Herusalem
makasaysayang lungsod sa Gitnang Silangan From Wikipedia, the free encyclopedia
makasaysayang lungsod sa Gitnang Silangan From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay. Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong Abraamiko—Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.[9]
Herusalem | |||
---|---|---|---|
Lungsod | |||
Mula sa itaas-kaliwa: Tanawin ng Herusalem mula sa Monasteryong Mar Elias, isang souq sa Sinaunang Lungsod, Liwasang Mamilla, ang Knesset, ang Simboryo ng Bato, ang kuta (kilala bilang Torre ni David) at ang mga Sinaunang Pader, at ang Pader sa Kanluran. | |||
| |||
Palayaw: Ir ha-Kodesh (Ang Banal na Lungsod), Bayt al-Maqdis (Tahanan ng Kabanal-banalan) | |||
Mga koordinado: 31°47′N 35°13′E | |||
Pinangangasiwaan ng | Israel | ||
Inaangkin ng | Israel and Palestina[note 1] | ||
Distrito ng Israel | Padron:Country data Jerusalem District | ||
Gobernador ng mga Palisteo | Herusalem | ||
Bukal ng Gihon | 3000-2800 BCE | ||
Lungsod ni David | c. 1000 BCE | ||
Ginawa ang kasalukuyang pader ng Sinaunang Lungsod | 1541 | ||
Hating Silangan-Kanluran ng Herusalem | 1948 | ||
Pagkakaisa | 1967 | ||
Batas Herusalem | 1980 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Alkalde-Konseho | ||
• Konseho | Munisipalidad ng Herusalem | ||
• Alkaldeng Israeli | Moshe Lion (Likud) | ||
• Alkaldeng Palesteo (Silangan) | Zaki al-Ghul (titulo lamang) | ||
Lawak | |||
• Lungsod | 125,156 dunams (125.156 km2 or 48.323 milya kuwadrado) | ||
• Metro | 652,000 dunams (652 km2 or 252 milya kuwadrado) | ||
Taas | 754 m (2,474 tal) | ||
Populasyon (2015)[5] | |||
• Lungsod | 865,721 | ||
• Kapal | 6,900/km2 (18,000/milya kuwadrado) | ||
• Metro | 1,253,900 | ||
mga demonym | Jerusalemite (Yerushalmi) Qudsi/Maqdisi | ||
Demograpiko (2016) | |||
• Mga Hudyo | 64% | ||
• Mga Arabo | 35% | ||
• iba pa | 1% | ||
Sona ng oras | UTC+02:00 (IST, PST) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+03:00 (IDT, PDT) | ||
Kodigong koreo | 9XXXXXX | ||
Kodigong pantawag | +972-2 | ||
HDI (2017) | 0.704[8] – mataas | ||
Websayt | jerusalem.muni.il |
Ayon sa Bibliya, sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel, at ang kanyang anak na si Salomon, ang nagpaggawa ng Unang Templo.
Ang Sinaunang Herusalem ay ang pinakamahalagang lungsod sa loob ng Sinaunang Israel. Sa kapanahunan ng Bibliya, ito ang kapital o kabisera at pook na pinagtayuan ng templo ng Diyos. Tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Jebus o Hebus[10], Zion o Sion, Lungsod ni David, at Lungsod ng Diyos.[11] Katulad din ng dahilan pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ng marami pang ibang mga makabagong lungsod sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit marami ring naging pangalan ang Sinaunang Herusalem. Nagmula ang mga tawag dito buhat sa iba't ibang mga kapanahunan sa kasaysayan, partikular na mga katangian ng lungsod, o mga pangyayari sa lungsod. Noong Panahon ng mga Hukom, tinawag na Jebus o Hebus ang lungsod ng Herusalem dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga Jebuseo (o Hebuseo; mga Jebusite sa Ingles). Kaugnay ng katawagang Sion o Zion, dating isa lamang itong pangalan ng isang tagaytay o gulod na malapit sa Lambak ng Kidron ng Herusalem, ngunit lumaong naging kasingkahulugan na ng buong Lungsod ng Herusalem. Naging bantog ang bansag na Lungsod ni David noong panahon ni Haring David at maging pagkaraan ng kapanahunan ng paghahari niya.[10] Sa Bibliya, tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Lungsod na Mahal.[12]
Ang panlungsod na konseho ng Herusalem ay binubuo ng 31 binotong mga kasapi at pinamumunuan ng alkalde, na naglilingkod ng limang taon at nagtatalaga ng walong kinatawan. Ang mga kasapi sa panlungsod na konseho ay boluntaryo ang pagtatrabaho at walang natatanggap na suweldo. Ang pinakamatagal na namuno bilang alkalde ng Herusalem ay si Teddy Kollek, na namuno ng 28 taon (anim na magkakasunod na termino).
Ang Herusalem ay sagrado sa Hudaismo sa loob ng 3,000 taon, sa Kristiyanismo ng 2,000 taon, at sa Islam ng 1,400 taon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.