Kapuluan sa gitna ng Timog-silangang Asya at Australia From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kapuluang Malay (Indones/Malasyo: Kepulauan Melayu) ay ang kapuluan sa gitna ng Indotsina at Australia. Naitawag din itong "Nusantara", "Silangang Kaindiyahan", at iba pang mga pangalan sa paglipas ng panahon. Nakuha ang pangalan mula sa lahing Malay, isang konsepto mula sa Europa noong ika-19 na siglo, at kalaunan batay sa saklaw ng mga wikang Austronesyo.[3]
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Maritimong Timog-silangang Asya, Melanesya |
Kabuuang pulo | 25,000 |
Pangkalahatang pulo | Java, Luzon, Borneo, Mindanao, Bagong Ginea, Sulawesi, Sumatra |
Sukat | 2,870,000 km2 (1,108,000 mi kuw)[1] |
Pinakamalaking paninirahan | Bandar Seri Begawan |
Pinakamalaking paninirahan | Dili |
Pinakamalaking paninirahan | Jakarta |
Pinakamalaking paninirahan | Kuching |
Pinakamalaking paninirahan | Singapore |
Pinakamalaking paninirahan | Port Moresby |
Pinakamalaking paninirahan | Lungsod Quezon |
Demograpiya | |
Populasyon | 380,000,000 [2] |
Mga pangkat etniko | Pinangingibabawan ng mga Austronesyo, at mga minorya ng Negrito, Papues, Melanesyo, Tsino sa ibayong dagat, inapo ng Arabe, at Indiyano sa ibayong dagat |
Nasa gitna ng mga Karagatang Indiyo at Pasipiko, ang kapuluan na may higit sa 25,000 pulo ay ang pinakamalaking kapuluan pagdating sa sukat at ikaapat pagdating sa bilang ng pulo sa mundo. Kabilang dito ang Brunay, Silangang Timor, Indonesya, Malasya (Silangang Malasya), Papua New Guinea, Pilipinas at Singapura.[4][5] Halos magkasingkahulugan ang terminong ito sa Maritimong Timog-silangang Asya.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.