From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo (Wikang Espanyol: len·guas aus·tro·ne·sias; Ingles: Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya. Katulad siya ng mga mag-anak na wikang Indo-Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula sa Lating auster (hangin mula sa timog), at ng Griyegong nêsos (pulo). Ang naturang pamilya ay pinangalanan bilang sa pangmadlang ng mga wikang Awstronesyo na ginagamit sa mga kapuluan: ngunit may mga wika tulad ng Malay at mga Wikang Tsamiko, na katutubo sa mismong kontinente ng Asya. Karamihan sa mga wikang Awstronesyo ay kaunting katutubong tagapagsalita, ngunit ang mga pangunahing wikang Awstronesyo ay ginagamit ng milyun-milyong katao. Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing.
Austronesian | |
---|---|
Distribusyong heograpiko: | Maritimong Timog-Silangang Asya, Oseanya, Madagaskar, Taiwan, Sri Lanka, Lanka archipelago |
Klasipikasyong lingguwistiko: | Isa sa mga pangunahing pamilya ng mga wika ng mundo |
Proto-wika: | Proto-Awstronesyo |
Mga subdibisyon: |
Rukai (Pormosyano)
Tsou (Pormosyano)
Puyuma (Pormosyano)
Nuclear Austronesian
Iba pang mga wikang Pormosyano (higit pang mga pangunahing sanga) Malayopolinesyo |
ISO 639-2 at 639-5: | map |
Distribusyon ng mga wikang Awstronesyo |
Iba't ibang pinagmumulan ng mga wika ang naiiba, ngunit ang Austronesian at Niger-Congo ay ang dalawang pinakamalaking pamilya ng wika sa mundo sa bilang ng mga wika na naglalaman ng mga ito, bawat isa ay may halos isang-ikalima sa kabuuang wika na binibilang sa mundo. Ang heograpikong pagkakalat ng mga lupain ng mga wika ay isa sa mga pinakamalawak, na nagsisimula sa Madagaskar hanggang sa Pulo ng Paskuwa. Ang mga wikang Hawayano, Rapanui at Malgatse (ginagamit sa Madagaskar ay ang mga hangganang heograpiko ng pamilyang Awstronesyo.
Ang pamilyang Awstronesyo ay may maraming pangunahing sanga, maliban sa isa na matatagpuan lamang sa Taywan. Ang mga wikang Pormosyano ng Taiwan ay ipinangkat bilang kasingdami ng siyam na unang subgrupo ng Awstronesyo. Ang lahat ng wikang Awstronesyo na ginagamit sa labas ng Taiwan (kasama ang Wikang Yami) ay nabibilang sa sangang Malayo-Polinesyo, na minsan ding tinatawag na Extrapormosyano.
Marami sa mga wikang Awstronesyo ang nagungulang ng mahabang kasaysayan ng nakasulat na atestasyon (patotoo ng pag-iral). Ang pinakalumang inskripsyon sa wikang Tsam, ang Inskripsyong Đông Yên Châu, na tinatayang naisagawa noong ika-6 na siglo sa pinakahuli nito, ay ang unang patotoo rin ng isang wikang Awstronesyo.
Sadyang mahirap ang pagbigay ng tuntuning panlahat ng tungkol sa wika na ganap na diberso katulad ng Awstronesyo. Sa pangakalahatan, mahahati ang Awstronesyo sa tatlong pangkat ng mga wika: Pilipino (Philippine type), Indonesyo at Post-Indonesyo.
Nagagamit din sa mga wikang Awstronesyo ang tinatawag na "reduplikasyon" (pag-uulit ng lahat o bahagi ng isang salita, katulad ng wiki-wiki o agar-agar, o dahan-dahan), at, katulad ng karamihan sa mga wika ng Silangan at Timog-silangang Asya, karamihan ay mayroong mahigpit na mataas na ponotaktiko, na kalimitang mayroong munting bilang ng mga ponema at nakakaraming mga pantig na katinig-patinig. Matatag o estable naman ang ilan sa mga kognado.
