasiyahin ng mga Montenegrino ang kalayaan sa isang referendum noong 21 Mayo 2006. Kinabukasan, naipakita sa mga opisyal na resulta na 55.4% ng mga manghahalal ang tumatangkilik ng kalayaan, higit lang nang kaunti sa 55% na hinihingi ng referendum.
Ang Oj, svijetla majska zoro ang pambansang awit ng Montenegro.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.