Qingdao
Ang Qingdao ay isang pangunahing lungsod sa silangang bahagi ng lalawigan ng Shandong sa baybaying-dagat ng Dagat Dilaw sa silangang Tsina. Isa rin itong pangunahing sentrong lungsod ng Inisyatibong One Belt, One Road (OBOR) na nag-uugnay ng Asya sa Europa. Sa lahat ng mga lungsod sa lalawigan ito ay may pinakamataas na GDP. Pinangangasiwaan ito sa antas na sub-probinsiyal, mayroon itong kapangyarihan sa anim na mga distrito at apat na mga antas-kondado na lungsod. Magmula noong 2014 , mayroong 9,046,200 katao ang Qingdao, kasama ang populasyong urbano na 6,188,100. Ito ay nasa Tangway ng Shandong at nakatanaw ito sa Dagat Dilaw. Hinahangganan ito ng Yantai sa hilagang-silangan, Weifang sa kanluran, at Rizhao sa timog-kanluran.
Read article