Naitatag ang pamilya ng wikang Awstronesyo ng mga pamamaraang paghahambing na linggwistiko batay sa mga kognado, pangkat ng mga salitang magkakawangis sa tunog at kahulugan na nagpapahiwatig na nagmula ang mga iyon mula sa parehong salitang ansestral sa Proto-Awstronesyo ayon sa pagkalahatang alituntunin. Ang salita para sa mata sa mga wikang Awstronesyo ay mata rin (karamihan sa mga wikang Awstronesyo sa bandang hilaga, mga wikang Pormosyano katulad ng Bunun at Amis at papunta na sa katimugan na Maori). Mahirap din namang isagawa ang rekonstruksyon (pagmuling-tatag) ng ibang mga salita. Estable rin ang salita para sa dalawa, na siyang nalitaw sa halos kabuuan ng pamilyang Awstronesyo, ngunit ang ilan sa mga anyo (hal. Bunun rusya, lusha; Amis tusa; Maori tahi, rua) ay nangangailangan ng kadalubhasaang pang-aghamwika upang mabigyang-kilanlan.
Masikot at mahirap unawain ang panloobang kaanyuan ng mga wikang Awstronesyo. Binubuo ang pamilyang ito ng pare-pareho at magkakalapit na magkakaugnay na mga wika na may mga malalaking bilang ng tinatawag na diyalektong kontinyuwum, na nagpapahirap sa hangganan ng mga pagitan ng mga sanga ng pamilya. Ganoon pa man, malinaw na ang pinakamalaking dibersidad na pang-akan (henealohiko) ay makikita sa mga wikang Pormosyano ng Taiwan, at ang pinakamunting dibersidad naman sa mga kapuluan sa Pasipiko, na nagbibigay-batid ng pagkaka-kalat ng pamilya na mula sa Tsina o Taiwan.
Nasa bandang ibaba ang tsart ng komparasyon ng mga wika Awstronesyo.
Tagalog (Pilipino) | isa | dalawa | tatlo | apat | tao | bahay | aso | daan | araw | bago | tayo (kata) | ano | apoy |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tetum | ida | rua | tolu | haat | ema | uma | asu | dalan | loron | foun | ita | saida | ahi |
Amis | cecay | tosa | tolo | sepat | tamdaw | luma | wacu | lalan | cidal | faroh | kita | uman | namal |
Puyuma | sa | dua | telu | pat | taw | rumah | soan | dalan | wari | vekar | mi | amanai | apue, asi |
Rinconada Bikol | əsad | darwā | tolō | əpat | tawō | baləy | ayam | raran | aldəw | bāgo | kitā | onō | kalayō |
Cebuano | usa, isa |
duha | tulo | upat | tawo | balay | iro | dalan | adlaw | bag-o | kita | unsa | kalayo |
Waray | usa | duha | tulo | upat | tawo | balay | ayam, ido |
dalan | adlaw | bag-o | kita | anu | kalayo |
Hiligaynon | isa | duha | tatlo | apat | tawo | balay | ido | dalan | adlaw | bag-o | kita | ano | kalayo |
Aklanon | isaea, sambilog |
daywa | tatlo | ap-at | tawo | baeay | ayam | dayan | adlaw | bag-o | kita | ano | kaeayo |
Kinaray-a | sara | darwa | tatlo | apat | tawo | balay | ayam | aragyan | adlaw | bag-o | kita | ano | kalayo |
Tausug | hambuuk | duwa | tu | upat | tau | bay | iru' | dan | adlaw | ba-gu | kitaniyu | unu | kayu |
Maranao | isa | dowa | t'lo | phat | taw | walay | aso | lalan | gawi'e | bago | tano | tonaa | apoy |
Kapampangan | metung | adwa | atlu | apat | tau | bale | asu | dalan | aldo | bayu | ikatamu | nanu | api |
Pangasinense | sakey | dua, duara |
talo, talora |
apat, apatira |
too | abong | aso | dalan | ageo | balo | sikatayo | anto | pool |
Ilokano | maysa | dua | tallo | uppat | tao | balay | aso | dalan | aldaw | baro | datayo | ania | apoy |
Ivatan | asa | dadowa | tatdo | apat | tao | vahay | chito | rarahan | araw | va-yo | yaten | ango | apoy |
Ibanag | tadday | dua | tallu | appa' | tolay | balay | kitu | dalan | aggaw | bagu | sittam | anni | afi |
Yogad | tata | addu | tallu | appat | tolay | binalay | atu | daddaman | agaw | bagu | sikitam | gani | afuy |
Gaddang | antet | addwa | tallo | appat | tolay | balay | atu | dallan | aw | bawu | ikkanetam | sanenay | afuy |
Tboli | sotu | lewu | tlu | fat | tau | gunu | ohu | lan | kdaw | lomi | tekuy | tedu | ofih |
Malay | satu | dua | tiga[3] | empat | orang | rumah, balai |
anjing | jalan | hari | baru | kita | apa, anu |
