Ang 2021 (MMXXI) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Biyernes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2021 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Taon at Anno Domini (AD), ang ika-21 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-21 taon ng ika-21 dantaon, at ika-2 taon ng dekada 2020.
Tinakda sa 2021 ang mga pangunahing pangyayari na orihinal na itinakda para sa 2020, kabilang ang Wakas ng Liga ng mga Bansa ng CONCACAF ng 2020, Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision, UEFA Euro 2020, Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020, 2021 Copa América at Expo 2020, sa mga kaganapan na ipinagpaliban o kinansela dahil sa pandemya ng COVID-19.[1]
Idineklera ng Mga Nagkakaisang Bansa ang 2021 bilang Internasyunal na Taon ng Kapayapaan at Tiwala,[2] ang Internasyunal na Taon ng Malikhaing Ekonomiya para sa Napapanatiling Pag-unlad,[3] ang Internasyunal na Taon ng mga Prutas at Gulay,[4] at ang Internasyunal na Taon para sa Pagtanggal ng Paggawa ng Bata.[5] Iproneklema ng Simbahang Katoliko ang 2021 bilang Taon ni San Jose.[6]
Enero
- Enero 6 – Inatake ng mga tagasuporta ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump ang Kapitolyo ng Estados Unidos, na ginambala ang sertipikasyon ng pampanguluhang halalan ng 2020 at pinuwersa na ilikas ang Kongreso. Limang tao ang namatay noong panahon ng kaguluhan, kabilang ang isang opisyal na pulis at isang babae na binaril at pinatay sa loob ng gusali ng Kapitolyo.[7] Nauri ang kaganapan bilang isang domestikong terorismo pag-atake at nagdulot ng internasyunal na pagkondena.[8]
- Enero 10 – Nahalal si Kim Jong-un bilang Pangkalahatang Kalihim ng namamayaning Partidong Manggagawa ng Korea, na minana ang titulo mula sa kanyang yumaong ama na si Kim Jong-il, na namatay noong 2011.[9]
- Enero 15
- Hinalal ng Partidong Rebolusyonaryong Bayan ng Laos si Thongloun Sisoulith bilang bago nitong Pangkalahatang Kalihim, na pinalitan ang nagretirong hepe na si Bounnhang Vorachith. Nahalal si Sisoulith para sa isang limang-taon na termino bilang pinakamataas na pinuno ng Laos.[10]
- Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa 2 milyon sa buong mundo.[11]
- Enero 20 – Pinasinayaan si Joe Biden bilang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos, na naging pinakamatandang indibiduwal na nahalal sa pagkapangulo.[12]
- Enero 26 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 100 milyon sa buong mundo.[13]
Pebrero
- Pebrero 1
- Pebrero 19 – Opisyal na muling sumali ang Estados Unidos sa Kasunduang Paris, 107 araw pagkatapos umalis ito.[18]
- Pebrero 22 – Pandemya ng COVID-19: Ang Estados Unidos ay ang unang bansa na nagtala ng higit sa 500,000 kamatayan mula sa bayrus.[19]
Mayo
- Mayo 23 – Ang pungus sa India ay idineklara ng epidemya sa bansa dahil sa pagkalat at naglalabasang baryanteng kulay, 219 na ang naitalang nasawi sa fungal inpeksyon.
Hulyo
- Hulyo 7 – Pagpatay kay Jovenel Moïse: Ang Pangulo ng Hayti na si Jovenel Moïse ay binaril at binawian ng buhay sa oras na 1:00 ng umaga sa kanyang tahanan. Ang kanyang asawa na si Martine Moïse ay nasugatan at naospital.[32]
Oktubre
- Oktubre 1 – Nagpaalam ang beteranong tagapag-ulat ng balita na si Natalie Morales magpapaalam sa programang Today Show ng NBC sa halos na 22 taon.