From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pinyin (Tsino: 拼音; pinyin: pīnyīn) o Hanyu Pinyin (汉语拼音 / 漢語拼音) ay ang kasalukuyang pinakaginagamit na sistemang romanisasyong para sa Pamantayang Mandarin (标准普通话 / 標準普通話). Ang Hànyǔ (汉语 / 漢語) ay nangangahulugang Wikang Tsino, at ang pīnyīn (拼音) ay nangangahulugang "ponetiko".[1] Kilala ang sistema sa paggamit sa Pamantayang Mandarin, at hindi ginagamit sa ibang wikang Tsino, kasama na ang sinaunang opisyal na Tsinong Guangyun (广韵 / 廣韻). Ang sistema ay ginagamit ngayon sa Tsina, Hong Kong, Macau, at ilang bahagi ng Taiwan, Malaysia at Singapore bilang panturo sa Wikang Mandarin[2] at sa ibang bansa upang turuan ng Mandarin bilang ikalawang wika. Ginagamit din ito upang baybayin ang mga pangalang Tsino sa mga banyagang palimbagan at maaaring gamitin upang maipasok ang mga Tsinong karakter (hanzi} sa kompyuter o sa cellphones.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.