From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ika-20 dantaon ay simula sa Enero 1, 1901[1] hanggang Disyembre 31, 2000.[2] Ito ang ikasampu at huling siglo ng ika-2 milenyo. Hindi tulad ng karamihan ng mga taon ng siglo, taong bisyesto ang taong 2000 at ang sumunod na taong bisyesto na siglo sa kalendaryong Gregoryano pagkatapos ng taong 1600.
Milenyo: | ika-2 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 1900 dekada 1910 dekada 1920 dekada 1930 dekada 1940 dekada 1950 dekada 1960 dekada 1970 dekada 1980 dekada 1990 |
Pumaibabaw sa ika-20 dantaon ang isang kade-kadenang mga kaganapan na naggiit sa mga mahahalagang pagbabago sa kasaysayan ng mundo na nadulot sa muling pagbibigay kahulugan ng panahon na ito: ang pandemya ng Kastilang trangkaso, Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, enerhiyang nukleyar at panggagalugad sa kalawakan, nasyonalismo at dekolonisasayon, ang mga hidwaang Digmaang Malamig at pagkatapos ng Digmaang Malamig; mga organisasyong intergubernamental at homogenisasyong pangkalinangan sa pamamagitan ng pag-usad sa lumilitaw na nga teknolohiyang transportasyon at komunikasyon, pagbawas ng kahirapan at paglago ng populasyon ng mundo, kamalayan sa pagkasira ng kalikasan, pagkalipol na pang-ekolohiya;[3][4] at ang pagsilang ng Rebolusyong Digital, na pinapaandar sa pamamagitan ng malawak na adopsyon ng mga MOS transistor at integrated circuit. Nakita din sa daangtaon na ito ang mga pag-unlad sa paglikha ng kuryente, komunikasyon at teknolohiyang pang-medisina na pinahintulot noong huling bahagi ng dekada 1980 ang paglikha ng Internet at henetikong pagbabago ng buhay.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.