Qingdao
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Qingdao ([t͡ɕʰíŋtɑ̀ʊ̯]; na binabaybay rin bilang Tsingtao; Tsino: 青岛) ay isang pangunahing lungsod sa silangang bahagi ng lalawigan ng Shandong sa baybaying-dagat ng Dagat Dilaw sa silangang Tsina. Isa rin itong pangunahing sentrong lungsod ng Inisyatibong One Belt, One Road (OBOR) na nag-uugnay ng Asya sa Europa.[2] Sa lahat ng mga lungsod sa lalawigan ito ay may pinakamataas na GDP. Pinangangasiwaan ito sa antas na sub-probinsiyal,[3] mayroon itong kapangyarihan sa anim na mga distrito at apat na mga antas-kondado na lungsod. Magmula noong 2014[update] , mayroong 9,046,200 katao ang Qingdao, kasama ang populasyong urbano na 6,188,100.[4] Ito ay nasa Tangway ng Shandong at nakatanaw ito sa Dagat Dilaw. Hinahangganan ito ng Yantai sa hilagang-silangan, Weifang sa kanluran, at Rizhao sa timog-kanluran.
Qingdao 青岛市 Tsingtao | |
---|---|
Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | |
Mula taas, kaliwa-pakanan: Panoramang urbano ng Qingdao, Liwasang Ika-4 na Mayo, Katedral ng San Miguel, Serbeseria ng Tsingtao, Serbesang Tsingtao, Tanawing panghimpapawid ng Qingdao | |
Kinaroroonan ng Lungsod ng Qingdao (nakapula) sa silangang baybaying-dagat ng Tsina | |
Mga koordinado (Pamahalaang munisipal ng Qingdao): 36°04′01″N 120°22′58″E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Shandong |
Pinaupa sa Alemanya | Marso 6, 1898 |
Pananakop ng Hapon | Nobyembre 7, 1914 |
Pagbabalik sa Tsina | Disyembre 10 1922 |
Muling Pananakop ng Hapon | Enero 10 1938 |
Muling Pagbabalik sa Tsina | Agosto 15, 1945 |
Sentro ng munisipyo | Shinan District |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng CPC | Zhang Jiangting |
• Alkalde | Meng Fanli |
Lawak | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 11,067 km2 (4,273 milya kuwadrado) |
• Lupa | 11,067 km2 (4,273 milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[1] | 1,632 km2 (630 milya kuwadrado) |
• Metro | 5,019 km2 (1,938 milya kuwadrado) |
Populasyon (2014) | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 9,046,200 |
• Kapal | 820/km2 (2,100/milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[1] | 5,930,000 |
• Densidad sa urban | 3,600/km2 (9,400/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 266000 |
Kodigo ng lugar | 0532 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-SD-02 |
GDP | ¥ 1200.152 bilyon |
GDP kada tao | ¥ 127,745(2018) |
Unlapi ng Plaka ng Sasakyan | 鲁B & 鲁U |
Baybaying-dagat | 862.64 km (536.02 mi) (kasama ang mga pulo palayo ng pampang) 730.64 km (454.00 mi) (hindi kasama ang mga pulo) |
Pangunahing mga kabansaan | Han: 99.86% |
Mga dibisyong antas-kondado | 10 |
Websayt | www.qingdao.gov.cn |
Qingdao | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 青岛 | ||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 青島 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Pulong Asul" ("Azure Island") | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Pangalang German | |||||||||||||||||||||||||
German | Tsingtau |
Isang pangunahing pantalang pandagat, baseng pandagat, at sentrong pang-industriya ang Qingdao. Ang pinakamahabang pandagat na tulay sa mundo, ang Tulay ng Look ng Jiaozhou, ay nag-uugnay ng pangunahing pook urbano ng Qingdao sa distrito ng Huangdao na nakasaklang sa mga pandagat na lugar ng Look ng Jiaozhou.[5] Kinaroroonan din ito ng Serbeseria ng Tsingtao, ang pangalawang pinakamalaking serbeseria sa Tsina.[6]
Noong 2018, nasa ika-31 puwesto ang Qingdao sa Global Financial Centres Index na inilathala ng Pangkat ng Z/Yen at ng Surian sa Pagpapaunlad ng Tsina, ang ibang mga Tsinong lungsod sa talaan ay Hong Kong, Shanghai, Beijing, Shenzhen, Guangzhou, Tianjin, Chengdu, Hangzhou at Dalian.[7] Noong 2007, pinangalanan ang Qingdao bilang isa sa sampung pangunahing mga lungsod ng Tsina ng Chinese Cities Brand Value Report, na inilabas noong 2007 Beijing Summit of China Cities Forum.[8] Noong 2009, pinangalanan ang Qingdao bilang pinakanatitirahang lungsod ng Chinese Institute of City Competitiveness.[9][10] Idinaos sa Qingdao noong 2018 ang isang pagpupulong ng mga pinuno ng Shanghai Cooperation Organization.[11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.