From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1960 ay ang ikasiyam na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos 9 noong Hulyo 1960.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Akiko Kojima ng Hapon si Linda Bement ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1960.[1] Ito ang pangatlong tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Daniela Bianchi ng Italya, habang nagtapos bilang second runner-up si Elizabeth Hodacs ng Austrya.[2][3]
Mga kandidata mula sa apatnapu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Charles Collingwood ang kompetisyon.
Noong 7 Oktubre 1959, inanunsyo ni Hank Meyer, city publicity director ng Miami Beach, na ang ikasampung anibersaryo ng kompetisyon ay gaganapin sa Miami Beach, Florida, imbis na sa Long Beach, California sa Estados Unidos. Ayon sa Long Beach Beauty Congress, "masyadong naging komersyalisado" ang kompetisyon matapos ang kompetisyon noong Hulyo 1959 na napalanunan ni Akiko Kojima ng Hapon, dahilan upang alisin ang kanilang suporta sa pageant.[4][5]
Ang mga kalahok mula sa apatnapu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo at isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Iniluklok si Mary Quiróz, Miss Yaracuy 1957, upang kumatawan sa bansang Beneswela sa edisyong ito dahil ginanap ang Miss Venezuela 1960 ilang linggo pagkatapos ng Miss Universe.[6] Dapat sanang kakatawan sa Dinamarka sa kompetisyong ito si Sonja Menzel.[7] Gayunpaman, pinalitan ni Lizzie Hess si Menzel matapos palitan ni Menzel si Antje Moeller sa Miss International matapos tuklasan na labing-anim na taong gulang lamang si Moller.[8]
Unang sumali sa edisyong ito ang Espanya, Hordan, Portugal, at Tunisya, at bumalik ang Beneswela, Hong Kong, Libano, Moroko, Nuweba Selandiya, Paragway, Pinlandiya, Surinam, Suwisa, Timog Aprika, at Tsile. Huling sumali noong 1953 ang Suwisa at Timog Aprika, noong 1954 ang Bagong Silandiya at Hong Kong, noong 1955 ang Libano at Pinlandiya, noong 1957 ang Moroko, at noong 1958 ang Beneswela, Paragway, Suriname, at Tsile.
Hindi sumali ang mga bansang Guwatemala, Hawaii, Mehiko, Polonya, Taylandiya, at Turkiya sa edisyong ito. Hindi sumali ang Hawaii dahil isa na itong estado ng Estados Unidos. Hindi sumali si Marzena Malinowska ng Polonya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[9] Hindi sumali si Lorena Velázquez ng Mehiko dahil tumanggi siyang katawanin ang Mehiko sa kompetisyon.[10]
Dapat rin sanang sasali si Cluadinette Fouchard ng Hayti, subalit ito ay bumitiw dahil ito ay ikakasal na.[11]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1960 |
|
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 15 |
|
Tulad noong 1955, labinlimang mga semi-finalist lang ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labinlimang mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.[14]
Apatnapu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[15]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Arhentina | Rose Marie Lincke[16] | 22 | Buenos Aires |
Austrya | Elizabeth Hodacs[17] | 18 | Viena |
Belhika | Huberte Box | 19 | Bruselas |
Beneswela | Mary Quiróz[6] | 21 | Caracas |
Brasil | Gina MacPherson[18] | 19 | Guanabara |
Bulibya | Nancy Aguirre[19] | 19 | La Paz |
Burma | Myint Myint May[20] | 18 | Yangon |
Dinamarka | Lizzie Hess[21] | 20 | Copenhague |
Ekwador | Isabel Rolando[22] | 21 | Quito |
Espanya | María Teresa del Río | 21 | Madrid |
Estados Unidos | Linda Bement[23] | 18 | Lungsod ng Salt Lake |
Gresya | Magda Passaloglou | 24 | Atenas |
Hapon | Yayoi Furuno[24] | 19 | Fukuoka |
Hong Kong | Vivian Cheung[25] | 20 | Hong Kong |
Hordan | Helen Giatanapoulus[25] | – | Aman |
Inglatera | Joan Boardman[26] | 22 | Wallasey |
Israel | Aliza Gur[27] | 19 | Haifa |
Italya | Daniela Bianchi[28] | 18 | Roma |
Kanada | Edna McVicar | 19 | Galt |
Kanlurang Alemanya | Ingrun Moeckel[29] | 18 | Dusseldorf |
Kolombya | Stella Márquez[30] | 21 | Pasto |
Kosta Rika | Leila Rodríguez[31] | 18 | San José |
Kuba | Flora Lauten[32] | 18 | Havana |
Líbano | Gladys Tabet[33] | 18 | Beirut |
Luksemburgo | Marie Venturi | 21 | – |
Lupangyelo | Svanhildur Jakobsdóttir[34] | 19 | Reikiavik |
Moroko | Marilyn Escobar[25] | 19 | Rabat |
Nuweba Selandiya | Lorraine Jones | 21 | Wellington |
Noruwega | Ragnhild Aass[26] | 19 | Oslo |
Olanda | Carina Verbeek[26] | 19 | Ang Haya |
Paragway | Mercedes Ruggia[35] | – | Asuncion |
Peru | Medallit Gallino[36] | 19 | Lambayeque |
Pinlandiya | Maija-Leena Manninen[37] | 21 | Helsinki |
Portugal | Maria Teresa Cardoso[38] | 19 | Lisboa |
Pransiya | Florence Eyrie[26] | 21 | Paris |
Suriname | Christine Jie Sam Foek[39] | 21 | Paramaribo |
Suwesya | Birgitta Öfling[40] | 22 | Uppsala |
Suwisa | Elaine Maurath[26] | 19 | Geneva |
Timog Aprika | Nicolette Caras[41] | 19 | Johannesburg |
Timog Korea | Sohn Miheeja | 19 | Seoul |
Tsile | Marinka Polhammer[16] | 19 | Santiago |
Tunisya | Louise Carrigues[21] | – | Tunis |
Urugway | Iris Teresa Ubal[38] | 22 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.