Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Melanesia o Melanesya ay isang rehiyon na matatagpuan sa timog ng Micronesia, kanluran ng Polynesia, hilagang-silangan ng Australya, at silangan ng Kapuluang Malay. Ito ay matatagpuan sa bandang timog-kanlurang bahagi ng Pasipiko. Ang mga pangunahing bahagi nito ay ang Isla ng Bagong Ginea, Bagong Kaledonya, Fiji, Kapuluang Solomon, Kapuluan sa Kipot ng Torres sa Australya at Vanuatu. Ang rehiyon ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Singsing na Apoy ng Pasipiko.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Etimolohiya | Antiguong Griyegong "μέλας" (mélas) at "νήσος" (nísos) |
---|---|
Heograpiya | |
Arkipelago | Melanesia Kapuluang Solomon Kapuluang Bismarck Vanuatu Kapuluang Louisiade Kapuluang Trobriand Kapuluang D'entrecasteaux Kapuluang Admiralty Grupong Viti Levu Kapuluang Loyalty |
Katabing anyong tubig | Kipot ng Torres Dagat Arafura Look ng Cenderawasih Dagat Bismarck Dagat Solomon Karagatang Pasipiko |
Pangkalahatang pulo | Bagong Ginea Bagong Britanya Grande Terre Bagong Ireland Isla ng Bougainville Guadalcanal Malaita Santa Isabel Viti Levu Vanua Levu Espiritu Santo Malekula |
Sukat | 386,000 mi kuw (1,000,000 km2)[1] |
Pinakamataas na punto | Puncak Jaya (16,024ft.) |
Papua New Guinea | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port Moresby (pop. 364,145 (2011)[2]) |
Nasasakupan | 462,840 km2 (178,704 mi kuw) |
Kapuluang Solomon | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Honiara (pop. 84,520 (2017)[3]) |
Nasasakupan | 28,896 km2 (11,156.8 mi kuw) |
Fiji | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Suva (pop. 93,970 (2017)[4]) |
Nasasakupan | 18,274 km2 (7,055.6 mi kuw) |
Vanuatu | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Port Vila (pop. 49,034 (2020)[5]) |
Nasasakupan | 12,189 km2 (4,706.2 mi kuw) |
Kanlurang Papua, Indonesya | |
Pinakamalaking paninirahan | Jayapura (pop. 303,760 (2020)[6]) |
Nasasakupan | 412,215 km2 (159,157.1 mi kuw) |
Bagong Kaledonya (Teritoryo ng Pransiya) | |
Kabisera at pinakamalaking commune | Nouméa (pop. 94,285 (2019)[7]) |
Nasasakupan | 18,576 km2 (7,172.2 mi kuw) |
Demograpiya | |
Hentilisiyo | Melanesyan Melanesyano |
Populasyon | 17,396,848 (2020)[8][kailangan ng sanggunian] |
Densidad ng pop. | 17.4 /km2 (45.1 /mi kuw) |
Mga wika | Mga Pambansang Wika: Papuan Malay Tok Pisin Hiri Motu Bislama Fijian Mga Pandayuhang Wika: Ingles Pranses Hindi |
Mga pangkat etniko | Mga Pangkat-Etniko ng Bagong Ginea (listahan) Melanesyano Ni-Vanuatu Fijian Kanak |
Karagdagang impormasyon | |
Sona ng oras |
|
ISO 3166 | QX[9] |
Ang mga unang tao sa Melanesya ay Asyatiko.[10] Ang unang paglapag ng mga tao sa rehiyon ay noong 50,000 hanggang 60,000 taong nakalipas, sa isla ng Bagong Ginea.[11] Ang mga unang taong nanirahan doon ay mga Papuan.[12] Sumunod na nakarating ang mga tao sa Kapuluang Solomon mula sa Isla ng Bismarck, mahigit 30000 BC hanggang 28000 BC ng mga taong Papuan.[13] Noong mahigit 1600 BC, nakaabot sa Bagong Kaledonya ng mga taong Lapita.[14] Noong mahigit 1500 BC ay dumating sila sa Vanuatu[15] at Fiji, pareho ng mga taong Lapita.[16]
Ang rehiyong ito ay naglalaman ng isa sa pinakamalaking natitirang rainforest na lugar sa mundo sa bansang Papua Bagong Ginea.[17] Naglalaman ito ng 2000 isla, kasama na ang pinakamalaking isla sa rehiyon, ang Bagong Ginea, na itinuturing bilang ikalawa sa pinakamalaking isla sa buong mundo, na pinapangunahan ng Greenland.[18]
Ang pangalang Melanesya ay nagmula sa salitang Antiguong Griyegong μέλας (mélas) na nagmula sa Proto-Helenikong salita na *mélās na ang ibig-sabihin ay "itim", at νῆσος (nísos) na ang ibig-sabihin naman ay "isla", na nangangahulugang "mga isla ng itim [na mga tao]",[19] bilang pantukoy sa maitim na balat ng mga naninirahang tao rito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.