Apple Inc.
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Apple Inc. (NASDAQ: AAPL) ay isang Amerikanong korporasyong multinasyunal na nakatuon sa pagbalangkas at paggawa ng mga elektronikong pang-konsyumer at produktong software na may kaugnayan dito. Itinatag nila Steve Jobs, Steve Wozniak, at Ronald Wayne ang kompanya sa Cupertino, California noong 1 Abril 1976.[1] Ginawa itong isang inkorporasyon noong 3 Enero 1977 bilang Apple Computer, Inc.[2]
Uri | Pampubliko (NASDAQ: AAPL) |
---|---|
Industriya | Computer hardware Computer software Consumer electronics Digital distribution |
Itinatag | Cupertino, California, Estados Unidos (1 Abril 1976 ) |
Mga tagapagtatag | Steve Jobs Steve Wozniak Ronald Wayne |
Punong tanggapan | Apple Park, One Apple Park Way, Cupertino, California, Estados Unidos |
Mga lugar na pinaglilingkuran | Buong mundo |
Mga pangunahing tao | Arthur D. Levinson Tim Cook |
Websayt | apple.com |
Gumagawa ang Apple ng mga hardware kagaya ng iPhone na cellphone, iPad na tablet na kompyuter, Macintosh na personal na kompyuter, Apple Watch na smartwatch, iPod na portable media player, AirPods na wireless earphones, at ang HomePod na smart speaker. Kabilang sa mga produktong software ng kompanya ang macOS, iOS, iPadOS, watchOS, at tvOS na mga operating system, ang iTunes na media player, Safari na web browser, Shazam na kinikilala ang mga kanta at musika, at ang iLife at iWork suites, pati rin ang mga propesyonal na aplikasyon katulad ng Final Cut Pro at Logic Pro. Kabilang naman sa mga serbisyo ng Apple ang iTunes Store, App Store, Apple Store, AppleCare at Genius Bar, Apple Pay, Apple Pay Cash, Apple Card, Apple Arcade, Apple Music, Apple TV+, Apple Fitness+, iMessage, at iCloud.
Ang Apple ay ang pinakamalaking kompanya ng teknolohiya sa mundo sa tuntunin ng kita at isa sa mga pinakamahalagang kumpanya sa buong mundo.[3] Sila din ang pangatlong pinakamalaking tagagawa ng mga cellphone pagkatapos ng Huawei at Samsung.[4]
Ang Macintosh ay isang pamilya ng mga personal na kompyuter na dinidesenyo, ginagawa, at binebenta ng Apple simula pa noong Enero 1984.[5]
Mga Macintosh na ginagawa:
Ang iPhone ay isang linya ng mga teleponong selular na dinedesenyo ng Apple Inc. Ginagamit nito ang iOS na operating system. Unang ipinakilala ng dating CEO ng Apple na si Steve Jobs ang iPhone noong Enero 2007.[6] Simula noon, mayroon nang labing-apat na henerasyon ng iPhone. Naglalabas ang Apple ng mga bagong iPhone taun-taon.
Ang mga kasalukuyang iPhone ay ang iPhone SE (pangalawang henerasyon), iPhone XR, iPhone 11, iPhone 12 at 12 Mini, at iPhone 12 Pro at 12 Pro Max.
Ang iPad ay isang pamilya ng mga tablet na kompyuter na binebenta at ginagawa ng Apple. Inilabas ng kompanya ang unang iPad noong 27 Enero 2010.[7]
Sa kasulukuyan, may apat na linya ng iPad: iPad, iPad Mini, iPad Air, at iPad Pro.[8]
Ang Apple Watch ay isang linya ng mga smartwatch na ginagawa at dinedesenyo ng Apple. Ang unang henerasyon ng Apple Watch ay ipinakita noong Setyembre 2014 at inilabas noong Abril 2015.[9][10][11] Simula noon, naglabas na ang Apple ng anim na henerasyon ng Apple Watch. Ang Apple Watch Series 6 ang pinakabagong bersyon nito.
Kasabay ng pag-labas ng Apple Watch Series 6 ay ang introduksyon ng isang mas mababang modelo, ang Apple Watch SE.[12]
Ang Apple TV ay isang digital na media player na binibenta ng Apple. Maaari itong tumanggap ng datos katulad ng mga bidyo, larawan, at mga larong bidyo, at i-play ang mga ito.[13][14]
Ang Apple TV+ ay isang suskripsyon para sa panonood ng mga palabas na mula sa Apple nang walang mga talastas.[15]
Bumubuo ang Apple ng mga operating system para sa kanilang mga device. Ilang halimbawa nito ang macOS para sa Macintosh,[16] iOS para sa iPhone at iPod Touch,[17] iPadOS para sa iPad, watchOS para sa Apple Watch,[18] at tvOS para sa Apple TV.[19]
Sa macOS at iOS, gumagawa din ang Apple ng mga software para sa mga ito kagaya ng Pages sa pagsusulat, Numbers para sa paggawa ng mga spreadsheet, at Keynote para sa paggawa ng mga presentasyon bilang parte ng isang productivity suite, ang iWork.[20] Bukod dito, mayroon din na mga software kagaya ng Final Cut Pro at iMovie para sa pag-edit ng mga bidyo,[21] at Logic Pro at Garageband para sa paggawa ng musika.[22]
Nag-aalok din ang Apple ng maraming serbisyo na umaakma sa kanilang hardware at software. Kabilang dito ang Apple Music para sa pag-stream ng mga kanta, Apple TV+, Apple Arcade, isang serbisyong suskripsyon para sa mga larong bidyo, Apple Fitness+ para sa pag-stream ng mga bidyo na may gabay na pag-eehersisyo, at iCloud, isang cloud-based file storage system. Kasama pa sa mga serbisyong online nito ang iTunes Store, App Store, Apple News+, Apple One, Shazam, at iMessage.[23][24][25] Kabilang sa iba pang mga serbisyo ng Apple ang AppleCare, Genius Bar, Apple Store, Apple Pay, Apple Pay Cash, at Apple Card.[26][27][28]
Ang iPod ay isang linya ng mga nabibitbit na media player na dinisenyo at ibinebenta ng Apple Inc. Sa kasalukuyan, ang iPod Touch na lamang ang maaaring mabili; ang iPod Classic, iPod Nano, at iPod Shuffle ay hindi na ibinebenta ng Apple simula 2017.[29]
Ang AirPods[30] ay isang linya ng mga wireless na Bluetooth earphones. May tatlong uri ng AirPods; ang regular na AirPods, ang AirPods Pro, at ang over-ear headphones na AirPods Max.
Ang HomePod ay ang smart speaker ng Apple na inilabas noong 2018.[31] Ito ay dinesenyo ng Apple na kaugnay ng Apple Music. Kinokontrol ito gamit ng Siri na virtual assistant. Bukod sa HomePod, inilabas ng Apple ang HomePod Mini, isang mas maliit na bersyon ng HomePod, noong 2020.[32]
Nagbebenta ang Apple ng mga aksesorya para sa kanilang mga produkto. Sa iPad, gumagawa ang Apple ng Smart Cover, Smart Keyboard, Smart Keyboard Folio, Magic Keyboard for iPad, Apple Pencil, at marami pang iba.[33][34] Para naman sa Macintosh, mayroong Pro Display XDR, Magic Keyboard, Magic Trackpad, Magic Mouse, at iba pa.[35] Nagbebenta din ang Apple ng mga aksesorya para sa iPhone katulad ng mga smartphone case at iba pa.
Mabibili din sa Apple ang mga charger, adapter, at iba pang mga aksesorya na first-party.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.