api |
Lumang Habanes | esa, tunggal |
rwa, kalih |
tĕlu, tiga |
pat, sakawan[4] |
wwang | umah | asu | dalan | dina | hañar, añar[5] | kami[6] | apa, aparan |
apuy, agni |
Habanes | siji, setunggal |
loro, kalih |
tĕlu, tiga[7] |
papat, sekawan |
uwong, tiyang, priyantun[7] |
omah, griya, dalem[7] |
asu, sĕgawon |
dalan, gili[7] |
dina, dinten[7] |
anyar, énggal[7] |
awaké dhéwé, kula panjenengan[7] |
apa, punapa[7] |
gĕni, latu, brama[7] |
Sundanes | hiji | dua | tilu | opat | urang | imah | anjing | jalan | poe | anyar, enggal |
arurang | naon | seuneu |
Acehnes | sa | duwa | lhèë | peuët | ureuëng | rumoh, balèë |
asèë | ret | uroë | barô | (geu)tanyoë | peuë | apuy |
Minangkabau | ciek | duo | tigo | ampek | urang | rumah | anjiang | labuah, jalan |
hari | baru | awak | apo | api |
Lampung | sai | khua | telu | pak | jelema | lamban | kaci | ranlaya | khani | baru | kham | api | apui |
Bugines | sedi | dua | tellu | eppa | tau | bola | asu | lalen | esso | baru | idi | aga | api |
Temuano | satuk | duak | tigak | empat | uwang, eang |
gumah, umah |
anying, koyok |
jalan | aik, haik |
bahauk | kitak | apak | apik |
Bataknese | sada | dua | tolu | opat | halak | jabu | biang | dalan | ari | baru | hita | aha | api |
Kelantan-Pattani | so | duwo | tigo | pak | oghe | ghumoh, dumoh |
anjing | jale | aghi | baghu | kito | gapo | api |
Chamorro | håcha, maisa |
hugua | tulu | fatfat | taotao | guma | ga'lågu[8] | chålan | ha'åni | nuebu[9] | hita | håfa | guafi |
Motu | ta, tamona |
rua | toi | hani | tau | ruma | sisia | dala | dina | matamata | ita, ai |
dahaka | lahi |
Maori | tahi | rua | toru | wha | tangata | whare | kuri | ara | ra | hou | taua | aha | ahi |
Tubaluano | tasi | lua | tolu | fá | toko | fale | kuli | ala, tuu |
aso | fou | tāua | a | afi |
Hawayano | kahi | lua | kolu | hā | kanaka | hale | 'īlio | ala | ao | hou | kākou | aha | ahi |
Banjar | asa | duwa | talu | ampat | urang | rūmah | hadupan | heko | hǎri | hanyar | kami | apa | api |
Malgatse | isa | roa | telo | efatra | olona | trano | alika | lalana | andro | vaovao | isika | inona | afo |
Dusun | iso | duo | tolu | apat | tulun | walai, lamin |
tasu | ralan | tadau | wagu | tokou | onu/nu | tapui |
Kadazan | iso | duvo | tohu | apat | tuhun | hamin | tasu | lahan | tadau | vagu | tokou | onu, nunu |
tapui |
Rungus | iso | duvo | tolu, tolzu |
apat | tulun, tulzun |
valai, valzai |
tasu | dalan | tadau | vagu | tokou | nunu | tapui, apui |
Sungai/Tambanuo | ido | duo | tolu | opat | lobuw | waloi | asu | ralan | runat | wagu | toko | onu | apui |
Iban | satu, sa, siti, sigi |
dua | tiga | empat | orang, urang |
rumah | ukui, uduk |
jalai | hari | baru | kitai | nama | api |
Sarawak Malay | satu, sigek |
dua | tiga | empat | orang | rumah | asuk | jalan | ari | baru | kita | apa | api |
Terengganu | se | duwe | tige | pak | oghang | ghumoh, dumoh |
anjing | jalang | aghi | baghu | kite | mende, ape, gape, nape |
api |
Kanayatn | sa | dua | talu | ampat | urakng | rumah | asu' | jalatn | ari | baru | kami', diri' |
ahe | api |
{{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite conference}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite conference}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite web}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link).{{cite web}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite conference}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link){{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong); Unknown parameter |editors=
ignored (|editor=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite conference}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite conference}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong); Invalid |ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.