nagsasalita ng mga wikang Awstronesyo From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Awstronesyo ay isang pangkat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya, Oseaniya at Madagaskar, na nagsasalita o may mga ninunong nagsasalita ng isa sa mga wikang Awstronesyo.
Kabuuang populasyon | |
---|---|
c. 400 milyon | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Indonesia | c. 260.6 milyon (2016)[1] |
Philippines | c. 109.3 milyon (2020)[2] |
Madagascar | c. 24 milyon (2016)[3] |
Malaysia | c. 19.2 milyon (2017)[4] |
Thailand | c. 1.9 milyon[5] |
Papua New Guinea | c. 1.3 milyon[kailangan ng sanggunian] |
East Timor | c. 1.2 milyon (2015)[6] |
New Zealand | c. 855,000 (2006)[7][8][9] |
Singapore | c. 576,300[10] |
Taiwan | c. 575,067 (2020)[11] |
Solomon Islands | c. 478,000 (2005)[kailangan ng sanggunian] |
Fiji | c. 456,000 (2005)[12] |
Brunei | c. 450,000 (2006)[13] |
Vanuatu | c. 272,000 [14][15] |
Cambodia | c. 249,000 (2011)[16] |
French Polynesia | c. 230,000 (2017)[17][18] |
Samoa | c. 195,000 (2016)[19] |
Vietnam | c. 162,000 (2009)[20] |
Guam | c. 150,000 (2010)[21] |
Hawaii | c. 140,652–401,162[22] (depending on definition) |
Kiribati | c. 119,940 (2020)[23] |
New Caledonia | c. 106,000 (2019)[24][25] |
Federated States of Micronesia | c. 102,000 [14][15][26] |
Tonga | c. 100,000 (2016)[27] |
Suriname | c. 93,000 (2017)[28] |
Marshall Islands | c. 72,000 (2015)[29] |
American Samoa | c. 55,000 (2010)[30] |
Sri Lanka | c. 40,189 (2012)[31] |
Australia (Torres Strait Islands) | c. 38,700 (2016)[32] |
Myanmar | c. 31,600 (2019)[33][34] |
Northern Mariana Islands | c. 19,000[35] |
Palau | c. 16,500 (2011) [14][15][36] |
Wallis and Futuna | c. 11,600 (2018)[37] |
Nauru | c. 11,200 (2011)[38] |
Tuvalu | c. 11,200 (2012)[39][40] |
Cook Islands | c. 9,300 (2010)[41] |
Padron:Country data Easter Island (Rapa Nui) | c. 2,290 (2002)[42] |
Niue | c.
1,937 [14][15] |
Wika | |
Mga wikang Austronesyo | |
Relihiyon | |
Iba't ibang mga relihiyon |
Sa iba't ibang mga yugto ng kasaysayan, iba-iba ang mga naging tawag sa mga Awstronesyo, dalawa na dito ang Malay at Indiyo.
Noong taong 1775 sa kanyang disertasyon sa pagkapantas na may pamagat na De generi humani varietate nativa (Sa likas na uri ng sangkatauhan), nag-ulat ng apat na pangunahing lahi sa pagamit ng kulay ng balat ang antropologong si Johann Friedrich Blumenbach. Kasama rito ang Caucasiano (puti), Etyopya (itim), Amerikano (pula), at ang Monggol (dilaw).
Nang dumating ang 1795, nagdagdag si Blumenbach ng isa pang lahi na tinatawag na Malay na siya ay itinuturing na isang subcategory ng parehong mga taga-Etyopya at Monggoloyd. Ang mga taong may "kulay kayumanggi na may balat na mapusyaw na katulad ng kamagong hanggang sa kulay ng madilim na clavo de comer o kulay kapeng kastanyas." Pinalawak ni Blumenbach ang katagang "Malay" kasama ang mga naninirahan sa Marianas, Pilipinas, Maluku, Sunda gayundin ang mga naninirahan sa mga pulo ng Pasipiko tulad ng mga taga-Tahiti. Kanyang ipinalagay sa natanggap niyang bungo ng isang taga-Tahiti ang nawawalang karugtong na nagpapakita ng transisyon sa pagitan ng "pangunahing" lahi, ang Caucasiano, at ng "pinanggalingang" lahi, ang lahing itim.
