From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga wikang Uraliko ay isang pamilya ng wika na may 38[1] wika na sinasalita ng halos 25 milyong katao, nakararami sa Hilagang Eurasya. Ang mga wikang Uraliko na may pinakamaraming katutubong nagsasalita ay Unggaro, Pinlandes at Estonyo, habang kabilang sa mga iba pang makabuluhang wika ang Erzya, Moksha, Mari, Udmurt, Sami at Komi, na sinasalita sa mga hilagang rehiyon ng Eskandinabiya at Pederasyon ng Rusya.
Uraliko | |
---|---|
Distribusyong heograpiko: | Gitnang, Silangang, at Hilagang Europa, Hilagang Asya |
Klasipikasyong lingguwistiko: | Isa sa mga pangunahing pamilya ng wika sa mundo |
Proto-wika: | Proto-Uraliko |
Mga subdibisyon: |
Pines
Khanty
Mari
Mordibiniko
Permiko
Sami
Samoyedo
|
ISO 639-5: | urj |
Herograpikal na distribusyon ng mga wikang Uraliko |
Nanggagaling ang pangalang "Uraliko" mula sa orihinal na lupang tinubuan ng pamilya (Urheimat) na karaniwang hinihipotisang nasa may Bulubundukin ng Ural.
Paminsan-minsan, ginagamit ang Pino-Ugriko bilang singkahulugan ng Uraliko, ngunit malaganap na nauunawaan na hindi isinasama ang mga wikang Samoyedo sa Pino-Ugriko.[2] Maaaring tratuhin ang dalawang salita bilang magkasingkahulugan ng mga iskolar kung hindi nila tinatanggap ang tradisyonal na pagkaunawa na naghiwalay muna ang Samoyedo mula pamilyang Uraliko.
Kabilang sa mga iminungkahing lupang tinubuan ng wikang Proto-Uraliko ang:
Ang likas na palatandaang henetiko ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko ay haplogrupong N1c-Tat (Y-DNA). Nakahihigit ang N1b-P43 kaysa sa N1c sa mga taong Samoyedo.[6] Nagmula ang haplogrupong N sa hilagang bahagi ng Tsina noong 20,000–25,000 years BP[7] at kumalat sa hilagang Eurasia, mula Siberia patungo sa Hilagang Europa. Madalas nakikita ang subgrupong N1c1 sa mga taong di-Samoyedo, N1c2 naman sa mga taong Samoyedo. Bilang karagdagan, ang haplogrupong Z (mtDNA), na natatagpuan na may mababang dalas sa mga Saami, Pinlandes, at Siberyano, ay may kaugnayan sa pandarayuhan ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko.
Noong 2019, nasumpungan ng isang pagsusuri batay sa henetika, arkeolohiya, at lingguwistika na dumating ang mga nagsasalita ng Uraliko sa rehiyong Baltiko mula sa Silangan, lalo na mula sa Siberia, sa simula ng Panahon ng Bakal noong mga 2,500 taong nakalipas.[8]
Ang unang mapapaniwalang pagbanggit ng mga taong nagsasalita ng isang wikang Uraliko ay nasa Germania ni Tasito (s. 98 PK),[9] na nagbanggit sa mga Fenni (karaniwang binibigyang-kahulugan bilang tumutukoy sa mga Sami) at dalawa pang posible na tribong Uraliko na nakatira sa mga pinakamalayong bahagi ng Eskandinabiya. Marami pang mga posibleng naunang pagbanggit, kabilang dito ang Iyrcae (posibleng may kaugnayan sa Yugra) na inilarawan ni Herodoto na nakatira sa kung ano ngayon ang Europeong Rusya, at mga Budini, na inilarawan ni Herotodo bilang mga may mapulang-buhok (isang pagkakakilanlang katangian ng mga Udmurt) na nakatira sa hilagang Ukranya at/o mga katabing bahagi ng Rusya. Sa hulihan ng ika-15 dantaon, ibinigay-pansin ng mga Europeong iskolar ang pagkakahawig ng mga pangalang Hungaria at Yugria, ang mga pangalan ng mga pamayanan pasilangan ng Ural. Ipinalagay nila na may koneksyon ngunit hindi sila naghanap ng ebidensya sa lingguwistika.[10]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.