Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano (Ingles: British Indian Ocean Territory o BIOT) ay isang Britanikong Teritoryo sa Ibayong-dagat ng Reino Unido na matatagpuan sa Karagatang Indiyano na nangangalahati sa pagitan ng Tanzania at Indonesia. Binubuo ang teritoryo ng mga atol ng Kapuluang Chagos na may higit sa 1,000 indibiduwal na pulo – napakaliit ang karamihan – na nasa 60 kilometro kuwadrado (23 mi kuw) ang kabuuang sukat ng lupain.[2] Diego Garcia ang pinakamalaki at pinakatimog na pulo, nasa 27 km2 (10 mi kuw), ang lugar ng isang Pinagsamang Pasilidad ng Militar ng Reino Unido at Estados Unidos.[3]
Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano British Indian Ocean Territory | |||
---|---|---|---|
British overseas territories | |||
| |||
Awit: God Save the King | |||
Mga koordinado: 6°00′S 71°30′E | |||
Bansa | United Kingdom | ||
Lokasyon | British overseas territories, United Kingdom | ||
Kabisera | Camp Thunder Cove | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 60 km2 (20 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2018)[1] | |||
• Kabuuan | 3,000 | ||
• Kapal | 50/km2 (130/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles |
Ang tanging naninirahan dito ay mga kawani ng militar ng Estados Unidos at Reino Unido, at kaugnay na mga kontratista, na kolektibong bumibilang sa mga 3,000 (pigura noong 2018).[4] Nangyari ang puwersahang pagpapaalis sa mga Chagosiyano mula sa Kapuluang Chagos sa pagitan ng 1968 at 1973. Pinaalis ang mga Chagosiyano, na bumibilang noon ng mga 2,000 katao, ng pamahalaan ng Reino Unido at pinapunta sa Mauritius at Seychelles upang magtayo ng base militar. Nais pa rin na makabalik ng ipinatapon na mga Chagasiyano sa Kapuluang Chagos, at sinabing labag sa batas ang pagpapaalis sa kanila at pag-agaw ng karapatan sa pagkamay-ari, subalit paulit-ulit na tinanggihan ng pamahalaan ng Reino Unido na ibalik sa kanila ang karapatan.[5][6] Bawal sa pulo ang mga Chagosiyano, kaswal na mga turista, at ang midya.
Simula noong dekada 1980, hinangad ng Pamahalaan ng Mauritius na muling magkaroon ng kontrol sa Kapuluang Chagos, na nahiwalay mula sa noo'y Kolonyang Korona ng Mauritius ng Reino Unido noong 1965 upang buuin ang Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano. Isang pagpapayong opinyon noong Pebrero 2019 ng Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan ang nanawagan sa pagbibigay ng pulo sa Mauritius. Simula noon, naabot din ang kaparehong pasya ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa at ng Pandaigdigang Hukuman para sa Batas ng Karagatan.
Isang kapuluan ang teritoryo na may 55 pulo,[7] na ang pinakamalaki dito ay Diego Garcia, ang tanging pulo na may naninirahan at halos kalahati ng kabuuang sukat ng lupain (60 km2). Patag at mababa ang kalupaan, na may mga lugar na lumalabis sa 2 m (6 tal 7 pul) sa ibabaw ng antas ng dagat. Noong 2019, idineklara ang 545,000 kilometro kuwadrado (210,426 mi kuw) ng karagatan sa palibot ng mga pulo bilang isang reserbang pandagat.[8]
Binibigyan kahulugan ng Kautusang (Konstistusyon) Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano ang teritoryo na binubuo ng sumusunod ng mga pulo o pangkat nag mga pulo:
Sa pagkahiwatig sa itaas, kabilang din sa teritoryo ang Aldabra, Farquhar at Desroches sa pagitan ng 1965 at 1976; ang mga huling nabanggit na pangkat ng mga pulo ay matatagpuan sa hilaga ng Madagascar at sinama at binalik sa Seychelles.
Tropikong pandagat ang klima sa BIOT; mainit, mahalumigmig, at pinapahupa ng nagpapalitang hangin.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.