Mula kay Blumenbach, maraming nagpabulaan na mga antropologo sa hinuha ng limang lahi dahil sa malaking komplikasyon sa pag-uuri ng lahi. Ang maling kaisipang ito ay mula, sa isang dako, kay H. Otley Beyer, isang antropologong Amerikano sa Pilipinas na nagmungkahi na ang mga Pilipino ay mga Malay na dumayo mula sa Malaysia at Indonesia. Ang kaisipang ito ay pinalawig ng mga Pilipinong manunulat sa kasaysayan at na kasalukuyan pa ring itinuturo sa mga paaralan sa Pilipinas at Singgapur.[43] Alalaumbaga, ang kasalukuyang pabago-bagong konsensus ng mga kontemporaneong antropologo, arkeologo, at lingguwista ay nagmumungkahi ng kabaliktaran nito; kasama rito ay mga iskolar sa larangan ng pag-aaral ng Austrones tulad nina Peter Bellwood, Robert Blust, Malcolm Ross, Andrew Pawley, at Lawrence Reid.
Ang bagong kaisipan (Bellwood atbp) ay ang Awstronesyo ay nagmula ng Taiwan noong 4000 BCE at kumalat sa Pasipiko. Ang orihinal na wika ay Proto-Awstronesyo o PAN. Sa bagong antropolohiya, ang Awstronesyo ay resulta ng paghalohalo ng mga Monggoloyd at mga Awstraloyd (na iba sa Negroyd). Ang mga Awstraloyd ay nanggaling din sa Aprika at sinakop nila ang Awstralya nang mga 60 000 taong nakalipas na. Ibang rasa ng tao ang Awstraloyd sa Negroyd sa Aprika. Ang Monggoloyd ay Asyano at ang Kawkasoyd naman ay taga-Europa.
Ang kaisipan ng Hapones na si Dr. Akazawa Takeru ay may dalawa lamang bersiyon ng Monggoloyd, ang Paleo-Monggoloyd at ang Neo-Monggoloyd. Ang mga Neo-Monggoloyd ay mga Intsik, Buryat, Eskimo, Chukchi, atbp. Ang mga Paleo-Mongggoloyd ay mga Burmes, Pilipino, Polinesyano, Jōmon, Amerindiyo, atbp. Ang Awstronesyo nga ay klasipikadong Paleo-Monggoloyd. Kung minsan, ang tawag sa Awstronesyo ay Monggoloyd-Timog.
Noong panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, ang mga Awstronesyo ay tinawag na mga Indiyo (Kastila: indio).
Matatagpuan ang mga Awstronesyo sa Bruney, Indonesya, Malaysia, Pilipinas at Silangang Timor, kung saan ang iba't ibang mga pangkat etniko nito ang mayorya. Matatagpuan din ang mga Awstronesyo sa Cambodia, Singgapur, Sri Lanka, Thailand at Timog Aprika, kung saan sila ay mga menorya.
Malaking bahagi ng mga Awstronesyo ang mga magkakaugnay na grupo na naninirahan sa Timog-silangang Asya (hindi kasama ang mga Negrito). Kasama rito ang mga Aceh, Minangkabau, Batak at Mandailing na naninirahan sa Sumatra, Java; at Sunda sa Java; mga Banjar, Iban, Kadazan at Melanau sa Borneo; mga Bugi at Toraja ng Sulawesi; ang mga pangunahing etnikong grupo sa Pilipinas tulad ng mga Tagalog, Ilocano at Ifugao ng Luzon, mga Bisaya sa gitna at timog-silangan ng Pilipinas at sa Borneo, ang mga Maguindanao, Tausug at Bajau ng Mindanaw at ng kapuluang Sulu; at mga mamayan ng Silangang Timor (hindi kasama ang matandang katutubong Papuano.)
Ang iba pang grupo na isinasama bilang mga Awstronesyo, ngunit naninirahan sa labas ng maritimong Timog-silangang Asya, ay ang mga Cham ng Cambodia at Vietnam at mga Utsul na naninirahan sa pulo ng Hainan ito ay maliit na bilang lamang. Ang mga Awstronesyo ay matatagpuan ngayon sa Sri Lanka, Timog Aprika (ang Cape Malays) at Madagascar. Sa Madagascar, Merina ang tawag sa kanila at isa sa pangunahing etnikong grupo sa bansang ito.
Sa Suriname, na isang maliit na bansa sa Caribe sa hilagang-silangang pasigan ng Timog Amerika, ay may malaking bilang ng mga Awstronesyo na mga inapo ng manggawang Javanes na nandayuhan nitong mga kamakailan.
Sa Singapore, menorya ang mga Awstronesyo dahilang karamihan ng kanyang pamayanan ay binubuo ng mga mandarayuhang Han at Tamil na dumating kamakailan at mga inapo nito. Gayundin, kahit hindi teknikal na bahagi ng maritimong Timog-silangang Asya, ang katimugang bahagi ng Thailand – ang rehiyong Pattani – ay pinamamayanan din ng mga Awstronesyo. Ito ang mga inapo ng mandarayuhan mula sa karatig ng maritimong Timog-silangang Asya na nang lumaon ay nagpundar sa kaharian ng Pattani, isa sa maraming sultanang musulmano na itinatag noong panahon ng pagpapalawak ng Islam sa Timog Silangang Asya.
