From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Malaysia o Malasya (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 330 803 kilometro kuwadrado.[3][9] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon.[10] Ang bansa ay nahahati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[10] Kahangganan ng Malaysia ang mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at Pilipinas.[10] Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[10] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[11][12] Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parlamentaryo ng Westminster.[13]
Malasya Malaysia (Malay)
| |
---|---|
Salawikain: Bersekutu Bertambah Mutu "Ang Pagkakaisa ay Lakas" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Kuala Lumpur[fn 1] 3°8′N 101°41′E |
Punong-lungsod | Putrajaya[fn 2] 2°56′N 101°42′E |
Wikang opisyal | Malay |
Katawagan | Malasyano |
Pamahalaan | Federal parliamentary konstitusyonal elective monarchy |
Ibrahim Iskandar ng Johor | |
• Punong Ministro | Anwar Ibrahim |
• Pangulo ng Dewan Negara | no value |
• Tagapagsalita ng Dewan Rakyat | Johari Abdul |
• Punong Mahistrado | Tengku Maimun Tuan Mat |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Dewan Negara (Senado) |
• Mababang Kapulungan | Dewan Rakyat ( Kapulungan ng mga Kinatawan) |
Kalayaan mula sa Britanya | |
• Federasyon ng Malaya | 31 Agosto 1957[1] |
• Sariling-pamamahala ng Sarawak | 22 Hulyo 1963 |
• Sariling-pamamahala ng Hilagang Borneo | 31 Agosto 1963[2] |
• Proklamasyon ng Malaysia | 16 Setyembre 1963 |
Lawak | |
• Kabuuan | 330,803[3] km2 (127,724 mi kuw) (67th) |
• Katubigan (%) | 0.3 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2024 | 34,564,810[4] (43rd) |
• Senso ng 2020 | 32,447,385[5] |
• Densidad | 101/km2 (261.6/mi kuw) (116th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.225 trillion[6] (31st) |
• Bawat kapita | $37,082[6] (55th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $430.895 billion[6] (36th) |
• Bawat kapita | $13,034[6] (67th) |
Gini (2018) | 41.2[7] katamtaman |
TKP (2021) | 0.803[8] napakataas · 62nd |
Salapi | Malaysian ringgit (MYR) |
Sona ng oras | UTC+8 (MST) |
Ayos ng petsa | dd-mm-yyyy |
Gilid ng pagmamaneho | left |
Kodigong pantelepono | +60 |
Internet TLD | .my |
Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas.[14] Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito.[15] Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.
Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.[16]
Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.
Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapura, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[17] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[18] Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[19] Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[20]
Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Sabah, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).
Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[21] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[21]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".
Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8% [21]. Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.
Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2020, humigit-kumulang na 63.5 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 18.7 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.1 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[22] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[22]
Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[23] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[24][25] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.