Ang mga wikang Awstronesyo ang sinasalita ng mga ito. Kasama ng malaking pamilya ng mga wikang ito ang lahat ng katutubong wika ng mga Awstronesyo sa buong Timog-silangang Asya kasama rito ang Malayo, Filipino at lahat ng katutubong wika ng Pilipinas, Tetum (Silangang Timorese), at ang wikang Malgatse ng Madagaskar. Ang mga ebidensiya ay nagpapahiwatig rin na ang mga Polines at Mikrones ay maaring nagmula—sa isang dako—sa mga ninunong mandaragat na nagmula sa palibot na mga Awstronesyo kasama ang mga Melanes.
Ang malalayong kasapi ng malaking pamilya ng mga wika na nasa sangang Polines ay ang mga wikang ginagamit ng mga Polines tulad ng Samoano, Hawayano, Rapanui at Maori ng New Zealand.
Sa pananampalataya, karamihan ng mga Awstronesyo ay naging Musulmana mula sa Hinduismo, Budismo at animismo noong unang bahagi ng siglo 15; sila ay naimpluwensiyahan na mga mandaragat na Arabe, Tsino at Muslim mula sa India noong Ginintuang Panahong Islamika. Ang Musulmana ang dominanteng grupo ng relihiyon ngayon ng mga Awstronesyo ng Indonesia, Malaysia, Brunei at Singapore. Ang kanilang pagiging Muslim mula Hinduismo at Budhismong Theravada ay nagsimula noong mga taong 1400 na malaking naimpluwensiyahan ng desisyon ng maharlikang korte ng Malaka. Karamihan ng Awstronesyo ng Thailand, Timog Aprika, Sri Lanka at Suriname ay mga Muslim din bilang inapo ng mga nabinyagang mga Muslim ng Malaysia, Indonesia, atbp.
Ang mga imaheng ginto ni Garuda, ang sarimanok sa tuktok ng Vishnu, ay nasumpungan sa Palawan sa Pilipinas. Isang gintong may pigurang diyosa ng Hindu-Malay na 4 libra at 1 piyeng taas ang ngayon ay nanahan sa Field Museum ay natuklasan pulo ng Mindanao sa Pilipinas noong 1917. Dahilang ipinagbabawal sa Islam ang mga imahen at rebulto, nagpapakita na ang mga rebultong ito umiinog na sa Mindanao bago pa man dumating ang Islam. Maraming mga Awstronesyo ng Mindanao ay Muslim din ngunit sinasabing ika-23 at huling grupo ng alon ng madarahuyuhan na dumating sa Pilipinas mula sa katimugan.
Sa Pilipinas bunga ng pagsakop ng mga Kastila nang mahigit tatlong siglo, ang Islam ay hindi nangingibabaw. Karamihan ng kasalukuang Pilipino (alin man ang sub-grupong Awstronesyo) ay Kristiyano na karamihan ay Katoliko Romano. Gayunman, may malaking bilang ng Pilipino sa timoging pulo ng Mindanao at kapuluang Sulu ay Muslim ang nakibaka sa pananakop ng Espanya at magpasahanggang ngayon ay nakikibaka sa pamahalaang Pilipino.
Katulad ng mga Awstronesyo ng Pilipinas, ang Awstronesyo ng Silangang Timor ay mga Kristiyano rin bunga mga pananakop ng kolonisador na Portuges. Ang dalawang bansang ito ay minamayoriya ng mga Kristiyano sa Timog-silangang Asya.
Hinduismo ang nangingibabaw na relihiyon sa pulo ng Bali. Ang mga maliliit na pulo sa maritimong Timog-silangang Asya na nakaiwas sa pagkalat ng Islam at sa pagsikat ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng pananakop ng mga Europeo ay naniniwala sa animismo. Mayroon ding nanampalataya kay Buddha.
Ang tinatawag na Greater Malayan Confederation,[44] o Mapilindo, ay isang iminungkahing kompederasyong Awstronesyo (gamit ang makalumang katawagan na Malay) ng Indonesya, Malaysia at Pilipinas. Ito ang ipinangarap ni dating-Pangulong Diosdado Macapagal na pagsasatotoo ng pinagsamang idea nina José Rizal, Mabini, Vinzons, at Manuel L. Quezón ng iisang poskolonyal na estado para sa mga Awstronesyo ng Timog-silangang Asya. Hindi natuloy ang proyektong ito nang dahil sa sumiklab na Konfrontasi sa pagitan ng Indonesya at Malaysia, ngunit ito ang pinagmulan ng mas malawak na organisasyon ng mga bansa sa rehiyon—ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.